Saturday, June 18, 2011

I Never Thought I’d Become A Programmer : As For The Things (italicized) I Just Learned (/italicized) :p



During my one year bilang programmer, siyempre ang una kong natutunan ay kung gaano kalaki ang epekto ng source code sa industry. Kaya dapat pag-ingatan at pakitaan mo naman ng pagmamahal. Hindi ‘yung basta gawa lang nang gawa. Kawawa ang pagpapasahan mong programmer kung sabog ang code. :D

Pangalawa, na medyo mahirap makasundo si Crystal Reports. May mga sarili siyang paniniwala sa buhay. :p

Pangatlo, natutunan ko na ang gamit ng Administrative Tools sa Control Panel ng PC. Panggawa pala siya ng mga data source names (DSN). Very useful sa pag-connect sa database. :D Ewan ko lang kung may iba pa siyang use.

Pang-apat, minsan ang GROUP BY clause sa SQL statement ay pasaway. Kapag kasi ‘di ba, gumamit ka ng aggregate functions, lahat ng columns na kasama niya sa SELECT, kailangan nasa GROUP BY. Eh minsan hindi dapat lalo na kung SUM ang ginamit mo at pangarap mong mag-add ang dalawang kaso ayaw dahil may values sa isang column na magkaiba sila. =p
Work around ko minsan ang paggamit ng inline views.

Pang-lima, nakakaamaze ang TRUNCATE TABLE [tablename]. Kinabog niya si DELETE FROM [tablename].  May isang beses kasi na like 15++ minutes na akong nagra-run ng DELETE FROM [tablename] samantalang si TRUNCATE TABLE [tablename], isang segundo lang. Haha.

Pang-anim, keri i-load ang data nang maramihan (in bulk) gamit ang BCP shell command. Mas mabilis kesa isa-isang INSERT statements. Ang laki ng naitutulong nito sa pagkabawas ng mga linya code. Be careful lang sa paggamit ng Shell command sa VB kasi kahit hindi pa tapos ang process, tutuloy na siya. So, in line with this, natutunan ko ring halungkatin si google para lang malaman ano ba dapat gawin para mahintay ang isang process na pinatakbo gamit ang Shell command bago tumuloy sa next. :D

Pang-pito, parang nagiging open source din ang Visual Basic dahil sa freevbcode.com. :D
Pang-walo, mag-insert ng records from a table/view to another table residing in a different server with just one SQL statement. Ang saya ko nang malaman kong may ganito pala. At ang bilis lang din ah. Pero depende pa rin siguro sa dami ng data.  Kaya namaalam na ako sa nakakainis na loop. :D
Pang-siyam, ang paggamit ng designer component sa VB. :p
Pang-sampu, kapag pala sa code ay nagsimula na ang transaction mo sa DB via .BeginTrans, hindi ka na makaka-query unless lagyan mo ng (NOLOCK) beside the table name. Haha.
Marami pa ‘yan, pero as of this writing, yan pa lang naalala ko. Haha. :D

3 comments:

  1. VB ang gamit mo di ba? Halos magkapareho sila ni Delphi (sa pagkakaalam ko) :D Anong web server gamit mo?

    ReplyDelete
  2. Yep. VB6. Ah talaga? Baka magkamag-anak sila ng Delphi. Haha.
    Web server with VB?? Wala eh.
    Hindi ako masyadong nagwe-web application. :D
    Once lang, Coldfusion ang gamit. :D

    ReplyDelete