Monday, August 20, 2012

Iniisip ko minsan bakit may mga magulang na naging magulang.
Kung wala naman silang kakayahan para maging magulang.
Ano kayang iniisip nila bago pa sila naging magulang.
Anong kayang gusto nilang maachieve at naisipan nilang maging ama at ina.
At nang naging tatay at nanay na sila,
Bakit hindi man lang sila nagbago habang lumalaki ang mga anak nila.
Tapos wala man lang kalaban-laban mga anak nila.
Malay ba naman nilang isisilang sila.
Pwede ba silang tanungin kung gusto nilang isilang sa mundo na ang tatay at nanay ay tulad nila?
Hindi naman. 'di ba?
Tapos ngayon kailangan nilang tanggapin na lang.
Makinig sa mga nagsasabing
'Kahit pagbali-baligtarin mo ang mundo, sila pa rin ang mga magulang mo.'
At palubagin ang mga sarili nila sa pagiisip na
'Mas maraming may mas mabigat na problema kaysa sa'kin.'
Bakit ganoon..

1 comment:

  1. hhmm.. isipin mo ung mga liberated na mga bata. Lalo na ngaung panahon na to. Hindi naman nila iniisip na magkaanak. Pero gusto nila ng sex. Un lang un r. Gusto nila. Hindi na nila inisip na madidisgrasya sila at anong gagawin nila pag nangyari un.

    Sa mga mahihirap naman, me nagsabi sakin na dahil ata hindi naman sila gaanong busy. At meron daw taong pinaglalaro sa labas ung mga bata para maka-isa o dalawa o kung ilan man.

    Pero kawawa nga ung mga bata.

    ReplyDelete