Saturday, September 6, 2014

Talking Issues

Most confusing thing when we are about to stray away and walk along the perilous path of argument exchange is whether:

I should just stop after your first step, stay behind you just long enough that I could still reach your hand, and pull you back. And finally, just hug you.

Or

I should just go along with you, teetering along the edges of rebuttal and letting go all of the remaining hold I got of my selfishness.

Some may say, "What's confusing about that?" Because between A and B above, A would've have been the better choice. Instantly calming for both parties involved and a first step to approaching the problem peacefully. Or for some, B's better. You could let off steam while enumerating what really irks you about each other. Thereby revealing, maybe ugly sides of both of you and realizing that in the end, after the emotional breakdown, all you ever wanted is to be with each other forever, more than ever.

So in the end, you walk back on flat land. On flower fields, hand in hand.

Either way, expression of feelings is the key.
And for introverts and probably socially inept persons like me, expressing my feelings in person is hard. As plain as that.

(Answering or making phone calls actually makes me uncomfortable.)

My lips gets sealed at the first sign of an impending rain. And my heart muscles, I think it's the heart muscles, go rigid that it really hurts. And when you nudge me in the hey-whats-wrong or come-on-tell-me ways, incessantly, I just break down and my eyes spill away waters silently.

I know that the mature way to go is just sit. Stop walking and start talking. Lock away those irrelevant and non-helpful snide remarks and just get to the point. But it's hard to speak. For years I have heard the you-did-not-made-an-effort-and-just-cried lines. And it pains me that it might be true.

I'm so accustomed to not having to speak at home, at school when I was still studying and now at workplace. Even at the prescence of my closest friends, especially when they start chattering with each other. It's always a miracle how I survive one on one dates with a few of them.

I am more of the writer type. So I express myself on notebooks, planners, tissues, and yes, of course on blogging. And when I cannot, because I prefer to just go rolling on the bed and crying my heart out, I have a tendency to destroy material objects around me. Pencils, papers, ponytails. I even managed to disintegrate a tiny SIM card into 9 pieces using only my fingers.

But I still believe that with time, I will change. Hey, I can now say I love you in person. I can now hug you on impulse. Even kiss! Thank you for teaching me.
It's now with impending rains that I need to learn how to overcome this talking-in-person issue. I must change. :(

Sunday, July 27, 2014

Monday, July 14, 2014

http://f.ptcdn.info/362/018/000/1398773658-1-o.jpg

You are my only happiness.

It pains me that I give you sadness
And whenever I do
I look back at all the things I did
And I ask
Did I ever do something, anything,
That will make you say the same thing
Am I also your only happiness?
Do I deserve every ounce of love you always give me?

It pains me that I give you sadness
And whenever I do
I want to go back and undo
Words I said, things I did
Just to have your smile back
Just to have your happy eyes back

But I can't
It's frustrating

Do I deserve every ounce of love you always give me?

Thursday, April 17, 2014

Pangasinan 2014

Kung ang Baler trip namin ay sandali lang naplano at nasakatuparan, itong Pangasinan trip naman, inabot ng ilang buwan. Haha. Marami kasing pagrereschedule na nangyari. Hindi kami nagkasundu-sundo kaagad kung saan pupunta talaga at kung kailan. In the end, kumuha kami ng voucher sa Metrodeal para rito. For six persons ang voucher na kinuha namin, pero lima lang kami na nakapunta. Biglang hindi pwede ‘yung isa naming kasama.

.Travel.
Nagpanic pa ako sa start kasi parang mali ang schedule ng Victory Liner bus na nakita ko. Kaya tuloy, around 12mn ay sumugod kami ni Edmund sa mga bus stations. Ayun mali nga, 3 am ang alam kong schedule, pero 4am ang sinasabi nila sa Cubao terminal.

Napunta nalang kami sa Five Star terminal. Kaso, kailangan naman dito ay magaabang kang mabuti. Kasi, every 45 mins daw ang dating ng bus. Minsan pa, sa may kalye lang sila sa EDSA hihinto, hindi papasok sa station. Pero ang galing, ang nakuha naming bus ay nasa station nakatambay. Tapos sakto na 3am umalis.

Good choice na rin na nag-ordinary bus kami. Kasi sa madaling araw ang byahe. Kahit sarado pa mga bintana, sobrang lamig pa rin.

Hindi pa rin kami umabot sa 9am na call time sana sa Villa Antolin. Haha. Nagutom na kasi kami pagdating sa Alaminos around 830am. Kaya naghanap muna kami ng kakainan.

Pagbaba palang namin ng bus, meron ng mga tricycle drivers na super persistent. As in. Merong isa, sinusundan kami kahit saan kami magpunta. Ang kulit. Sinabi na nga naming kakain lang muna kami.

After namin kumain, paglabas namin sa kainan, grabe, nandyan na siya agad. Hinintay niya talaga kaming makatapos kumain. :| Nakabuntot much talaga si kuya kahit tumawid-tawid na kami ng kalye.

Nagbunga naman ang kanyang pagka-persistent. Sa kanya rin kami sumakay. Napagkasya kaming lima sa tricycle. Tatlo sa loob, dalawang naka-backride.



.Villa Antolin.
Friendly ng sumalubong sa amin. As in. 'Yung pakiramdam na matagal mo na sila kakilala. Haha! Ganon kasi napansin kong pakikipagusap nila kay Reyna, 'yung pinsan ko na main contact nila. :)) Akala mo close friends agad. :D Pero ayos naman na rin ang ganon. :D

Room Inclusions:
2 double bed, 2 extra bed
Cable TV, air con, hot and cold shower
Cabinets and hangers, simple table
Food and drinks from outside are allowed
Pinahiram din kami ng extension, haha.
And eating utensils (mula plates to bowl to pitcher) nang magdala kami ng food namin for dinner. :D
And okay lang din sa kanila na mag-igib kami ng tubig mula sa dispenser nila. Hihi.
Picture muna while prepping for island hopping. :D

Reception area ng Villa Antolin
.Island Hopping.Snorkeling.
Diretso na kami agad sa island hopping! Weee!



Ang aming bangka
.Governor Island.

Una kaming nagpunta sa Governor Island. Para siyang may rest house sa tuktok. Tapos may balcony style overlooking pa, ang sakit ngalang sa balat ng araw. Haha, arte. :))


Against The Light
May mini-cave rin sa bandang kanan ng island.
.Marcos Island.

Meron ditong super short trek paakyat sa isang overlooking at cave kung saan pwede kang tumalon at lumangoy-langoy.




Maraming foreigners na nandito nang sumilip kami.
Sila ang malalakas ang loob na tumalon.
'Yung lalaking pinipicture-an, isa sa mga foreigners. At akmang patalon na 'yan.
Binibilinan niya lang 'yung may hawak ng camera na galingan ang pagcapture sa moment niya. :))

Si ateng naka-straw hat naman, korean yata.
Dito na rin kami inabutan ng lunch time. :) Pumili lang kami ng medyo lilim na part. Pinahiram din kami ni kuya bangkero ng plywood para magkaroon kami ng hapag na patag. Tandaan lang dapat na huwag magiiwan ng basura.


Busog. :D
Snorkeling
Mas matapang ako ngayon magsnorkel kasi andiyan sina Edmund at Erlie. Alam kong hindi ako iiwan at may kakapitan ako kahit anong mangyari. Haha. Hindi pa ako mahihiyang maging burden sa kanila. :))

Pero, mas naging matapang ako nang malaman ko na may tali kaming kakapitan sa gitna ng katubigan! Wee. :D


Nang nasa kalagitnaan na ngalang kami ng tali, biglang may nagsting sa aking right binti. Akala ko, may matulis lang na bagay na tumutusok sa'kin from laylayan ng shorts ni Edmund. Baka may something sa velcro ng bulsa ng shorts niya tapos tumatama sa akin. Pero kapag kinakapa ko ang shorts niya, hindi naman masakit.

Tiniis ko na lang siya hanggang matapos ang snorkel. Parang may interval 'yung pagpaparamdam ng sting. Hindi makati. Mahapding masakit siya. Parang tinutusok lang. Enjoy pa rin naman kahit ganoon. :D



Sayang ngalang, sina Ate Dada at Reyna ay hindi sumama. :| Hindi nila nakita lahat mga nakita namin - giant clams na parang ayaw mo lapitan kasi baka lamunin ka, corals na colorful, fishes na hyper. May mga inaabot akong fish kaso ayaw lumapit. Haha.
(Gusto ko na ng underwater camera. T___T Pagipunan ko siguro, para next year meron na. :D Or underwater camera case kaya. Meron daw for Canon point and shoot cameras eh.)


.Quezon Island.
Tanaw-tanaw lang kami sa island na ito dahil hindi siya pwedeng puntahan sa ngayon. May mga ginagawa raw kasi. Maintenance things?


.Bat Island.

Isla na ginawang tirahan ng mga paniki. Rinig mo talaga ang ingay nila at amoy mo rin 'yung smell kapag medyo malapit ka na. Akala mo 'yung mga puno sa isla ay hitik na hitik na bunga, pero mga paniki pala 'yung mga nakasabit sa kanila.
Zoomed in view sa treetops ng isla

.Scout Island.

After namin magsnorkel, naghanap naman kami ng island na pwede kaming tumambay lang. Scout Island ang nakita namin. Akala ko walang ibang tao, pero nagtataka ako kung bakit may bangka. Meron palang foreignor couple sa lilim. Nakatingin sa pagdating namin, pakiramdam yata nila naiistorbo sila. :p Noong una, wala lang sa amin, dumiretso pa rin kami.

Ewan ko anong peg dito ni Reyna. Haha.
Kalaunan, hindi na rin masaya kasi nasa kanila talaga 'yung lilim. Mga takot kasi kami sa araw. :)) Nagtampisaw na lang kami malapit sa bangka. Nagsuot ako ng life vest para makalayo nang onti. Hihi.


.Children's Island.
Last island na aming pinagstaya-an. Mababaw ang tubig. Ang layo mo na sa pampang, hanggang bewang pa rin. Kaya yata "Children's" island ito. Hahahaha. Joke.

Dito yata pinakamaraming tao na nagtatampisaw, namamahinga, at kumakain. Malilim din kasi, hindi mainit.
As a result, parang dito rin pinakamakalat. :(

Against the light uli. Hehe,
.Free Breakfast.


The next day, time to claim the free breakfast! :D Dahil anim ang binayaran naming vouchers, for six din ang breakfast namin. Pinagshare-an namin 'yung sixth, kinuha namin 'yung longganisa ng Pangasinan.


Okay naman, wala masyadong bawang taste kaya approve na rin sa akin. Kaso, mas maalat siya kesa sa normal na longganisa. :p

.Pasalubong Buying.
Hindi na kami masyadong lumayo para rito. May kalapit kasing souvenir shop ang Villa Antolin. Marami ka na pagpipilian. Mostly ang napamili namin ay tshirts, ref magnets at keychains. Pero bukod doon, meron pang ibang mga tinda - ukelele, mirrors, coin purse, decorations, summer dresses, etc.


Sa may centro naman, pinuntahan namin ang supplier ng longganisa ng Villa Antolin. May kaalatan siya kesa sa normal na mga longganisa. Gusto ko lang ipatikim kay mama. Haha. At least hindi tadtad ng ayaw na ayaw naming mga bawang. Haha.
(Sinabayan na lang namin ni mama ng kamatis para malessen 'yung kaalatan niya. :D)

After nito, nagpunta na kami sa Victory Liner terminal at sumakay ng bus pauwi. :)

Noong una akala ko bitin ang overnight stay lang sa Pangasinan, na baka maging rushed ang lahat. Pero masaya naman at relaxing pa rin ang kinalabasan. :D Ang pinakastressful na siguro ay 'yung mga makukulit na tricycle drivers. As in persistent sila sa pagtatawag ng mga pasahero. :|

As usual, sasabihin ko na naman na gusto ko pang bumalik. Haha. Paano kasi hindi namin napuntahan ang Quezon Island kasi sarado. May maintenance something yatang ginagawa. Mukhang malaki pa naman.

Atsaka, hindi talaga namin naranasan na magstay sa isang island para makapagswim-swim nang matagal. Karaniwan kasi marami na tao o wala na spot na maganda para makapagstay kami nang matagal (where spot na maganda means - hindi masyadong mataas ang tirik ng araw, clear waters, wala masyadong tao).
Pero konti pa yata ang mga tao noong nagpunta kami. Kasi hindi naman peak season.

---------------------------------
.EXPENSES.
Hundred Islands Getaway:
2-Days/1-Night with Hotel, Breakfasts & Island Hopping starting at P1068 instead of P2280
- P1068 per person instead of P2280 (minimum of 6 persons)

- Inclusive of a 4-Hour Island-Hopping Tour of the Children’s Island, Governors Island and Quezon Island


Non-Aircon Bus Fare
From Five Star Cubao Station to Alaminos, Pangasinan: PHP300.00/pax

Aircon Bus Fare
From Alaminos, Pangasinan Victory Liner Station to Cubao Station: PHP393.00/pax


Tricycle from Centro to Villa Antolin (vice-versa): PHP70.00 to PHP75.00
(Note: May mandurugas na walang panukli kuno. PHP80.00 tuloy ang binayad yata namin.)

Additional for Island Hopping: PHP800.00 (Originally kasi, 3 islands lang nasa itinerary)

Islands Entrance Fee (one time only, i.e. already includes all islands to be visited): PHP20.00/pax

Snorkeling gears: PHP150.00/pax


Food Expenses for Lunch bought at Villa Antolin Restaurant (all of them are for sharing already):
Pancit Canton - PHP185.00
Lechon Kawali - PHP175.00
Fried Lapu-lapu - PHP300.00
2 Plain Rice - PHP120.00
---------------------------------

Sunday, April 6, 2014

Masonry

While you mash the already broken pieces
I am constantly heating and hardening clays
Layer by layer, brick on brick...

While you watch us break and crumble silently
I gather myself to strengthen the walls
I want them to surround me
To prevent me from seeing your filth
And from grossing over your pathetic deceit.

posted from Bloggeroid

Saturday, March 1, 2014

Baler 2014

Ang trip na biglaan. Pero cool lang dahil naplano pa rin ni Al nang maayos. *thumbs up*
Bunga lang ng kagustuhang magpunta sa kung saang malapit as a break from our demanding work and para sa iba sa amin, as a break na rin siguro from school works.
At siyempre, bilang celebration na rin ng birthday ni Au. :D


.Travel.
For this trip, we boarded a Genesis Joybus at around 11:30pm sa EDSA Cubao Terminal.
First time kong sumakay sa luxurious na bus - may snack (1 mineral water, 2 flavored Magic Flakes), may blanket, may CR, may footrest, comfy upuan (2 by 1 kasi siya).


Swak na swak si Au. :D
Kaya nga lang, over lamig sa buong trip. Sinarado na namin ung aircon sa part ng seat namin pero sobrang lamig pa rin.


Bus Fare: PHP700.00 (Ang alam ko, nagpareserve na rin dito si Al.)
Travel Time: ~5 HOURS, No stopover.





Pagdating sa terminal, around 5AM, dumating na rin in less than 5 minutes 'yung sundo namin na dalawang tricycle.
(Magpapareserve na sana kami ng bus pabalik, pero hindi pa raw pwede, sarado pa. :p)
Sila pala 'yung in-charge sa transportation namin sa buong Baler trip namin. :D


Tricycle Tour Rate: PHP1,600.00 for two tricycles


.Check-in At Bayler View Hotel.
So first stop, hatid sa Bayler View Hotel kung saan kami nagpareserve ng dalawang rooms. Anim kami lahat. So 3pax/room.


~Bayler View Hotel~
Rate per Room: PHP2,500.00
Room Inclusions:
- Air conditioner
- One double bed, one single bed
- Cable television
- Private bathroom with hot and cold shower
- Towel, toothbrush, toothpaste, soap, shampoo, and slippers for each person
- Free breakfast


After checking in, nagsettle down muna kami. Idlip-idlip, change to gala get-up, niready mga dadalhin, at nagbreakfast muna. Cool ng tapa sa tapsilog nila, parang floss lang. :D



Price: ~PHP125.00


---------------------------------------------------------------
.The Birthday Girl.

Before starting the day's tour (bago pa ang breakfast, actually), binigay na muna namin kay Au ang aming birthday gift! :D


Sinubukan pa muna namin na gumawa ng prank. Empty box lang muna. Tapos may letter from someone special. Pero penmanship lang ni Rev. Haha. Hindi ko alam kung nakornihan siya o ano. Haha.
---------------------------------------------------------------
Around past 6AM, nagstart na ang tour namin. Brrrr.. Super lamig ng tricycle ride. >.<


.Diguisit Falls.
Medyo nakakagulat lang ito. Kasi nasa tabi lang ng main road. :D
Akala ko kasi lahat ng falls eh nasa loob ng medyo masukal na gubat-gubat at talagang mga lupa at batu-bato ang dadaanan para marating.



Hanggang sa base lang kami. Akala ko aakyat pa kami para mas up-close talaga sa falls.


.Aniao Islet.
Tapos, sa hindi kalayuan, beach naman. Sa Aniao Islet.


Kay linaw na tubig.


Hindi kami nagswim, inakyat lang namin ung mga matutulis na bato.

Sayang nga, solo namin 'yung place, so malaya kami kumilus-kilos.

Or sobrang excited lang kasi akong magtampisaw kaya hindi ko naisip na hindi pwede magswim-swim kasi malakas ang waves? Haha.
Okay lang naman, maganda naman ang view. Enjoy rin sa pagabang ng waves as background sa pictures.


Umakyat kami sa mga batu-bato. Medyo slippery at matalim sila. Ayaw ko isipin ano mangyayari kung sakaling madulas ka sa mga batuhan na ‘yan. >.<



.Ermita Hill.
Next, nagpunta kami sa Ermita Hill. Witness ito sa isang napakalaking tsunami na tumama sa probinsya noong unang panahon (kung tama pagkakatanda ko, 1735 ang year na sinabi sa amin). May statues ng mga tao na nagtutulung-tulong sa pagakyat sa tuktok as symbols ng kung paano nakaligtas ang ilang pamilya mula sa tsunami.



Today, nagsisilbi siyang park at pahingahan to both locals and tourists. Sabi ng tour guides namin, huwag na namin akyatin on foot kasi mapapagod daw kami. Sakay na lang daw kami uli sa tricycle. Sila na magdrive paakyat. Pero para sa ilan sa amin na naakyat na ang 700 steps sa Coron, paakyat at pababa, balewala na yata ang sinasabi nilang 200 steps paakyat sa Ermita Hill.


Sobrang conditioned ako na mapapagod ako at manginginig na naman ang mga binti ko after, pero, nagulat na lang ako, nasa tuktok na pala! Hindi pa ako napapagod. :)) Parang, "200 steps na ba talaga lahat 'yun?" Haha.


Pinakita rin ng aming tour guides ang isang butas sa lupa. Entrance (or pwede ring exit) siya sa isang tunnel na hinukay ng mga tao noon bilang escape route kapag may mga nangreraid sa lugar nila.



True enough, masarap ngang pahingahan ang tuktok ng hill. Maganda ang view. Malakas hangin. Presko. Saka timing din yata pagpunta namin kasi kahit may araw na, malamig-lamig pa rin.







.Quezon House.
No entrance fee. Only donations.




Tinatanong ni Edmund kung gusto ko ng similar na bahay, gawa sa makikintab na kahoy. Traditional Filipino style na bahay. Sabi ko ayoko, kasi mahirap maintenance. Haha. Kelangan palagi magbunot. Maganda nga sana talaga, pero ‘yung maintenance nga, hirap.


Nakakatuwa rin merong library. Andaming libro. Hindi ko alam kung sa angkan pa talaga nila Quezon ‘yun o donation na lang ng mga locals. Meron din mga lumang litrato at memorabilias around. Pati mga utensils sa kusina. According sa research ko, rebuilt na lang siya pero ginawa pa ring as close to the original as possible.


Presidential car daw ni Quezon

Sayang, nakakandado ang "garahe". Hindi namin makita nang husto ang loob ng kotse. Pero may oras naman daw talaga na binubuksan 'yun for public viewing. Hindi ko lang natanong kung kailan. Sayang, hindi namin na-timingan. :p


.Quezon Statue.
Ngayong iniisip ko, hindi ko alam bakit kami nagpapicture dito. I mean, sa mismong tabi ng statue. Pwede naman kasing sa baba lang. :)) Umakyat pa talaga kami. :)) Eh nasa gitna siya ng town kaya kitang-kita ng maraming locals pagpopose namin. Sana naman hindi kami mukhang disrespectful kay Sir Quezon.





.Museo de Baler.
No entrance fee. Only donations.


Sa likod ni Quezon, Museo de Baler.




Medyo madilim nang magpunta kami. Brownout pala kasi. Pero okay na rin kasi wala masyadong mga tao kaya hindi naman mainit. :) Maluwag din sa pakiramdam at malaya maglibut-libot around.


May mga items on display na mula sa production ng isang Philippine movie na ginamit na setting ang Baler. Guess what movie. Haha.


Dito, may depiction na naman ng historic tsunami na sumalanta sa town noon.




.Buffet Lunch at Gerry Shan’s Place.
Kainan na! Ang galing nito, murang buffet lunch. PHP185.00. Sikat ang Gerry Shan's place sa Baler. Kaya ang galing, napuntahan namin. Wala na akong pics dito kasi pagkain na lang iniisip ko. :))


Busog naman ako. Tamang sarap lang. Maraming food - may sabaw, may ulam na may sauce, prito, desserts, shakes, iced tea, fruits. Filipino dishes ang main na mga pagkain. Wala akong napansing pasta.


Mga kinain namin ni Edmund --
Fried chicken: Hindi appealing sa akin ang itsura pero nang tinikman ko na, masarap pala. :D
Kare-kare: Hindi raw masarap ang sauce, puro tuwalya raw sabi ni Edmund. Pati bagoong daw, hindi niya trip.
Kaldereta: Hindi rin daw masarap sabi ni Edmund
Sisig: Masaya naman ako sa lasa nito.
Turon: Hindi naman talaga ako kukuha nito, akala ko lang kasi matabang lumpia siya, ‘yun pala turon. :))
Coffee jelly: Sobrang nasarapan dito sina Edmund at Au
Pakwan: Ubod nang laki ‘yung isang slice.


Medyo hindi lang pantay ang temperature sa place. Sa bandang bungad, malamig pala kasi abot ng aircon. Pero ayos lang, hindi ko na rin naman talaga inasahan na malamig sa loob kasi bukas lang siya, hindi ko nga napansin kung may pinto ba o wala. Saka komportable naman akong nakakain.


.Balete Tree.
No entrance fee. Only donations.


Nalilito ako sa tunay na edad ng punong ito. Some say, 500. Some say, 600 years old. Pero kahit sure na by the hundreds palang ang edad niya, Millennium Tree na ang tawag sa kanya.





Sa tanda ko, ang sabi sa amin ay it spans 10-15 meters in diameter and 200 feet high. May mga openings siya, and 'yung isa ay kasyang-kasya ang isang tao. And open siya para pasukin at akyatin. :D Siyempre go kami! May mga guide naman. Sila nagsasabi saang ugat o branch tatapak at kakapit. Ang inaalala ko lang ay kung kayanin ng powers ko. Kasi naaalala ko, nag-wall climbing ako, napagod ako sa second try ko, naggive up ako. Binaba na lang ako ng harness. Eh hindi ako pwedeng maggive up dito halfway. >.<


Pero buti na lang, walang pagod feeling paakyat. Sunod lang ako sa commands nila kuya. Ang challenge lang ay kapag sinabi ni kuya na ilagay ko ang kanan o kaliwang paa ko sa isang branch na sobrang layo sa current position ko. Stretching galore para sa akin na hindi nageexercise. :p Okay din naman ang tapakan at hawakan kasi hindi rough. Makinis. Minsan mismong tuhod ko na pinangpupush ko sa sarili ko kasi feeling ko naman hindi masusugat.


Ang saya sa tuktok! :D Mega kapit ngalang, baka madulas.




Mas nahirapan ako sa pababa. Kasi hindi ko kita masyado kung saan ako pinatatapak at pinakakapit. Mas dama ko na sala-salabat ang mga ugat at branches. Doon ako pinagpawisan. :))


.Mother Falls.
Eto na, ang last itinerary for the day. Ditumabo Falls or Mother Falls. One hour trek daw ito bago marating ang falls. Hindi ko namalayan gaano kami katagal nagtrek. May mga sementadong daan saka makeshift bridges sa trek. May pagtawid pa rin naman sa mismong current na ginawa kami. Alalay lang sa lakad kasi baka madulas. May thorny grass din kaming nadaan. Nadali ako, ayun, gasgas inabot ko. :p




May mini falls sa gitna ng trek. Baka baby ng mother falls? Joke. :))




May mga tao na sa falls pagdating namin. Nang kami na ang susubok na lumusong, bumilib ako sa kanilang mga nauna kasi SUPER lamig ng tubig para sa akin na sanay maligo sa umaga gamit ang warm water. Brrrrr... Taas balahibo agad. Ang tagal ko sinanay ang katawan ko sa gilid. Una paa, legs, try naupo. Brrrr.. Arms. Tinalsikan ko mukha ko ng tubig. Grabe. Parang ganito rin ang pagsuong na ginawa ko sa Maquinit hotspring sa Coron. So naisip ko, ang galing, isang todo init at isang todo lamig na water temp na naranasan ko. Haha. Eventually nakalublob na rin ako ng buong katawan. Salamat sa encouragement ng mga nauna na sa akin na sila Edmund, Al, Rev, at Au. Haha.


Tapos ang sunod na kailangan ko lampasan ay pagtawid sa mula sa parte ng tubig na malalim papunta sa parte na mababaw at may tapakan na uli. May alalay naman na. Sina Edmund at Rev. Pero takot talaga ako sa tubig na hindi ko abot ang ilalim. Kailangan iensure sa akin na hindi ako bibitawan. Haha. Ayon.  Mukha akong ewan, samantalang sina Au at Al na mas maliit pa sa akin eh mabilis at matiwasay na nalampasan 'yung malalim na part. -.- Nakakainggit. Buti na lang karamay ko si Che. Isa rin kasi siyang takot sa tubig. Hehe. Pero mas may finesse pa rin yata ang pagtawid niya kesa sa pagpapanic na ginawa ko. :))



May warning lang sa amin sa pagstay sa falls na ito. May area raw kasi na may nahuhulog na mga bato mula sa bundok. Kaya pinalalayo kami sa isang spot. 'Yun spot na 'yun pa man din 'yung mismong tinambayan namin ni Che nang matagal habang nagiipon pa kami ng lakas ng loob para makatawid. Haha.


.Dinner, Ausome! Pizza Treat, Rest Time at Bayler View Hotel.
After trek pabalik, hinatid na kami pabalik sa hotel. :) Wheww. Nakakamiss ang mainit na tubig sa shower. Haha. Sarap sa pakiramdam eh. After magrefresh, dinner!


Napakarami naming naorder. Haha! Spicy Squid, Pork Binagoongan, Pork Sinigang. May dalawa pa kaming pizza as birthday treat ni Au. :D





Masarap naman lahat. At spicy talaga ang Spicy Squid nila.
Hindi namin na naubos ang pizza. Buti na lang pwedeng ipatago muna sa kitchen nila. :)


After eating, naglakad-lakad muna kami sa tabi ng dagat. Not really sa shore. Sa mas mataas na part, parang mahabang balcony ba. Mas kasama ko at kasabay si Edmund sa paglalakad. Tinitingnan namin ang dagat, ang dilim-dilim. Ang lamig-lamig din ng hangin, may kasamang tubig na yata. Nasspray na ng hangin from dagat. :p


Wala lang, inisip namin na ang hirap talaga ng naging buhay ni Pi Patel sa Life of Pi. :)) Ang dilim-dilim, ang lamig-lamig sa gitna ng dagat tapos palutang-lutang lang siya. >.< Mas dama 'yung paghihirap niya ngayon kahit imagination lang namin kasi kita namin nang live ang madilim na dagat. >.<


Okay, tama na. :p Pagbalik sa kwarto, nagpaantok na agad at natulog kami. Hindi na kailangan ng aircon. Pero kailangan pa rin ng kumot. Sobrang lamiiigggg. Brrrr.


---------------------------------------------------------------
Kinaumagahan, upon inspection sa bed habang nagpeprepare at nagaayos na kami ng mga gamit, nakita namin na medyo madugo sa side ni Edmund. Medyo kinagat siya ng mga surot. >.< Bedbugs. >.< Ramdam na ramdam niya raw 'yung mga gumagapang sa magdamag. >.< Ayun nga, nakita kong may gumagapang pa. Tsk.
Room 204 yata kami. Basta room numbers 203-204 ang sa amin.
---------------------------------------------------------------


.Pangarap na Surfing.
Kinaumagahan, nagising kami sa continuous at loud knocking ni Al. Nagising lang, pero hindi kami  bumangon. Hahahaha! Sorry, Al. Sarap pa matulog eh. Lamiig kasi. Galing na pala siya sa shore sa tabi mismo ng dagat. Inabangan yata niya ang sunrise. Sobrang lakas daw ng alon. Hindi ako makapaniwala at first. Inaasar ko pa siya na maliit kasi siya kaya abot agad sa legs niya ang alon. Until ako mismo makaexperience.



Parang wala talagang shore na dry lang palagi. Eventually, aabutin at aabutin siya ng malalakas na alon. Parang may paparating na delubyo (OA, haha) kapag paparating na ang malalakas na alon. Hindi na nga kami makapose nang maigi kasi baka itulak o tangayin kami ng tubig. Haha. Si Al nga, natangay na ang isang tsinelas niya, hindi pwedeng habulin kasi baka pati ikaw matangay na papalayo.


At dahil diyan, may excuse na ako para hindi magsurf. Hahahaha. Sayang kasi kaya nga nasa Baler kamo eh para magsurf talaga  pero at the same relieved na hindi ko na kailangang alalahanin kung paano na naman ako makikibaka sa tubig. :p


Kaya, nagbreakfast nalang kami at naghanda para sa paguwi.


.Madaliang Pasalubong Buying and Going Home.
Late na kami nakatapos sa pagaayos. Medyo natagalan din sa pagcheckout. Kaya dali-dali kami nang mamili ng mga pasalubong. Hindi na kami agad nakaikot. Kung ano na lang madampot ko na mukhang hindi makikita sa Manila. Hehe. Pero buti nakabili pa rin kami ni Edmund ng tshirt, PHP180.00. Saka itong suman na ubod pala ng sarap! PHP60.00 per bundle na may limang piraso yatang suman. Sana bumili kami ng mas marami.


Hindi rin namjn inabutan ang 10:00am na regular bus ng Genesis na diretsong babalik sa Manila. So sad. Nagmadali pa kami. Sa 11:30am bus na lang kami sumakay na byaheng hanggang Cabanatuan lang. Binilinan kami ng mga tricycle drivers namin na magiingat pagbaba namin. Marami raw nagaalok na bibitbitin mga gamit ng pasahero tapos biglang itatakbo pala.


Matiwasay naman kaming lahat na nakarating sa Cubao mula Cabanatuan. :D Tulog lang kami ni Edmund sa bus o kaya nagkukwentuhan. Naglaro rin kami ng Pinoy Henyo. Haha!


Bus Fare from Baler to Cabanatuan: PHP247.00
Bus Fare from Cabanatuan to Cubao: PHP185.00

Gusto ko bumalik kapag hindi na masyadong malamig!!