Nakita ko notebook ko. 'Yung notebook na pinagsulatan ko ng lahat ng tulang gawa ko, paborito ko at that time, or gawa ng ilang kaibigan ko. At sobrang natawa ako nang makita ko itong gawa ng kabarkada kong si Dawn. Hahahaha. =))
Kabarkada ko na siya simula high school hanggang ngayon. Isa sa mga tunay na maasahan pagdating sa komedya at pagsasabi ng katotohanan. Marami siyang kawawaan sa buhay noong high school kami (tulad ng pagtakbu-takbo sa loob ng classroom at pagsalubong sa mga posteng nakahambalang sa tinatakbuhan niya) at isa na itong naisulat niya. Haha. =))
Ang benta. =))
Ganto ba talaga ‘pag sawi;
‘Di ko na alam kung pano mapapawi;
Parang labi ko ngayo’y ngumingiwi;
Dahil hanggang sa alak lang ako makababawi;
Hindi ko ninais na mapunta sa ganitong gawi;
Para tuloy gusto kong mapunta sa Tawi-tawi;
Baka sakaling makalimot, sa layo’y ‘di na rin makauwi;
Mabuti na rin siguro para lumubay na sa pagkasawi;
Sa kaiisip sa kanya sapatos ko ‘di na nakiwi;
Hindi na makintab tulad ng buhok kong sa mukha’y ‘di na mahawi;
May topak na ako tama na nga’t ako’y nawiwiwi;
Titigilan ko na nga’t ‘di na’ko makapag-isip ng ‘wi’;
June 5, 2005 ang date kung kailan ko naisulat ang tula niyang ito sa notebook ko.
Haha. =)) I love you, Dawn! <3
natatawa ako!!! - dawn
ReplyDeleteDawnski! =))
ReplyDeleteOo, nakakatawa ka talaga. =))
matindi na pala yung utak ko nung bata pa lang... hahaha.. may kakaiba.. naalala ko pa ang pagtakbo-takbo sa classroom. oo, ginagawa ko nga. natawa ako nang naimagine ko. hahahaha
ReplyDeleteokay lang 'yan, 'unique' ka lang talaga. =))
ReplyDeletebtw, ang cute mo sa picture mo dyan. :)
nakakamiss ang highschool! daming kalokohan. flashbacks. :)
ReplyDeleteYup! :) I miss our high school selves. hahaha. =)
ReplyDeletehahaha... :D
ReplyDeletegaling! like i said before, i could never do that!
*clap calp clap
haha, ako na ang magpapasalamat para sa kanya, Salamat, maiylah! :)
ReplyDelete