At sumapit din ang araw ng graduation.
Actually, wala na talaga akong gana na magpunta dahil hindi naman binigay sa’kin ang cum laude ko. >.<
Kung hindi ko lang naiisip na si Jomai ang nagasikaso ng lahat para makapag-martsa ako, hindi na talaga ako tutuloy. :D
Wala nga akong sariling pictures eh. Pero naisip ko, baka hindi ko rin deserve kasi, hindi ko nga nabilang nang maayos ang units ko diba, tapos magla-laude ako.
Pero lumubag ang loob ko dahil may mas malala pa palang sitwasyon kesa sa’kin.
Isang dapat ay magna cum laude.
Pero hindi niya rin nakuha sapagkat underload.
Nakwento lang sa’kin ni mama kasi tsinitsika raw sa kanya ng katabi niya sa upuan sa loob ng UP Theater.
Ate siya ng isang magtatapos rin na estudyante. Mas nakakahinayang siya kasi magna cum laude siya eh. Sa tanda ni mama, ang general weighted average daw yata ay nasa 1.295. Tsk. Ang hirap kaya abutin nun. Lalo na kung umeffort ka talaga nang bongga.
Naaawa raw ‘yung ate niya na ‘yun kasi isang linggo na raw halos umiiyak palagi ‘yung kapatid niya. At kung hindi niya pa raw pinilit, hindi na raw talaga magmamartsa. Hindi na nga raw rin pinauwi ang mga magulang nila kasi, bukod sa busy, wala rin naman gagawin. Uupo lang sa likod. Manonood. Medyo nadama ko ‘yung nadama niya, pero hindi naman ako umiyak. Kasi nakakapagtrabaho na ako eh. Parang okay na rin, nakakapagbalik na ako ng mga naibigay ni mama para makapag-aral ako.
Pero nakakaawa pa rin ang estudyante na ‘yun. Siguro naiisip niya, kung ako ang nasa stage, ipapasabit ko ang dalawang medalya na ‘yun sa nanay at tatay ko imbes na sa akin.
Ganoon talaga minsan. Kapag ordinaryong estudyante ka, kailangan mong sumunod sa mas mahihigpit na batas. XD *Oo, may bahid ng bitterness. Hehe*
Buti na lang, inspiring ang message ng valedictory speech ng kauna-unahang summa cum laude sa department ng Mechanical Engineering. Sabi niya (more or less), natatakot siya paglabas niya sa tunay na mundo. Kasi ang mga grades ay numbers lang naman talaga. :D
Happiness pa rin naman kasi pag-uwi ko, dumating si Guillard. May dalang gitara. Nangharana.
Joke. v^^ Regalo niya raw sa’kin. Bongga di ba. =)) Talagang mapapaaral na ako mag-gitara nito! :D *excited*
At may dalang three white roses ang isa kong manliligaw.
Joke uli. v^^ Pinsan kong babae ang may dala. :D
Ayon, kaso Lucky Me! Pancit Canton lang naipakain ko sa kanila. Haha. =p
ayun eh... sabi na talaga... :D
ReplyDeleteCongrats angge! Kawawa naman yung bata na yun... sayang magna din yun...
ehh indi naman yan based kung my honor ka o wala eh.. it depend naman niyan how you see the world..diskarte mo day..siguro sa pinas you can get the jobs you want but i don't think so- ninong ninang naman eh.. sa usa.. up is just one of them [from me am well experienced] --- up grads has to compete with the scholars of china, india etc. so don't say na sum, magna, cum ka nandiyan sa iyo lahat na attention-- no way baby... get me--- you make yourself more than them by doing something that the whole world will say'oh oh oh' aksidente lang ang pag arrive ko sa web page mo-i was looking for the upd news abt grad 2011 but i am sure you get have my advice to think about--upd din ako but famous na- hehe lol lol
ReplyDeleteate manix: naks, may laman na pala blog mo. :D looking forward to reading more of your future posts! :D
ReplyDeletePost UPD: thanks for the advise. :D nakakahinayang lang talaga ung magna. kasi 'yun na lang sana ung reward na makukuha niya sa mga paghihirap sa pagaaral sa up. haha. pero un nga, makaka-move on din un. at i'm sure naman mageexcel naman 'yun sa career na papasukin niya. :D
congrats! ako di nagmartsa kasi ayoko lang. LOL. weird, huh? actually, ung older sisters ko rin sa UPDil di rin kasi nagmartsa tapos ginaya ko nalang sila (sa UPLB naman ako). oo, weird ung family namin. ;)
ReplyDelete