Sunday, November 6, 2011

Noong Pumasok Ako sa UP

...iniisip ko kung tama ang desisyon na ginawa ko. 
Dahil sa pagpasok ko sa unibersidad na iyon, twice a year na namomroblema si mama para matustusan ang tuition fee ko. Samantalang noong elementary at high school ako, libre ang edukasyon ko. Baon ko lang at panggastos sa projects. And even then, hirap pa rin. Buti na nga lang, walking distance lang ang high school ko eh. Hindi na ako namamasahe.
Kung tinanggap ko ang 100% scholarship na binibigay sa akin ng Miriam College noon, sa course na Communication Arts, ano kayang mangyayari? Wala lang, bigla ko lang naisip ngayon. :p

Naalala ko pa noon si mama, katabi ko siya sa computer habang ginagawa ko ang kauna-unahang registration process ko sa UP. Alam ko na naglalaro sa isip niya kung paano niya susustentuhan ang tuition ko, pero patuloy pa rin siya sa pag-encourage sa akin na kahit waitlisted (nakalimutan ko na 'yung mas eksaktong term) lang ako sa Computer Science, kunin ko pa rin daw. Malay ko raw baka magkaroon ng slot. Fortunately, during that semester, dinagdagan ang number of students na tinanggap sa course na iyon, so pasok ako.
Noong mga unang araw ko bilang freshman sa UP, sobrang loner ko. Ang laki pa ng break times ko so naglalakad-lakad lang ako sa kung saan-saan. Nalulungkot at kung minsan nagpipigil ng iyak kasi wala ang mga malalapit kong kaibigan. Halos lahat sila nasa Miriam. (emo much?)


Napagpasyahan kong magapply ng scholarship - STFAP. Ang haba-haba ng nilalakad ko tuwing kailangan ko magsubmit ng mga requirements, magfollow-up, tumingin ng listahan kung naapprove ang scholarship ko. Mula math building hanggang Vinzon's. Pati si mama, paroo't parito para sa mga requirements - affidavit (dahil wala naman kaming ITR), birth cert, hindi ko na maalala ang iba. Tapos kapag andun na kami sa office nila, walang pumapansin sa amin kaagad. Isa ito sa napakalaking pagkakaiba ng mga office sa high school ko at sa ilang office sa UP. Kapag pumasok ka kasi sa opisina sa St. Scho, automatic may papansin at magtatanong ng mga pangangailangan mo.
Nakakailang 'Kuya!' ako bago ako pansinin. At ang pagpansin pa sa akin ay para bang ako ay nakaistorbo sa kung anumang ginagawa niya. Pero weird, may isang eksena kasi na may pumasok na nanay rin ng student na nagapply pero napaka-accomodating niya. Anyway, umabot naman kami sa paginspeksyon ng bahay. At nadama ko, na ang gusto yata nila ay gawa sa karton ang bahay namin.


Doon na kami nagsimula ni mama na makarinig ng mga kuwento na kung gusto kong pumasa sa STFAP, kailangan mo ng kakilala. Kailangan mo ng powers. :p
Okay, wala akong kakilala. Fail. Bracket 9. 
Sobrang nanghina ako noon eh, kasi hindi ko lahat mararanasan ito, hindi mararanasan ni mama ito kung sa Miriam ako nagaral. Pero andyan na, so nag-appeal ako. Panibagong lakad-lakad, akyat-akyat sa hagdan nila, paprint ng letter of appeal sa computer shop. Well. Naging Bracket 5 naman ako. May porsyento ng tuition ko na nareimburse.
Pero, the following sem, ayoko na. Kung ayaw nila sa'kin, kung tingin nila sa'kin ay mayaman, salamat. :)
Anyway, ayun, naghanap na lang si mama ng cooperative thingy para makakautang siya tuwing enrolment.


(Hindi ko alam kung dapat bang naka-publish ito sa blog ko. XD)


Tapos, inggit na inggit ako sa oblation scholars. Kasi 'yung iba sa kanila mayayaman eh. Pero wala silang ginagastos dahil nga oblation scholars. Pero, I know naman na they deserve it. Sila ang may pinakamatataas na UPCAT results. Kung naging matalino lang sana ako na gaya nila. :p Kung sa Miriam sana ako pumasok. :p


Tapos, minsan kinakamusta sa'kin ni mama ang mga dapat co-scholars ko sa Miriam. Sabi ko, balita ko ang daming Dean's Lister sa kanila, ang gagaling nga eh. Tapos sasabihin niya, eh paano 'yan kung andun ka siguro, magta-top ka rin. Isasagot ko na lang na hindi ko naman talaga gusto 'yung course na kinuha ko roon. XD Ganiyan kaming dalawa for almost a year. Haha.
Pero oh well, masaya pa rin naman in the end ang naging buhay ko sa UP. :)


Daming mga naging experiences:
1. Maglakad ng sixteen kilometers mula UP hanggang Katipunan and back - PE Walking class.
2. Trekking, rapelling sa mini-cliff ng bundok at sa Eng'g building - CWTS
3. Magkaroon ng medyo lead role sa isang ma-dramang play - English 11
4. Umiyak sa registrar dahil nasigawan ng isang staff, tapos joke time lang pala 'yung sigaw niya - first year, first sem Enrolment
5. Hindi matulog - CS145, Global Game Jam
6. Sumingit sa pila para makakuha ng PE class. Surii.
7. Manakit ang katawan dahil sa sit-ups, push-ups, 45-degree kick, in-out kick, suntok-suntok - PE Taekwondo class
8. Matakot sa isang lalaki sa may chapel. Medyo weird kasi, may pinapakita siya sa akin na lighter. Hindi ko alam anong sasabihin sa kanya. XD
9. Mag-cut bigla ng klase kahit nasa loob na kami ng classroom. Hahahaha. - English 11
10. Sumuot sa ilalim ng gate ng math building at past 10pm. Hehe. - thesis days
11. Guest turned volunteer sa isang event - TEDxManila
12. Magbitbit ng mga rare CPUs from ITTC to CS Building to Marikina and back - thesis days
13. at marami pang iba. :)


Masuwerte rin ako sa friends, sobraaa. Si Jomai 'yung una. Tapos si Guillard, si Alyssa, si Aubrey, si Joan, si Ate Manix, si Ate Ru, si Ate Rose Ann, si Kyle, si Kit.


Ang daming uri ng tao. Ang daming uri ng professors.


Nakakamiss ang college days. :)


Siguro hindi ko dapat iniisip kung tama ang desisyon ko.
Kasi part ito lahat ng plano ni Big Bro for me. :)



2 comments:

  1. at tsaka kung sa Miriam ka pumasok.. makikilala mo ba kami :)

    Isipin mo na lang, hindi lahat ay nakakapasok sa UP kaya masuwerte pa rin tayo dahil nakapasok tayo.. tsaka may mga experiences nga na sa UP mo lang mararanasan haha :D

    ReplyDelete
  2. yes, yes. :)
    enjoy naman ang naging college life ko. :p

    ReplyDelete