Kasunod nuon, maiinis na ako sa mga corrupt officials. Sa mga walang inintindi kundi panatilihin o pataasin ang kanya-kanya nilang mga pwesto sa gobyerno. Sa mga walang inintindi kundi makipagtapunan ng putik sa imahe ng bawat isa. Daig pa sila ng mga noontime shows, kahit paano nagbibigay ng pag-asa sa mga maralita. Ng mga foundations na nakalilikom ng funds para makapag-sponsor sa pagaaral ng mga batang walang kakayahang pagaralin ng mga magulang nila.
Kaya naman nang mabasa ko ang mga salitang ito:
Filipino was a chore, like washing the dishes; it was not the language of learning. It was the language we used to speak to the people who washed our dishes.
We used to think learning Filipino was important because it was practical: Filipino was the language of the world outside the classroom. It was the language of the streets: it was how you spoke to the tindera when you went to the tindahan, what you used to tell your katulong that you had an utos, and how you texted manong when you needed “sundo na.”
These skills were required to survive in the outside world, because we are forced to relate with the tinderas and the manongs and the katulongs of this world. If we wanted to communicate to these people — or otherwise avoid being mugged on the jeepney — we needed to learn Filipino.
Kumulo ang dugo ko.
Noong medyo humupa ang pagkulo ng dugo ko:
Pero mukhang applicable lang 'yun kung kunwari short story pala ang ginawa niyang 'yun. Kumbaga technique niya 'yun para magpamulat sa mga diwa ng mga tao.
Kaya lang, parang minata-mata niya lang ang mga katulong, manong, at tindera na araw-araw nagsisilbi sa kanya. Bakit? Dahil ba binabayaran niya naman?
Sorry na kung hindi sila gaya mo na nagkaroon pa ng tutor para matutong mag-English at an early age.
Sorry na kung hindi sila gaya mo na nagdadasal sa Diyos in English.
Sorry na kung para sa'yo English was more natural.
Sorry naman sa language of the learned mo.
Ang problema sa'yo, hindi mo sinunod si Dr. Zeus Salazar:
Ang mahalaga'y umaangkin ng iba at kailanma'y huwag magpaangkin sa iba.
Masyado bang malalim? 'Yung kay superstarmarian na lang:
Dahil kay superstarmarian, naalala ko tuloy 'yung isang reading namin sa Filipino 40, Wika ng Naghaharing Uri ni Consuelo J. Paz.
Dahil sa mga kumplikadong sitwasyong linggwistik, hindi na nagkaroon ng hustong pagtutol sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo at wikang opisyal. Walang wikang pambansa noon na nakahadlang sana sa madaling pag-iimplementa ng Ingles. Minarapat na manguna ang pagtuturo ng wikang ito sa pagtuturo ng karunungan.
Kaya nga, pilit ko ring iniintindi 'yang si James eh. Naging wikang opisyal kasi natin ang Ingles. Sa paaralan, gobyerno, trabaho, English ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan. Sobrang naitanim sa kanya ang mga advantages ng pagkatuto ng English to the point na parang minamaliit na niya ang mga hindi natutong magsalita, magsulat, at magbasa nito.
Kaya lang:
Ito'y disisyong pulitikal na naging lubhang mahalaga sa tunay na layuning kolonyal ng mga Amerikano, ang tinawag nilang "benevolent assimilation". Walang ibang ibig sabihin ito kundi lagumin ang kultura't pagiisip ng mga Pilipino. Sa pagkakatuto ng Ingles nagawa ang pagbabago ng pag-iisip natin na naibaling sa pag-iisip ng banyaga.
At nang makalaya na tayo, hindi na naisulong nang husto ang pagpapalawig ng kahalagahan ng pagmahahal sa sarili nating wika. Siguro ang ginawang ito ni James ay buod ng mga hamon na hinaharap ng mga Filipino teachers at iba pang ginagawa ang mga makakaya para maisulong ang kahalagahan ng wikang Filipino.
lakas ng loob na magpost. >.< di na ko nagcomment nga. haha. pero mainit pa din nga ang dugo sa article nia.
ReplyDeleteHaha. Ang ayoko lang naman talaga nang bongga ay 'yung pagmamayabang niya na magaling siyang mag-English. At 'yung kung paano niya tratuhin ang mga tindera, manong, at katulong. Ang hambog.
ReplyDeleteang yabang naman nun!
ReplyDeleteako sa totoo lang nahihirapan noon (at hanggang ngayon, ata. lol) sa Filipino subject...Bisaya kasi ako. hahaha. Mas madali sa akin mag-express in English kasi un ang mas binabasa ko at mas available (Nancy Drew, Hardy Boys, Bobbsey Twins at kung ano-ano pa andun sa library ng school dati). Pero hinde ibig sabihin nun tratuhin ko nalang ng ganyan ung ibang tao...mali naman un.
haha, haba ng comment ko! :D
Salamat, maiylah. :D
ReplyDeleteOo nga eh. Kaya ko naman intindihin ang kasanayan ng isang tao sa English. At wala naman talagang masama. Kasi nga nasa kinalakhan din 'yun at nasa kasaysayan din natin.
Wow, pagdating sa English, alam ko magaling talaga mga Bisaya! :)