Wala kasi akong naabutang pumaparadang lantern. Kahit 'yung tipong mga nagaayos, nagliligpit, etc. As in wala. Haha. Sobrang busy kasi sa office. Hindi rin ako nakapag-halfday dahil nakakahiya naman sa team lead ko. :p Tapos OT pa nang onti dahil may pahabol pang support. Kawawa naman si Guillard, nag-leave siya para sa event na 'to. -.-
At nang finally pupunta na kami ni Guillard sa UP, wala kami agad nasakyang taxi. Nag-bus na lang kami eh. And then nilakad from Philcoa to UP. :)
Ang star sa likod ni Oble |
So lakad-lakad muna kami. Hanggang isa-isa naming nakita ang mga batchmates. :) Nag-ala Santa Claus lang naman si Guillard habang nagdidistribute ng mga regalo niya mula sa isang malaking supot ng SM. As for me, tunay na pagkakaibigan at presensya ko na lang muna ang regalo ko. Hehe.
Nakakapagod ding maglakad-lakad at maghintay at lumilingon-lingon kahahanap sa kanila. Dagdag mo pa ang kahirapan na ma-contact sila dahil minsan nawawalan ng signal.
Finally, the fireworks! :) |
Medyo maraming puno pero keri lang. Napansin ko lang na mas mabilis matapos 'yung fireworks ngayon kesa noong mga nakaraang taon. Hindi kasi ako nagkaroon ng stiff neck this year eh. =))
May aksidente rin na naganap, may tinamaan daw ng fireworks dahil na imbes na pataas, sa side pumunta 'yung fireworks. Ayon sa news, since 1922, ngayon lang ito nangyari.
May aksidente rin na naganap, may tinamaan daw ng fireworks dahil na imbes na pataas, sa side pumunta 'yung fireworks. Ayon sa news, since 1922, ngayon lang ito nangyari.
And then, nagdecide kaming mag-TechnoHub para bulabugin ang isa pa naming friend na hindi rin naka-attend sa event dahil until then nagtatrabaho pa rin siya. Doon na rin namin naisipang mag-dinner. :)
Kit! Matagal na kaming hindi nagkikita. Pareho na kaming tumaba. :) |
Sa RedKimono kami kumain. Isang mamahaling Japanese restaurant. Wala na kasing space sa The Old Spaghetti House at Seafood Island, tamad na rin kaming maglakad papuntang Pizza Hut. As a result, butas bulsa, pitaka, coin purse namin. Haha. =)) Pero sobrang enjoy naman sa kwentuhan, asaran, picture-picture, at siyempre kainan. :) Ang gift sa amin ni Kit ay Sushi platter. :9
Sa dami niyan, 'yung crabsticks, shrimp at 'yung manamis-namis na yellowish-flesh ang color lang ang kinain ko. :p Buhay na buhay kasi 'yung the rest, parang hindi ko maatim tikman. Haha. |
Kahit walang lanterns, ang sarap sa feeling na nakita mo uli ang mga friends mo na bihira mong maka-get together. :D Eh buti na lang may lantern parade, nagkakaroon ng opportunity to reunite.
No comments:
Post a Comment