Sa paulit-ulit na pagta-type ko ng Salamat, (insert name here) , iniisip ko kung maya-maya pangalan mo naman ang itatype/itetext ko.
Pagdating ko sa office, binati ako ng attendance system. Gusto ko sanang i-screen shot at i-mail sa'kin. Kaso, nahiya ako. Fire drill. Exercise. Mula 31st floor hanggang ground floor. Magpapasalamat na rin ako dahil walang 14th, 13th, at 4th floor. Muscle strain after, grabe. Hindi bale, may reward namang tatlong oras na petiks time. :)
Ay naalala mo ba 'yung unang beses na nagcelebrate ako ng birthday na kasama ka? Fail kayo sa plano ninyo. Ever late kasi ang susundo sa'kin. Ayan tuloy nagpang-abot tayo. Haha. :)
By the way, eto ang mga nakuha kong regalo. :)
Siyempre, kasama na rin sa mga regalo ko ang effort at panahon na ginugol ng mga tao sa paligid ko para maging special ang birthday ko. :D Ewan ko lang kung nagsisisi sila dahil wala naman silang nakuha mula sa'kin sapagkat subrang broke ko nung araw na 'yun. Haha.
At dito naman kami nagsikain. Ako, more on nakikain at nakitambay. :D
Tayo, saan na nga ba tayo kumain? Ang dami na nating nakainang branches ng Jollibee at Red Ribbon. Haha. Minsan lang tayo mag-resto.
At sila naman ang mga kasama ko. :D Sina Al, Au, Jomai, Kyle at Guillard. Hindi ko inaasahang darating 'yung huling tatlong tao. :) Kay Au at Al galing 'yung colored ball pens that I so love. Kay Jomai galing 'yung bag na saktung-sakto dahil wala na akong panggala na bag, kay Kyle galing 'yung uber laking stuffed-toy-slash-unan na nag-cause ng komosyon sa office, at kay Guillard galing 'yung favorite kong White Forest cake. :)
~If this was a movie you'd be here by now.~ TS
Uwian. Ang dami kong bitbitin! Buti na lang mababait ang mga nakasabay ko sa shuttle. Pinagbubuksan ako ng pinto. At biglang nagring ang telepono ko. Akala ko ikaw. Hindi pala.
Simula na nga siguro ng mga taon na hindi na kita makakasama sa pagsapit ng birthday ko. *pout*
No comments:
Post a Comment