Saturday, December 31, 2011

2011 Recollections: Jampacked (with little spaces sa corners), Colorful, Assorted, Roller Coaster, Mash-ups

Bago ko ito isulat, tiningnan ko muna ang year end blog ko for 2010.
Aba, written in English! Napressure tuloy akong mag-English din this year.
Pero hanggang pressure lang 'yun, mas masarap pa ring magsulat in Taglish. :p


Nahirapan din akong bigyan ng isang magandang title ang 2011 ko. Sobrang dami kasing nangyari, roller coaster talaga. Kung baga sa kanta, medley or mash-ups. Kung baga sa isang pack ng kendi, assorted. :) Parang walang theme na matino. Pero narealize ko, ganoon naman talaga ang buhay. Hindi lang naman ako ang may ganoong pakiramdam. :p Hindi siya annual event na pwedeng magpalit ng theme every year. Every day ang buhay natin ay event itself. Pwedeng may magkakasunod na araw na parepareho lang ang theme, pwedeng iba-iba sa loob lang ng isang araw. :)) And sometimes, ang theme sa particular event sa buhay mo ay kung paano mo tingnan ang sitwasyon.


Anyway, here goes. :)


~January 2011~
::Nag-celebrate kami ni mama at ng pinsan kong si Reyna ng New Year sa Bicol. Unang beses ito sa buong buhay ko. Ang saya sa neighborhood ng tita ko. Ang dami kasing bata. Tapos 'yung tita ko, saktong 12mn, nagpapasabog ng maraming barya sa maraming bata na nakaabang na sa doorstep ng bahay niya. Pati si mama kasali. =))


::Bought my first camera phone! Ang saya-saya ko nun kasi sobrang ito 'yung gusto ko at last stock na siya. :) Alam kong hindi siya mamahalin pero gusto ko na siya at kuntento na talaga ako sa kanya. :) Unang-una sa lahat, nakakapag-FB mobile ako kahit walang wi-fi at walang load. Secondly, nakakapagbasa ako ng ebooks. v^^ Thirdly, napapakikinggan ko anytime ang mga paborito kong mga kanta. Lastly, nakanood na rin ako rito ng anime episodes habang nasa byahe. :))


::'Life is not measured by the number of breaths we take but by the number of moments that take our breath away.'  - wizard


~Seven years have passed so quickly
And it seems like yesterday
...
I don't forget the promise we made
Still the same star shines above us~ New Years Day, Ellegarden. :)

::Uy, seven years na! Pero going strong pa rin ang keychain na bigay mo. :D 'Yung stuffed toy, nakatabi pa rin sa cabinet, nakabalot ng plastic. :p

::Global Game Jam 2011. Hindi kami nanalo this time. Pero sobrang enjoy at marami na namang na-meet na mga game devs, artists, at game designers from all walks of life (HS students, college students, professionals, at meron ding mga foreigners). :)


~February 2011~
::Nag-reunion ang Kada Meow. :) Sa reunion lang na ito namin naiabot ang mga Christmas gifts namin. Hehe. :)) Dapat sa Gateway Mall kami magkikita, kaso nagkasakit si Margot, so sumugod na lang kami sa bahay niya. :)



::And then, nakita kita. Hindi naman ako bulag eh. Hindi rin ako nag-hahallucinate. Hindi rin ako nakakita ng mga bagay-bagay dahil lang hinahanap kita kung saan-saan.:p

~March 2011~
::Sa wakas, nakabili rin ako ng Sablay. :D Hehe. Nadama ko na yata ang pakiramdam ng isang bride the night bago ang kasal niya. Kasi naman, hindi ko talaga siya sinuot kahit gusto ko na makita ano itsura niya sa'kin. :))

::I celebrated my 21st birthday with surprises from my friends! :) Isa-isa silang lumilitaw hanggang makarating sa venue ng dinner. :) Haha. :) Si Kyle, sa may labas ng office building. Si Jomai, sa may likod ng Megamall paglabas sa St. Francis Square. :) Si Guillard, sa loob na mismo ng Megamall. :) Pero noong umaga, napagod muna ako dahil may fire (o earthquake?) drill. Kinailangan namin gumamit ng hagdan mula 31st floor hanggang ground floor. Grabe lang, para sa isang tulad ko na walang exercise, grabe lang talaga. Ilang araw rin bago nawala ang sakit ng mga binti ko. -.-

::Nag-Visita Iglesia kami ni Mama. :D Ayaw kong sumama noong una, kasi ang tatanda ng mga makakasama ko. :p Pero ayos naman. Magaan ang feeling after. :) Tapos naalala ko 'yung sabi ni Mama noong bata ako: Kapag first time mong pumasok sa simbahan na 'yon, mag-wish ka.:)


~April 2011~
::Unang Hirit with John Gabriel Pelias. :) Gumising ako ng alas-3 nang umaga para diyan. Si John Gabriel Pelias lang naman ang nagtala ng pinakamataas sa grade (1.02 yata) sa buong kasaysayan ng UP Diliman (at hindi lang yata sa Diliman). :) Maswerte kami sapagkat napa-experience namin sa kanya ang thesis namin. Hehe. :D

::Bought Avril's latest CD Goodbye Lullabye. <3 Sa unang pagkakataon, sa sariling bulsa ko galing ang pambili ng CD ni Avril. Favorite songs in this album (as of this writing) - I Love You, Stop Standing There, Wish You Were Here, Darlin.  :)

::Graduation March! Kasabay ko sina Jomai, Kit, Reg, Ate Manix, at Aica. :D Halu-halo ang feeling habang naririnig ko ang tradisyunal na graduation march hymn. May kaba dahil baka matapilok ako sa heels ko at pababa ang nilalakaran, may lungkot kasi dapat last year pa ako nag-march at dapat aakyat din ng stage ang mama ko (at kaya wala rin akong gana kumuha ng mga pictures. XD), may saya kasi nakikita ko ang mga friends ko na excited dahil at last magiging pormal na ang pagtatapos nila sa mga sakrispisyo sa pag-aaral.
Paguwi ko ng bahay, napasakamay ko si Aoi! :D Regalo sa'kin ni Guillard. :)

::Na-publish sa Midwest Literary Magazine March 2011 Issue. Naaaliw ako na nawiwirduhan sa pagkaka-publish na ito. Kasi sobrang hindi ko naman pinaghirapan 'yung tula ko rito. As in pakiramdam ko nga, napaka-immature ng tula kong 'yun. Sinubukan ko lang siyang ipasa kasama 'yung iba kong tula na pinagisipan ko talaga. XD

::Na-publish sa unFold magazine. :) Masaya magpasa rito. Kasi mga tulang kasya sa isang tweet ang requirement. Madalas kasi, biglaan ka lang may maiisip na string ng words tapos, hanggang doon na lang 'yun. :D

~May 2011~
::Company outing at CME. :) Memorable sa'kin ang pagtatapon/paghahagis ni Sir James ng piso sa pool, tapos maguunahan kami na kunin siya. Kapa-kapa system ang gamit ko bilang hindi ako marunong lumangoy. =)) Ang stressful at makapigil-hiningang waves ay hindi ko rin malilimutan, sisigaw pa lang ako, as in nakabunga pa lang ang bibig ko, andyan na agad ang sunod na malaking alon. =))


::Nagbukas ako ng unang savings account sa BPI. :) Bilang, programmer ako sa AUB, hindi ako maaaring magkaroon ng bank account doon. Kahit wala ako sa production side ng IT department, delikado pa rin dahil baka kung anong script ang ipa-run ko para lang i-update ang available balance ko nang hindi nalalaman ng DB Admin na account ko na pala 'yun. Hehe. Habang tumatagal kasi, narealize ko na hindi pwedeng laging hawak ko ang cash ko. Noong bata ako, actually until college, nalilito ako sa difference ng withdraw at deposit. Ahaha. Puro encashments lang kasi ang nagawa ko since HS. Pero simula noong nagka-bank account ako, ang linaw-linaw ng diperensya nila - mas maraming beses kong nagagawa ang withdraw kesa deposit. =))


::First anniversary ko sa AUB. At huling anniversary na rin. :D Kay rami kong natutunan sa company na ito - medyo all-around kasi ang mga programmers dito. :) 'Well-rounded'. :)
(Oo, seventeen na naman.)


~June 2011~
::Blogger's Buffet! Ang unang blogger event na napuntahan ko. :) Salamat muli sa Carol's Texan 5 para sa masarap na food. :) Madali lang 'yung mismong pagsali sa contest nila para maging guest ka sa buffet (gagawa ka lang ng blog post), pero isang pakikipagsapalaran ang pagpunta sa event dahil bumabagyo noong gabing 'yon.
Tapos parang napaka-elusive pa sa amin ni Au 'yung streets na hinahanap namin. Haha. :D
Sulit naman kasi nakakita/nakakilala ako ng mga hardcore bloggers - nagte-take down notes, nakalabas agad ang mga hi-tech na cameras at iniinterview ang may-ari ng restaurant - nakisali sa game, photobooth with cowboy/gunslinger props, at siyempre nakapag-dinner ng masarap at libre. :D






::Nagkaroon ako ng increase sa sahod. Happiness lang talaga. :) But oh, the tax. Hehe.


::Bo's 15 and 50 promo. :) Ang fun nito, ang dami naming officemates na sumugod sa Bo's Cafe ng Robinson's Galleria para i-avail ang promo na ito. :) Tapos iba-iba 'yung mga binili naming kape eh. Pero nang tinikman ko 'yung sa mga kasama ko, parang magkakalasa lang sila. Haha. :D


~July 2011~
::Overnight swimming at Flamingoes resort. First bonding activity naming magpipinsan in years! Ang galing din ng pinsan ko eh, naturuan niya ako kahit paano na tawirin ang width ng isang pool nang hindi naglalakad. Hahaha. =)) Sobrang takot kasi akong malubog sa tubig kaya mahirap akong turuan. Ayoko nung pakiramdam na walang tinatapakan, na walang hinahawakan, na walang sinasandalan. *Drama* =)) Siguro kung ieenrol ako sa swimming lessons, maiinis lang 'yung instructor at talagang lulunurin niya ako sa sobrang inis. =))


::At ito ang highlight ng month na 'to. Caramoan vacation! :) Salamat sa masugid na paanyaya at pamimilit sa'kin nila Au at Al kaya napasama ako sa napakasayang trip na ito. :) First time kong sumakay ng eroplano, ng ferry, mag-island hopping, sumakay sa taxi na 500php each ang binayaran namin, etc. :)) Masaya rin na ginawa ko siya with all my friends, so no restrictions! Kung anong kalokohang maisipan, go lang! Next year, sa Coron naman ang destination namin. :)


::Memories. Nagbalik kami sa St. Scholastica's Academy Marikina upang maki-join sa happenings for the school's 50th anniversary. :) Ang dami improvements. Pati sa mga ka-batch ko, dami improvements sa kanila. May mga naachieve na, nagawa na, nasimulan na. At halos lahat sa kanila may mga boyfriends na. Ang funny rin isipin na 'yung mga boyish sa'min dati eh super girly na with their dresses and all that. :))
(And yes, seventeen keeps coming back.)


~August 2011~
::Lola's first birthday na hindi na namin kasama. :'(


::Kada Meow's Anniversary! :) Na-lost count ako rito eh. Pero palagay ko 8th anniversary. Hehe. Nakakatuwa 'tong araw na ito kasi kumpleto kami. :) At natatawa pa rin kami sa mga flashbacks ng mga kalokohan namin noong highschool. 
Sobrang masarap sa feeling na kahit kung saan-saan na kami nakarating may binabalik-balikan pa rin kaming mga alaala at komportable pa rin kami sa isa't isa.






::Persistence.


~September 2011~

::Pottermore welcome letter. Ito ang bunga ng walang humpay na pagrerefresh namin sa browser para abangan ang tanong sa pottermore.com. Kapag kasi nasagot 'yun nang tama at on-time, magkakaroon ka ng early access sa online Harry Potter experience. Beta-tester ka rin. Supposedly, io-open ito for all come October 2011. Kaso heto, 2012 na pero hindi pa rin nila nao-open for all. Ang dami rin siguro kasi nilang natanggap na comments, tapos medyo buggy pa 'yung ibang part sa site. So far, ang ineenjoy ko ngayon ay ang Wizard Duel. :D Mas madali kasing makaipon ng house points sa pakikipag-duel kesa sa potion making. :) Hopefully, ma-resolve na ng pottermore team ang mga issues sa site para naman ma-enjoy na ng iba. At para rin maka-move on na kami sa second book. Haha. Kasi, ang mga beta-testers, hanggang first book pa lang talaga actually. So pabalik-balik lang kami sa hut ni Hagrid kapag ubos na 'yung potion ingredients namin. At rematch lang nang rematch sa duel tuwing matatalo. Haha. :))

::Korean Film Festival! Si Au na naman ang kasama ko. Pagdating talaga sa libre, mabilis 'yang si Au. Hehe. Sa SM North. Ang gaganda ng films na napanood namin! Sagad sa violence, drama, comedy. :) May mga kasabay nga lang kaming ilang teens so kapag nakikita nila kahit na kapiranggot na bahagi lang ng katawan ng korean idol nila, tumitili talaga sila. Amazing nga eh, paa pa lang ang nasa screen, alam na nila na 'yun 'yung idol nila. =)) Grabe lang. Wala pang dialogue, ngumiti pa lang, nag-turn pa lang ng ulo, kinikilig na silang lahat. XD


~October 2011~
::Bought my dream camera. :) Nagwakas na ang pagpopose ko sa harap ng camera ng iba at paghihintay ng tag sa FB para lang magkaroon ako ng kopya. :)) Napabili ako bigla kasi bukod sa gustung-gusto ko na, eh nagkaroon ako ng dahilan at alam kong magkaka-bonus na next month. Hehe. Birthday celebration kasi ng pinsan ko sa LaMesa Ecopark. Tapos wala yatang magdadala ng camera sa aming magpipinsan. First time birthday celebration bonding din namin ito kaya magandang i-document. Nag-file pa talaga ako ng vacation leave para rito. :)) Ang fun kasi hindi lang kaming magpipinsan ang nandun, pati friends din ng pinsan ko. So walo kami lahat. At kahit doon lang nagkakilala, may team building activity agad. :) 
At ito ang aking first sunset photo. :)
::Nanalo ako sa book giveaway! Sa sobrang excitement ko, araw-araw kong tina-track sa BookDepository 'yung book na napili ko. Hihi. :)


~November 2011~
::Nadeliver ang passport ko. :D Medyo worried pa ako noong una kasi baka expired na ang mga pinasa kong documents. :P Dahil dyan, nakaka-excite ng isipin ang pagtravel sa labas ng bansa. :) May chance na akong makita ang mga favorite artists ko. :)) Fan-girl mode. :)

::The amazing Starbucks planner quest. :) For some reason, parang gusto kong makakuha ng Starbucks planner (hindi ko pa alam 'yung mga planner designs nito). Pero, joke lang talaga noong una kasi para sa'kin masyadong magastos. Hanggang sa isang araw, wala pang two weeks since mag-start ako, tapos ko na siya. =)) Madali lang palang bunuuan 'yun stickers kapag marami kayong nagkakape at may nanlilibre araw-araw. In fact, wala akong nagastos ni piso sa Starbucks planner na 'yun. :)
(Pinili ko 'yung Cherry, siyempre, walang halong pagdadalawang-isip.)
::Birthday celebration ng aking BFF since elementary. Buti talaga nakahabol ako. Kasi sobrang gabi na dahil nag-OT pa ako. :) Eh gustung-gusto na naming magkita dahil ang tagal na noong huli naming pagkikita. Hehe.


~December 2011~
::IT Christmas Party. :) Walang patawad ang AUB IT Department. Akala namin, mga bago lang ang nagpepresent. Aba, this year, lahat pinag-present! Nakakatuwa ang mga groups habang papalapit ang presentation, either nagta-trashtalk or napapakiramdaman kung tapos na ang practice ng isa't isa, kung handang-handa na. :)) Ang competitive lang eh. Pera rin kasi ang pinaglalabanan. Haha. 
Fancy hats and shades 'yung theme ng party namin. :)
At mula kay Kuya Ronx ang litrato na iyan. :)
Masayang-masaya ang gabi na iyon kasi nanalo kami sa presentation. Tapos, swerte kasi naaliw sa amin 'yung mga judges/sponsors kaya tinaasan ang cash prize from 5000Php to 10000Php! :) Tig-1000Php kami! :) 
Sobrang sarap din ng mga pagkain.
Hindi kasama sa menu na 'yan, pero meron din kaming isang lechon. :9
Ang aking dinner plate. :)
The best ang lasa ng lahat ng pagkain dyan, swear. AS IN.
Ito ang paborito kong dessert nung gabing iyon. Mango Float. <3
Nakuha ko rin ang number one sa wishlist ko. :) Backpack!! Well, hindi ako masyadong na-surprise kasi kilala ko na kung sino ang nakabunot sa'kin. At kung ano ang ibibigay niya. -.- Paano kasi, personal niya akong tinanong kung ano ba gusto ko. Haha. Wala kasi siyang access sa online wishlist site ng department. XD So, ang exciting part na lang talaga sa'kin (kasi hindi ako pumayag na samahan siyang bilhin sa store na ako rin ang nagturo) ay kung anong klaseng bag ang ibibigay niya. =)) Ka-excite nitong gamitin sa Coron trip namin July 2012. :)


:: ~How to be brave
     How can I love when I'm afraid to fall~ A Thousand Years, Christina Perri


So there! My year end blog ends here. :)  Ang tiring niya gawin. Pero fulfilling. :)


Lilipat na ako ng company. I wonder what awaits me there. As of now, I see a short tunnel na may light sa dulo. Pagpasok ko sa bagong office next year, sana mapalapit ako sa light. Sana 'yung mga tao sa kabila kasing saya ng mga tao sa iiwan kong kumpanya. But whatever happens, I'm on fight mode. :D






Some things don't rest easy even when they're dead.
Their bones cry out from the ground.
- Roland Deschain, The Dark Tower IV Wizard and Glass



No comments:

Post a Comment