Sa pangalawang pagkakataon, kinulit na naman kami ng Unang Hirit staff na magparticipate sa program nila. Guest daw pero hindi naman kami lumabas. Well, sa introduction, kalahati daw ng mukha namin ang nakita. Hindi namin alam ano bang meron sa thesis namin at ipapakita na naman nila. Pero this time, lalaruin siya ng record breaker Summa Cum Laude ng UP Diliman Batch 2011, si John Gabriel Pelias. Una naming naisip, good luck naman sa kanya. :D
Nakailang tanggi rin kami sa invitation nila dahil hassle talaga at uber biglaan. Tatawag ba naman ng hapon ng Monday, tapos gusto mag-‘guest’ na kami kinabukasan. @_@
Pero dahil nakakaawa rin naman si ate na tawag nang tawag sa amin with a panic stricken voice, napapayag din kami sa bandang huli at inenjoy na lang ang mga sumunod na pangyayari.
330am. Ganiyan kaaga ang call time namin dahil magiinstall pa kami. Baka magkaroon ng aberya, maganda na ang maaga. Pero grabe, ibig sabihin, 2-230am pa lang nakabangon na dapat kami. Cool naman kasi susunduin kami sa kanya-kanya naming mga bahay. In fairness naman sa driver na si Kuya Romy, super aga niya. Nagpapatuyo pa lang ako ng buhok, nagtetext na sa akin na andiyan na siya. Sanay na sanay na talaga siya.
Urvan. Plate No. ZTN 322. Yan ang sasakyan na ginamit para sunduin ako. Ang laki-laki kahit magisa lang ako. v^^ Naisip ko pa nga, parang akin talaga kasi birthday ko ‘yung 322, March 22. Hehe.
Tapos, ang laki ng problema ko kasi hindi ako marunong magdescribe ng mukha or itsura ng mga tao. Paano kung hindi naman pala sa GMA 7 ako bitbitin nitong si Kuya Romy. Paano kung hindi naman pala siya si Kuya Romy, nagpapanggap na lang. Kinakausap niya ako. Nagtatanung-tanong. Kung madalas daw ba kami magguest, kung ano tinake kong course, kung ano ba meron bakit kami guest that time. Gustuhin ko mang umiglip muna, hindi ko magawa dahil buhay na buhay ang diwa ko katitingin sa mga kalye na hindi na pamilyar sa’kin. Haha. Ang praning ko talaga. Sobrang premeditated na pangingidnap ang naiisip ko. Kasi parang wala naman talagang mangingidnap ng ganoong oras, hassle rin yata sa kidnapper. Isa pa, hindi naman kami mayaman.
Ngunit, payapa naman akong nakarating sa GMA 7. Andun na agad si Au, nauna siyang makarating kesa sa’kin. At sa wakas, nakita ko na sa personal si Ate Meliza. Ang tawag nang tawag sa’min. :D
Kitang-kita at damang-dama na namin ang ka-busyhan niya at pagpapanic dahil hindi pa masyadong ayos ang lahat. Pero kahit ganoon, hanga ako sa kanya, inaasikaso niya pa rin kami. Pinakain niya kami ng breakfast. May choice pa nga kami ng drinks eh - juice or kape. Kung kape, tatanungin ka pa kung anong klase. Kung juice, tatanungin ka pa kung anong flavor. Nauwi kami sa C2 Lemon. At masarap talaga ‘yung chicken ah. :D
Habang naghihintay, paminsan-minsan kinukumbinsi namin ang sarili namin na totoo talaga. Unang Hirit talaga ng GMA 7. Naisip ko, baka kasi Wow Mali! (although, channel 5) or Bitoy’s Funniest Videos (although, matagal na na wala ‘yun) pala napuntahan namin. :p
Pagpasok namin sa studio, hanglamig!!! :D
Ang daming camera, ang daming cords, ang daming ilaw, ang daming TV monitor. Tapos nasa gilid ‘yung computer na pagiinstallan namin. Nainstall naman nang tama, napatakbo namin nang matiwasay. Na-amaze rin ang mga tao.
Pero abut-abot langit ang pagaalala namin (o ako lang?) habang nagshoshow na kasi baka madisconnect bigla ang Wii Remote. XD At masama kapag nagkaganun dahil kailangan namin mag-restart ng PC. Napaka-sensitive kasi ng thesis namin, spoiled brat. Maraming requirements. Tapos, hindi pa namin alam ano na nangyayari sa screen dahil ang currently naka-project sa monitor ay ang logo ng Unang Hirit. Haha.
Ayon, matiwasay naman na nakapagpraktis si John bago ang actual na appearance nila ni Mr. Frog sa national TV nang live. Haha. Ang nilaro niya ay ‘yung Frogtor. ‘Yun ang pinalaro namin dahil ‘yun ang pinaka-established sa lahat ng mga mini-games na nandun sa thesis namin. So, less prone sa bugs. Hehe. In fairness sa kanya, ang bilis niya mag-adapt sa paggamit ng Wii remote. Relaxed na relaxed pa siya. Either wala talaga siyang panic mode o hindi lang kita sa expression niya. Thumbs up ako sa kanya. d^^b
At thumbs up din ako sa amin ni Au sapagkat nagawa naming gumising nang pagkaaga-aga, manalangin na wala sanang mangyaring masama, makipag-friends kay John Gabriel Pelias, at makapagpa-picture sa mga hosts nang paulit-ulit. :D
No comments:
Post a Comment