Gusto kong maranasan
Ang tumakbo sa ilalim ng ulan
Hindi naghahanap ng masisilungan
Tumalon-talon hanggang madulas sa kalsada
At tumayong muli habang tumatawa.
Gusto kong damhin ang init ng araw
Maglakad sa tirik na tirik nitong sikat
Walang paki sa pawis na nalilikha
At sa pagkauhaw na maaring madama.
Gusto kong maging gaya ng iba.
Nakapagsasalita.
Nakukuha ang gusto.
Nakapagrereklamo.
Nakaaawit.
Nakasasayaw.
Nakatatakbo nang mabilis.
Nakasisigaw.
Nakalilipad.
Nakalalangoy.
Nakalilimot.
Nakapagmamahal.
At minamahal.
Gusto kong maging malaya
Hindi nagaalala sa magiging resulta
Hindi nagiisip na hindi ko kaya
Gusto ko ng mapagod sa pagaalala.
Galing! i could never write a decent poem...lol
ReplyDeletethank you po sa awards that you sent my way!
posted my thanks na. :P
sensya na at medyo natagalan...hehehe.
thanks!
ReplyDeleteyou're welcome!
okay lang un. :)
napaka-ganda at makapag-bagbag damdamin, anghelika. :)
ReplyDelete