Showing posts with label life. Show all posts
Showing posts with label life. Show all posts

Sunday, April 6, 2014

Masonry

While you mash the already broken pieces
I am constantly heating and hardening clays
Layer by layer, brick on brick...

While you watch us break and crumble silently
I gather myself to strengthen the walls
I want them to surround me
To prevent me from seeing your filth
And from grossing over your pathetic deceit.

posted from Bloggeroid

Tuesday, December 31, 2013

Finding Pixie Powders

I crossed this road
Believing that this time
Only magic will happen
Happy pixie powders showering
Creating memories worth keeping
And sharing

But I should have known
All pixie powders
Come with cursed apples
Evil enchantments that made me lose my way
And scents that muddled my thinking

But nevertheless,
You always come
And be the knight I need

To rouse me from my closed mind
To protect me from feeling helpless
To shield me from senselessness
And to bring me back to the pixie powders

I know you also get tired
Those duties you always willfully fulfilled
Must also take its toll on you

So I'm sorry I lost my way again
I wish to find my way back to you
Even if this time, since you're tired,
I must do it on my own.

Saturday, June 22, 2013

Infographic: The 7-Minute Workout

Nakita ko ito sa http://www.livescience.com/. Nakaka-inspire. Pero kahit 7 minutes lang 'yan iniisip ko pa rin na 'Sana may oras ako para gawin ito.' :)) Tapos, wala rin naman kasi pwesto sa bahay.

Meron pa ngang site (http://www.7-min.com/) na dedicated lang sa timer ng 7-minute workout na ito. Cool~ 

Source:LiveScience

Sunday, December 30, 2012

The Year 2012: Where The Magic Happened

And dahil wala akong kasipagan para magkwento pa, pinicture-an ko na lang ang mga pages sa planner-turned-diary ko. :D





Monday, August 20, 2012

Iniisip ko minsan bakit may mga magulang na naging magulang.
Kung wala naman silang kakayahan para maging magulang.
Ano kayang iniisip nila bago pa sila naging magulang.
Anong kayang gusto nilang maachieve at naisipan nilang maging ama at ina.
At nang naging tatay at nanay na sila,
Bakit hindi man lang sila nagbago habang lumalaki ang mga anak nila.
Tapos wala man lang kalaban-laban mga anak nila.
Malay ba naman nilang isisilang sila.
Pwede ba silang tanungin kung gusto nilang isilang sa mundo na ang tatay at nanay ay tulad nila?
Hindi naman. 'di ba?
Tapos ngayon kailangan nilang tanggapin na lang.
Makinig sa mga nagsasabing
'Kahit pagbali-baligtarin mo ang mundo, sila pa rin ang mga magulang mo.'
At palubagin ang mga sarili nila sa pagiisip na
'Mas maraming may mas mabigat na problema kaysa sa'kin.'
Bakit ganoon..

Sunday, August 5, 2012

Paglipad


Ako ngayon ay lumilipad
Tumatagos sa malalambot na ulap
Tanaw ang sulok ng ating kalawakan
Kasabay ng mga ibong
Humuhuni ng pagsulong
Tungo sa bagong lugar na kanilang titirhan.
Pumapaimbabaw sa bahaghari
At nagpapadulas sa kabilang bahagi
Hinahamon ang pitong kulay
Pagkat kahit maging walo pa sila
Isang libo't higit pa ang tinataglay ng aking buhay.


Nagpapatangay sa hangin
Mula sa kung saan ay umiihip
Nakikinig sa ibinubulong nitong
Halakhak ng maraming tao
At sinasagot ko ito ng isang malaking ngiti
Sapagkat hindi kayang dalhin ng hangin
Ang sarili kong halakhak na ubod ng dami.

Sunday, January 8, 2012

It's Still A Beautiful Day

With all the raindrops and fog
Take my hand if you need to
We'll walk this through
And remember to smile along the way
Because it's still a beautiful day

:)



Saturday, December 31, 2011

2011 Recollections: Jampacked (with little spaces sa corners), Colorful, Assorted, Roller Coaster, Mash-ups

Bago ko ito isulat, tiningnan ko muna ang year end blog ko for 2010.
Aba, written in English! Napressure tuloy akong mag-English din this year.
Pero hanggang pressure lang 'yun, mas masarap pa ring magsulat in Taglish. :p


Nahirapan din akong bigyan ng isang magandang title ang 2011 ko. Sobrang dami kasing nangyari, roller coaster talaga. Kung baga sa kanta, medley or mash-ups. Kung baga sa isang pack ng kendi, assorted. :) Parang walang theme na matino. Pero narealize ko, ganoon naman talaga ang buhay. Hindi lang naman ako ang may ganoong pakiramdam. :p Hindi siya annual event na pwedeng magpalit ng theme every year. Every day ang buhay natin ay event itself. Pwedeng may magkakasunod na araw na parepareho lang ang theme, pwedeng iba-iba sa loob lang ng isang araw. :)) And sometimes, ang theme sa particular event sa buhay mo ay kung paano mo tingnan ang sitwasyon.


Anyway, here goes. :)


~January 2011~
::Nag-celebrate kami ni mama at ng pinsan kong si Reyna ng New Year sa Bicol. Unang beses ito sa buong buhay ko. Ang saya sa neighborhood ng tita ko. Ang dami kasing bata. Tapos 'yung tita ko, saktong 12mn, nagpapasabog ng maraming barya sa maraming bata na nakaabang na sa doorstep ng bahay niya. Pati si mama kasali. =))


::Bought my first camera phone! Ang saya-saya ko nun kasi sobrang ito 'yung gusto ko at last stock na siya. :) Alam kong hindi siya mamahalin pero gusto ko na siya at kuntento na talaga ako sa kanya. :) Unang-una sa lahat, nakakapag-FB mobile ako kahit walang wi-fi at walang load. Secondly, nakakapagbasa ako ng ebooks. v^^ Thirdly, napapakikinggan ko anytime ang mga paborito kong mga kanta. Lastly, nakanood na rin ako rito ng anime episodes habang nasa byahe. :))


::'Life is not measured by the number of breaths we take but by the number of moments that take our breath away.'  - wizard


~Seven years have passed so quickly
And it seems like yesterday
...
I don't forget the promise we made
Still the same star shines above us~ New Years Day, Ellegarden. :)

Friday, December 30, 2011

Hmmm. :S

Narito na naman ang panahon na natatakot akong masanay sa isang bagay kasi pakiramdam ko, mawawala rin naman.
Parang ang lahat ay simula lamang.
Kasalanan ko ba?
Hindi ko rin naman alam kung kailangan kong bigyan ng effort upang huwag na lamang itong mawala.
Sana sa lalong madaling panahon, ito ay magwakas na.

Saturday, November 19, 2011

I Hate The Smell Of Smoke Coming From A Cigarette

>.< Alam mo 'yung nanunuot na amoy. Na parang nasa katawan mo na rin after mong mabugahan ng usok ng sigarilyo.
Bakit ba kasi kailangan pang manigarilyo ng mga tao?


Ano bang masarap sa paglanghap ng usok.
May kaibigan akong hindi ko maintindihan ang punto sa pagsasabing nakaka-relax kasi ang paninigarilyo. Nakakawala ng tension, stress. 


Nawala nga stress mo, stressed naman ang lungs mo. Pagtanda mo, stressed ka lalo at ang pamilya/friends mo dahil sa lung cancer mo. Pati si Mother Earth, stressed. Hirap na hirap na nga siya sa pag-filter out ng mga kemikal sa hangin, lupa, at tubig tapos dadagdag ka pa.
Pwede namang humanap ng ibang paraan. Lie still, pikit mo muna mata mo, breathe in, breathe out while listening sa music. Makipagkwentuhan muna. (Para sa mga geek, laro ka muna ng isang round sa gameofnerds or minesweeper.)
Sa mga paraan na ito, healthy ka pa. Pati mga tao sa paligid mo, healthy.


I'm sure naman ang mga kemikal na ginagamit sa paggawa ng sigarilyo ay may healthy uses din. Sana doon na lang ma-focus.

Sunday, November 6, 2011

Noong Pumasok Ako sa UP

...iniisip ko kung tama ang desisyon na ginawa ko. 
Dahil sa pagpasok ko sa unibersidad na iyon, twice a year na namomroblema si mama para matustusan ang tuition fee ko. Samantalang noong elementary at high school ako, libre ang edukasyon ko. Baon ko lang at panggastos sa projects. And even then, hirap pa rin. Buti na nga lang, walking distance lang ang high school ko eh. Hindi na ako namamasahe.
Kung tinanggap ko ang 100% scholarship na binibigay sa akin ng Miriam College noon, sa course na Communication Arts, ano kayang mangyayari? Wala lang, bigla ko lang naisip ngayon. :p

Naalala ko pa noon si mama, katabi ko siya sa computer habang ginagawa ko ang kauna-unahang registration process ko sa UP. Alam ko na naglalaro sa isip niya kung paano niya susustentuhan ang tuition ko, pero patuloy pa rin siya sa pag-encourage sa akin na kahit waitlisted (nakalimutan ko na 'yung mas eksaktong term) lang ako sa Computer Science, kunin ko pa rin daw. Malay ko raw baka magkaroon ng slot. Fortunately, during that semester, dinagdagan ang number of students na tinanggap sa course na iyon, so pasok ako.
Noong mga unang araw ko bilang freshman sa UP, sobrang loner ko. Ang laki pa ng break times ko so naglalakad-lakad lang ako sa kung saan-saan. Nalulungkot at kung minsan nagpipigil ng iyak kasi wala ang mga malalapit kong kaibigan. Halos lahat sila nasa Miriam. (emo much?)

Sunday, October 30, 2011

Life is Full of Twists and Turns

May mga pangyayaring hindi inaasahan. 
May mga pangyayaring inaasahan pero hindi nangyayari. 
May biglaang mawawala, may biglaang darating. 
May sorpresa bukas, sa susunod na araw naman, boring. 
Isang araw gigising kang masaya pero sa gabi matutulog ka palang malungkot.
Akala mo tama, mali pala. Akala mo mali, tama pala.
May mga bagay na hindi mo pinagplanuhan pero biglang natatapos nang matiwasay.
May mga pagdapa, pagtamo ng sugat.
Gabahang pag-iyak at sandamakmak na pagtawa.

Pero over all masaya naman, hindi ba? :) 

Ang buhay kasi, palaging nagbibigay ng pag-asa. Kapag gumigising ka pa kinabukasan, hanggat may sunrise, hanggat naniniwala ka sa pagpapala ng Diyos. :)

Friday, October 21, 2011

Things To Do


1. Study Android game development.
2. Finish my Introduction to Databases online class lecture videos and assignments at Stanford.
3. Make poems, poems, poems for submission to different online/print magazines/books/collections.
4. Try to make another super short story.
5. Finish reading Nightmares and Dreamscapes, The Dark Tower IV, and Septimus Heap I.
6. Blog about my cousin's birthday celebration at La Mesa Ecopark.
7. Finish watching Dae Mul.
8. Update my planner.


Sunday, September 25, 2011

I Love Bo Sanchez' Words This Morning on our Radio

Every Sunday my father tunes in to a radio station to hear Bo Sanchez' teachings. :)


For this Sunday:


We judge, condemn, categorize or label people quickly because we think we know all the facts, but actually we do not know: 1) the external facts — there are a million angles and perspectives in a person’s situation which we do not know about; 2) the internal facts — we must not judge a person because we do not know what is happening within him, and 3) the spiritual fact that we’ve been accepted by God despite our weaknesses.


I've read this somewhere already, perhaps from one of his posts, and it has always been the reason I always try to give the benefit of the doubt whenever I start to conclude something negatively (minsan nga lang, late). Actually, ito rin ang isang lesson sa Guidance subject ko nung high school na hindi ko malilimutan.


But sometimes, I can't help myself. Sobrang tahimik ko, pero kapag nagsalita ako nang minsanan puro panget na conclusions agad nasasabi ko tungkol sa kung ano lang ang nakikita ko.


Ano ba 'yan, late. Hindi pa maayos ang suot.
Hindi ko naiisip kaagad, baka nasira alarm clock niya.
Baka may inasikasong biglaan at mahalaga.


Pambihira naman ang kotse na 'yun! May-ari ng kalsada?
Hindi ko naiisip kaagad, baka may emergency kaya nagmamadali 'yung kotse.
Baka may isusugod siya sa ospital.




Sigh.


*credits to http://catchan1980.wordpress.com

Saturday, September 10, 2011

Why Do We Live? :|

I ALWAYS wonder why we live.
And sometimes I wonder why I ALWAYS wonder why we live.
:|



Wednesday, August 31, 2011

‘Wi’ Dahil sa Kanya

Nag-aayos ako ng gamit.
Nakita ko notebook ko. 'Yung notebook na pinagsulatan ko ng lahat ng tulang gawa ko, paborito ko at that time, or gawa ng ilang kaibigan ko. At sobrang natawa ako nang makita ko itong gawa ng kabarkada kong si Dawn. Hahahaha. =))


Kabarkada ko na siya simula high school hanggang ngayon. Isa sa mga tunay na maasahan pagdating sa komedya at pagsasabi ng katotohanan. Marami siyang kawawaan sa buhay noong high school kami (tulad ng pagtakbu-takbo sa loob ng classroom at pagsalubong sa mga posteng nakahambalang sa tinatakbuhan niya) at isa na itong naisulat niya. Haha. =))


Ang benta. =))


Ganto ba talaga ‘pag sawi;
‘Di ko na alam kung pano mapapawi;
Parang labi ko ngayo’y ngumingiwi;
Dahil hanggang sa alak lang ako makababawi;
Hindi ko ninais na mapunta sa ganitong gawi;
Para tuloy gusto kong mapunta sa Tawi-tawi;
Baka sakaling makalimot, sa layo’y ‘di na rin makauwi;
Mabuti na rin siguro para lumubay na sa pagkasawi;
Sa kaiisip sa kanya sapatos ko ‘di na nakiwi;
Hindi na makintab tulad ng buhok kong sa mukha’y ‘di na mahawi;
May topak na ako tama na nga’t ako’y nawiwiwi;
Titigilan ko na nga’t ‘di na’ko makapag-isip ng ‘wi’;

June 5, 2005 ang date kung kailan ko naisulat ang tula niyang ito sa notebook ko.

Haha. =)) I love you, Dawn! <3

Sunday, August 28, 2011

Kung Talaga Namang May Isang Bagay Na Makadudurog Sa Puso Ko

Iyon ay tuwing makikita ko ang diperensya ng mga makapangyarihan at mga hindi pinalad magkaroon ng kapangyarihan. Hindi ako makatingin nang diretso sa mga nanlilimos sa kalye, sa mga batang nagtitinda ng sampaguita kahit umaambon o mataas ang tirik ng araw, sa magiinang natutulog sa gilid ng footbridge at ginagamit na sapin at kumot ang mga dyaryo sa tabi-tabi.  Kapag tiningnan ko kasi sila nang matagal, maluluha ako. Seryoso. XD


Kasunod nuon, maiinis na ako sa mga corrupt officials. Sa mga walang inintindi kundi panatilihin o pataasin ang kanya-kanya nilang mga pwesto sa gobyerno. Sa mga walang inintindi kundi makipagtapunan ng putik sa imahe ng bawat isa. Daig pa sila ng mga noontime shows, kahit paano nagbibigay ng pag-asa sa mga maralita. Ng mga foundations na nakalilikom ng funds para makapag-sponsor sa pagaaral ng mga batang walang kakayahang pagaralin ng mga magulang nila.


Kaya naman nang mabasa ko ang mga salitang ito:


Filipino was a chore, like washing the dishes; it was not the language of learning. It was the language we used to speak to the people who washed our dishes.
We used to think learning Filipino was important because it was practical: Filipino was the language of the world outside the classroom. It was the language of the streets: it was how you spoke to the tindera when you went to the tindahan, what you used to tell your katulong that you had an utos, and how you texted manong when you needed “sundo na.”
These skills were required to survive in the outside world, because we are forced to relate with the tinderas and the manongs and the katulongs of this world. If we wanted to communicate to these people — or otherwise avoid being mugged on the jeepney — we needed to learn Filipino.

Kumulo ang dugo ko.

Saturday, August 20, 2011

Dear Exploiter

You can show your love in many great ways.
Sometimes pushing yourself beyond your limits.
No boundaries, yes.
Your beloved wants the moon?
Give thee the universe.
Encased in a glittering box of silver and gold.
Tied with a silky red ribbon.


But would you risk the lives of others living in it?
Yes, to make thee happy.
Yes, to make yourself feel worthy and brilliant.
To make yourself feel that you can do anything you want.
STUPID.

Wednesday, August 10, 2011

Gusto Kong Maging Malaya

Gusto kong maranasan
Ang tumakbo sa ilalim ng ulan
Hindi naghahanap ng masisilungan
Tumalon-talon hanggang madulas sa kalsada
At tumayong muli habang tumatawa.

Gusto kong damhin ang init ng araw
Maglakad sa tirik na tirik nitong sikat
Walang paki sa pawis na nalilikha
At sa pagkauhaw na maaring madama.

Gusto kong maging gaya ng iba.

Nakapagsasalita.
Nakukuha ang gusto.
Nakapagrereklamo.
Nakaaawit.
Nakasasayaw.
Nakatatakbo nang mabilis.
Nakasisigaw.
Nakalilipad.
Nakalalangoy.
Nakalilimot.

Nakapagmamahal.
At minamahal.


Gusto kong maging malaya
Hindi nagaalala sa magiging resulta
Hindi nagiisip na hindi ko kaya
Gusto ko ng mapagod sa pagaalala.