Para sa aming ikatlong official Saturdate nagpunta kami sa UP Diliman. :D [Tapos biglang napunta sa TechnoHub at GateWay Mall. :D]
Late sundo. Nag-double pa kasi sa Bourne Legacy shooting sa Taft. :)) Rodic's. :9 Umulan. :) Sa maliit na dress shop/bookstore malapit sa waiting shed sa likod ng Consumer's Cooperative. Dolores Claiborne by Stephen King. Hindi ko binili. Lutong Bahay at Lutong Kapitbahay. Track Oval. Vanguard. Major in... folk dance? Basketball? College of Human Kinetics. =)) Tambay sa tabi ng gym, sa may parang playground na mala-obstacle course ang set-up. ~I can show you the world...~ National College of Public Administration and Governance. Turo nang turo, pasaway. Deduction na may nabangga na sa malaking STOP sign sa University Ave. Ano 'yung bato na 'yun? Upuan? =)) Pinaghahandaan na pala ang pagtatanim ng mga sunflowers. Acad Oval. Lagoon. Hindi ba may tubig sa lagoon? Oo, meron yan, nasa gitna. Ano yan eh, mountain. =)) Vargas Museum. Super enjoy sa SANDATA. Ang ganda ng frame. =)) Parang lahat ng painting niya, natutulog? Scary room. :| KURYENTE. :) Tubig, Gatorade. Payong. :) [Hirap kapag programmer ang kausap. :))] Pati 'yung 'Palma Hall' mirror image? =))) Sunken Garden. Mauupo sa sanga?? =))
College of Business Administration. The Kuya Doc Story. Hindi pa.=)) The "Ex". :)) College of Music - next time, tanong na natin kung may short courses. :) Kinder. Higschool. College. Family. :) TechnoHub. Akala ko tatambay kami sa footbridge. :D Fail surprise boo ko while naghihintay ka sa'kin. Cafe Briton. Hamburcrepe. Banana-Mango-Apple Stew with Whip Cream, Choco Syrup and Almonds Crepe. :9 Bus ride to Aurora. Gateway Mall. Chinese Horoscope. :D Addicting Guitar Freaks! :)) Lagi na lang akong talo sa'yo. :)) Long FX ride to Concepcion. Siomai House. Dinner at home. :) Good night. :)
"If it's ka, it'll come like a wind and your plans will stand before it no more than a barn before a cyclone." - Roland Deschain, Wizard and Glass
Showing posts with label up diliman. Show all posts
Showing posts with label up diliman. Show all posts
Sunday, January 29, 2012
Sunday, December 25, 2011
UP After Lantern Parade :)
Wala kasi akong naabutang pumaparadang lantern. Kahit 'yung tipong mga nagaayos, nagliligpit, etc. As in wala. Haha. Sobrang busy kasi sa office. Hindi rin ako nakapag-halfday dahil nakakahiya naman sa team lead ko. :p Tapos OT pa nang onti dahil may pahabol pang support. Kawawa naman si Guillard, nag-leave siya para sa event na 'to. -.-
At nang finally pupunta na kami ni Guillard sa UP, wala kami agad nasakyang taxi. Nag-bus na lang kami eh. And then nilakad from Philcoa to UP. :)
Ang star sa likod ni Oble |
So lakad-lakad muna kami. Hanggang isa-isa naming nakita ang mga batchmates. :) Nag-ala Santa Claus lang naman si Guillard habang nagdidistribute ng mga regalo niya mula sa isang malaking supot ng SM. As for me, tunay na pagkakaibigan at presensya ko na lang muna ang regalo ko. Hehe.
Nakakapagod ding maglakad-lakad at maghintay at lumilingon-lingon kahahanap sa kanila. Dagdag mo pa ang kahirapan na ma-contact sila dahil minsan nawawalan ng signal.
Finally, the fireworks! :) |
Medyo maraming puno pero keri lang. Napansin ko lang na mas mabilis matapos 'yung fireworks ngayon kesa noong mga nakaraang taon. Hindi kasi ako nagkaroon ng stiff neck this year eh. =))
Thought bits:
friends,
happy,
lantern parade,
red kimono,
up diliman
Sunday, November 6, 2011
Noong Pumasok Ako sa UP
...iniisip ko kung tama ang desisyon na ginawa ko.
Dahil sa pagpasok ko sa unibersidad na iyon, twice a year na namomroblema si mama para matustusan ang tuition fee ko. Samantalang noong elementary at high school ako, libre ang edukasyon ko. Baon ko lang at panggastos sa projects. And even then, hirap pa rin. Buti na nga lang, walking distance lang ang high school ko eh. Hindi na ako namamasahe.
Kung tinanggap ko ang 100% scholarship na binibigay sa akin ng Miriam College noon, sa course na Communication Arts, ano kayang mangyayari? Wala lang, bigla ko lang naisip ngayon. :p
Naalala ko pa noon si mama, katabi ko siya sa computer habang ginagawa ko ang kauna-unahang registration process ko sa UP. Alam ko na naglalaro sa isip niya kung paano niya susustentuhan ang tuition ko, pero patuloy pa rin siya sa pag-encourage sa akin na kahit waitlisted (nakalimutan ko na 'yung mas eksaktong term) lang ako sa Computer Science, kunin ko pa rin daw. Malay ko raw baka magkaroon ng slot. Fortunately, during that semester, dinagdagan ang number of students na tinanggap sa course na iyon, so pasok ako.
Noong mga unang araw ko bilang freshman sa UP, sobrang loner ko. Ang laki pa ng break times ko so naglalakad-lakad lang ako sa kung saan-saan. Nalulungkot at kung minsan nagpipigil ng iyak kasi wala ang mga malalapit kong kaibigan. Halos lahat sila nasa Miriam. (emo much?)

Sunday, April 17, 2011
UP Diliman Graduation Batch 2011
At sumapit din ang araw ng graduation.
Actually, wala na talaga akong gana na magpunta dahil hindi naman binigay sa’kin ang cum laude ko. >.<
Kung hindi ko lang naiisip na si Jomai ang nagasikaso ng lahat para makapag-martsa ako, hindi na talaga ako tutuloy. :D
Wala nga akong sariling pictures eh. Pero naisip ko, baka hindi ko rin deserve kasi, hindi ko nga nabilang nang maayos ang units ko diba, tapos magla-laude ako.
Pero lumubag ang loob ko dahil may mas malala pa palang sitwasyon kesa sa’kin.
Isang dapat ay magna cum laude.
Pero hindi niya rin nakuha sapagkat underload.
Nakwento lang sa’kin ni mama kasi tsinitsika raw sa kanya ng katabi niya sa upuan sa loob ng UP Theater.
Ate siya ng isang magtatapos rin na estudyante. Mas nakakahinayang siya kasi magna cum laude siya eh. Sa tanda ni mama, ang general weighted average daw yata ay nasa 1.295. Tsk. Ang hirap kaya abutin nun. Lalo na kung umeffort ka talaga nang bongga.
Naaawa raw ‘yung ate niya na ‘yun kasi isang linggo na raw halos umiiyak palagi ‘yung kapatid niya. At kung hindi niya pa raw pinilit, hindi na raw talaga magmamartsa. Hindi na nga raw rin pinauwi ang mga magulang nila kasi, bukod sa busy, wala rin naman gagawin. Uupo lang sa likod. Manonood. Medyo nadama ko ‘yung nadama niya, pero hindi naman ako umiyak. Kasi nakakapagtrabaho na ako eh. Parang okay na rin, nakakapagbalik na ako ng mga naibigay ni mama para makapag-aral ako.
Pero nakakaawa pa rin ang estudyante na ‘yun. Siguro naiisip niya, kung ako ang nasa stage, ipapasabit ko ang dalawang medalya na ‘yun sa nanay at tatay ko imbes na sa akin.
Ganoon talaga minsan. Kapag ordinaryong estudyante ka, kailangan mong sumunod sa mas mahihigpit na batas. XD *Oo, may bahid ng bitterness. Hehe*
Buti na lang, inspiring ang message ng valedictory speech ng kauna-unahang summa cum laude sa department ng Mechanical Engineering. Sabi niya (more or less), natatakot siya paglabas niya sa tunay na mundo. Kasi ang mga grades ay numbers lang naman talaga. :D
Happiness pa rin naman kasi pag-uwi ko, dumating si Guillard. May dalang gitara. Nangharana.
Joke. v^^ Regalo niya raw sa’kin. Bongga di ba. =)) Talagang mapapaaral na ako mag-gitara nito! :D *excited*
At may dalang three white roses ang isa kong manliligaw.
Joke uli. v^^ Pinsan kong babae ang may dala. :D
Ayon, kaso Lucky Me! Pancit Canton lang naipakain ko sa kanila. Haha. =p
Subscribe to:
Posts (Atom)