After so many years, nagkaroon kami ng gala ng mga college friends ko.
Meeting time and place: April 9, 2011. 10am. Sunken Garden. =)
Initially, ang plano lang talaga ay pupunta sina Guillard at Jomai sa bahay para kumain ng pancit canton na may repolyo - specialty ni mama na paborito namin. =)
Kaso, nagyaya si Kyle sa UP kaya nagkaroon ng change of plans. So long pancit canton with repolyo. Next time na lang. =)
Nag-lunch kami sa Rodics. Tapsilog, ano pa nga ba. =) At ang bilis kong kumain. Nakakahiya. Nauna pa ako kina Kyle at Jomai. Parang hindi ako babae. Haha. =)
Nagdala si Kyle ng pinagmamalaki niyang Lava Cake. Hindi nga lang nag-lava dahil wala naman kaming magagamit na microwave. So as is namin siyang kinain. Ok naman. Hindi masyadong matamis. <3
At kami ay nagplano na mag-bike sa QC circle. Ngunit paglabas namin ng SC, umuulan. T.T Kay lakas atang manalangin ni Guillard na sana magkaroon ng aberya. Kulang kasi ang childhood niya - hindi siya marunong magbisikleta kaya kinakabahan siya sa plano namin. Kaya nagpasya kaming magtungo na lamang sa SM North. =)
On the way, napansin namin na hindi pa namumukadkad ang mga sunflowers along University Avenue. We wondered kung aabot sila come graduation time.
Sa wakas, nakabili na ako ng lalagyan ng cellphone ko. Naiwala ko na kasi sa Bulacan ‘yung lalagyan ko ng phone. Tapos, clueless kaming naglakad-lakad sa mall. Nakita namin ang Yamaha. Ang cool ng mga gitara, violin at piano. Gusto ko na talagang matutong maggitara. Gagayahin ko ‘yung Scandal o kaya K-On! Haha. At naalala ko ang pangarap kong musical instrument - violin. Sabi ko noon sa sulat kay papa na nasa Saudi ‘nung bata pa ako, uwian niya ako ng violin. Ngunit ang inuwi niya sa’kin ay laruang robot. Akala niya lalaki ako. =) Ayan, hanggang ngayon nakatabi ang robot na ‘yun. Pero seriously, gusto ko matuto maggitara. Para naman magka-talent na ako at may maipresent sa mga talent shows. Hihi.
Tapos, natanaw namin sa labas ng mall na tumila na ang ulan. Nagpasya kaming bumalik at magtungo na ng QC Circle. Umulan ‘nung naglalakad na kami from Philcoa to Circle. Pero pag-emerge namin from underpass to Circle, wala ng ulan. Yipee! Natuloy ang pagba-bike namin. =)
Ang funny ni Guillard. Pero naka-isang pedal naman yata siya. *clap*clap* Sayang, akala ko makikita ko siyang sesemplang. Haha.
Pinagpawisan kami nang bongga. Namahinga muna kami at nagasaran. Nagkaka-ungkatan din ng mga nakaraan. Pero hindi namin maintindihan ni Guillard ang mga snide remarks nila Kyle at Jomai sa isa’t isa. Kaya nakikitawa na lang kami ni Guillard. At nang mapunta kay Guillard ang topic, siyempre, naka-relate na ako nang bongga. Memorable talaga ang ka-emohan niya sa Sunken Garden nung UP Fair three years ago yata. Kung kailan hindi siya sinipot ng nililigawan niya. Balak niya pa man din ibigay ang pinagipunan at pinangutang pa nga yatang kwintas. Sanhi rin ‘yun ng ilang araw niyang kagutuman. At siyempre kagutuman na rin namin ni Jomai dahil hindi niya kami mailibre.
Nakapwesto na lamang siya sa parte na ito ng Sunken.
Nakaupo. Hawak-hawak ang chain ng kwintas sa kanang kamay. Nakataas sa level ng mata niya ‘yung pendant ah. Mga ilang minuto siyang ganoon. Siyempre ngayon, tinatawanan na lang namin, pero dati, pramis, dinamayan naman namin siya. =p
May dalawang Christian Jehovah’s witnesses nga rin pala na kumausap sa amin. Sorry, hindi ako nakinig. >.<
After nun, nagtungo naman kami sa Technohub. Timezone! Ang galing ni Kyle sa basketball. Umabot sila ni Jomai sa Stage 4! Pero may daya talaga eh. Hindi kasi gumagalaw ‘yung basket nila. ‘Yung pinaglaruan ko gumagalaw, Stage 2 pa lang. At ang tangkad niya kaya. Haha. Hindi matanggap ang pagkatalo. v^^
At siyempre, amidst my masakit na lalamunan at ubo, videoke! :D Dito na naglabasan ang sigaw ng mga damdamin.
Hindi ko na kabisado ang pagkakasunud- sunod pero eto ang ilan sa lineup ng songs na kinanta namin:
Ironic by Alanis Morissette
Buses and Trains by Bachelor Girl
Why by Avril Lavigne
Tonight by FM Static
Cool Off by Yeng Constantino
Stay by Lisa Loeb (yata)
Let Me Be The One by Jimmy Bondoc
Pangarap Ko Ang Ibigin Ka by Ogie Alcasid
Silvertoes by Parokya ni Edgar
Ako’y Iyo at Ika’y Akin Lamang by
Ikaw Lamang by Silent Sanctuary
Bakit Nga Ba Mahal Kita by Roselle Nava
Out Of My League by Stephen Speaks
5pm. Nagdecide na kaming umuwi kasi aalis na si Jomai para sa practice nila sa church. Actually, 430pm niya binalak umalis kaso panay ang extend niya dahil pinakakanta namin nang pinakakanta. Tumatawad din si Kyle nang tumatawad sa oras. Buti na lang pagkarating daw niya sa church niya, sakto lang siya. Hindi siya late. =)
At sa akin naiwan ang mga natitirang Lava cakes. =)
Binalak nga rin pala namin na mag-Splash Island one of these days para sa summer outing. Sana matuloy. = )
parang ang sarap tikman ung pancit canton with repolyo... :)
ReplyDeletethanks for following my blog..would love to follow yours back. really. :)
you're welcome. :) thanks din! sana makagawa rin ako ng desserts na ginawa ninyo from strawberries. <3
ReplyDeletekayang-kaya mo un! :)
ReplyDeletethanks pala sa comment dun sa jollihotdog n float post ko...ayaw ng two-year old ko ung float. well, he's not into watermelons and softdrinks, so it was expected. lol.