I Never Thought I’d Become A Programmer : As For The Things I Experienced
During my one year bilang programmer (at employee, in general), eto naman ang ilan sa mga na-experience ko.
· Sa mga unang beses na deployment ng project ko, hindi ako makatulog.
· Matulala dahil hindi ko maipaliwanag ang error na nagaganap sa system. Tapos magically, maayos na lang siya bigla.
· Mga pakaen:
o First blood. Tradition ito sa department na magpapakain ka kapag dumating na ang kauna-unahan mong sahod. :p
o Birthday celebrants: Kapag merong may birthdays, magpapakain din. Whether boss or rank and file ka. :p
o Team Lunch Out/Dinner: Minsan, may sariling celebration pa ang team mo kapag birthday ng isa sa inyo. :p
o Party: Siyempre kapag may Christmas party, may pagkaen. Merong company Christmas party at department Christmas party. :p
o Pasalubong: Kapag may isang employee na nagbakasyon somewhere at trip niya magpasalubong. :p
· Kaugnay ng kababanggit lang, naranasan ko rin na biglang magsikipan bigla ang mga damit ko. Sapagkat sa wakas umabot ng three digits ang timbang ko. Sakto 100. Haha.
· Pumanaog mula sa 31st floor hanggang ground floor dahil may fire drill. Malaking pasasalamat naming na walang 13th, 4th, at isa pang floor number na hindi ko maalala.
· Pumila sa sakayan ng shuttle. Ang amusing ng feeling kasi lahat ng mga kasabay mo sa umaga eh mga employee na todo formal attire. :D Eh noong nagaaral pa lang ako, ang mga kasabay ko sa pila ng UP Katipunan jeep ay mga estudyante at mga nakapambahay lang ‘yung iba sa kanila. Haha.
· Magkaroon ng bank account. Hehe.
· Maglakad nang naka-heels. Pero ngayon, sa office ko na lang ito ginagawa. Masakit eh.
· Magsuot ng dress/swimsuit. >.<
· Sumayaw. Sort of required din kasi ang mga newly hired employees na mag-perform sa Christmas party. Nanalo kami - second place. :D
· Sobrang late na paguwi dahil kailangan ireconcile ang mga values sa report na isa-submit sa BSP kinabukasan.
· Magaral at makatapos ng isang project na written entirely sa language na hindi ko ever nakilala. Web application pa. Sobrang wala rin akong experience doon. So sobrang happy ko rin na natapos ko siya. :D
· Magkaroon ng presentation ng mga pinaggagawa namin sa buhay sa harap ng president ng kumpanya. Grabe, nakakaubos ng English. At kita mo na sobrang nakikinig talaga sa’yo ang presidente dahil mahabang diskusyunan ang nagaganap sa bawat isang nagpepresent.
· Ang masarap na pakiramdam kapag walang pasok dahil holiday. O dahil nakapag-file ka ng leave. Hehe.
· Ang pumasok kahit wala dapat pasok. Sapagkat kailangang ayusin ang isang bug sa system. XD Hindi bale, may OT pay naman. At meal allowance. :D
Ano pa kayang mga maeexperience ko?Sana marami pang magaganda. :D
No comments:
Post a Comment