Salamat sa sale ng Cebu Pacific nakapag-book kami ng flight papuntang CamSur last March 17, 2011. :D
Sobrang excited ko dahil unang beses kong sasakay sa eroplano. =)) Abot langit ang mga hiling namin na sana hindi bumagyo sa araw ng flight namin. Paano ba naman kasi, July 14-16 ang nakuha naming schedule. Ayaw naman naming mauwi lang ang bakasyon namin sa panonood ng Harry Potter sa SM Naga. :p
Maswerte ako dahil pinayagan akong mag-leave. Pero pumasok pa rin ako ng halfday noong July 14 kasi sa hapon naman ang flight. =)) Muntik pa akong hindi makaalis agad sa opisina dahil may inaayos kaming error sa system. Buti na lang sabi ng team leader ko, go na ako, sila na bahala tutal hindi naman parte ng deployment ko ang error. v^^
Sayang nga lang dahil dapat anim kami. Ang isa kasi sa amin ay hindi pinayagan kasi deployment ng project niya sa mismong schedule namin. So sad.
Isinama ko na rin si Mama. Para naman makabakasyon din siya. Pero iniwan ko siya sa Tita ko. Hehe. =))
Paglabas namin ng opisina, weeee~ Kalayaan! Super long weekend! =))
Mula Ortigas, sumakay kami ng MRT papuntang Taft station. Nag-McDo sandali para sa lunch, at sumakay ng shuttle papuntang NAIA 3 Terminal. =))
Sa telenovela ko lang dati nakikita ang loob ng airport. Ang funny ng feeling pagkalampas ng no-non-passengers-beyond-this-point line, haha, para bang may sisigaw ng pangalan ko anytime para pigilan ako. :p
Heto kami bago sumakay sa eroplano. :D |
Medyo disappointed ako dahil maliit ang eroplano, feeling ko kasi 'yung malaki talaga. Totoo rin palang malakas ang hangin sa labas ng eroplano, malapit sa runway. :p
Nang mag-take off ang eroplano, feeling ko nasa roller coaster ako at pataas na siya. Ayun nga lang, walang tracks! Hindi siya masyadong maganda sa pakiramdam kasi nakikita kong tabingi ang mundo sa labas at alam kong nakalutang kami. Hahaha. Siyempre, hindi ko pinalampas ang panonood sa flight attendant habang nagdedemo ng safety guidelines sa loob ng eroplano. Medyo mabilis pala, hindi ko nagets lahat. Saka hindi masyadong kita mula sa window seat na siyang kinauupuan ko. Haha. Pero may printed version naman na accessible at pwedeng basahin. :D
Parang Google Map lang ang view sa baba.
At sobrang saya ko nang makita ko na mga cumulus clouds! :D Ang fluffy, fluffy. |
Fifty-five minutes lang ang biyahe mula Manila hanggang Naga airport. :p Ang scary ng landing namin, medyo bouncy. :p
Sa part na ito, naghiwalay na kami ni Mama. Pumunta na siya sa Tita ko.
Kami naman nag-taxi papunta sa JomcKayl Apartelle. Kinuha namin 'yung kwarto na may 6 na higaan (3 double-deck). May aircon na, TV, electric fan, pati exhaust fan. :D Marami ring cabinets. After magsettle-down, naglakad kami papuntang SM Naga (yes, walking distance lang) para magdinner. :D
Sobrang naaliw ako rito kasi pinapatugtog ang mga Scandal songs. :) Napagalaman ko rin na nagiisang Japanese restaurant sa Naga ang Makiyaki (as of the date na nakalagay sa link). :D |
Pagbalik sa apartelle, pictorial session hanggang mapagod at makatulog. :D
Ang cute namin. :D |
Accounting Entries Day 1:
MRT from Ortigas to Taft - 12Php
McDo lunch - 145Php
Shuttle to airport -20Php
Terminal fee - 200Php
Taxi (metered) - 160Php/5 = 32Php
Dinner at Makiyaki ~ 200Php
Videoke (5 songs) 50Php/5 = 10Php
McDo lunch - 145Php
Shuttle to airport -20Php
Terminal fee - 200Php
Taxi (metered) - 160Php/5 = 32Php
Dinner at Makiyaki ~ 200Php
Videoke (5 songs) 50Php/5 = 10Php
enjoy!! oo nga, ang cute nyo sa last pic! :)
ReplyDeletehaven't been to Naga in ages!!!!!
parang ung two-year old ko, when he rode the airplane (nung summer)...akala ko susuka, pero hinde...mas enjoy sya pag aakyat (or bababa) na ung airplane! hahaha....weird, huh?!
tapos nung nakita nya ung mga maliit na bahay sa windows, una nyang sinabi: "Google Earth!"
hahahaha.... :D
thanks, maiylah. :D
ReplyDeletebisita ka na uli. haha.
wow, amazing ng two-year old mo, walang takot! ako kasi natetense nung paakyat/pababa. XD
at alam na niya agad ang Google Earth! Cool! :D
nasa plan namin pumunta ng Bicol one of these days...planning stage pa lang. :D
ReplyDeleteoo, alam ng two-year old ko ung google earth kasi nakikita nya ginagamit minsan ng dad nya. lol.