Sunday, July 24, 2011

CamSur Expedition Day 3: Goodbye and Thank You. See You Again Soon!

Last day na ito ng aming bakasyon. :) Pagkakataon na para magshopping ng pasalubong. :D


Si Kyle ang gumising sa amin this time, around 5:30am.  Supposedly, 5:00am, kaso fail ang alarm clock ko dahil hindi ko naset na mag-alarm siya for Sunday. Haha. Nagmamadali tuloy kami kasi 6am kami susunduin ng tricycle.


Ang funny ng nangyari kay Al. Sa pagmamadali niya, kinuha niya ang mga sinampay namin, laking gulat niya nang bigla niyang makita ang nakakubling pan**** ni Kyle. Hahahaha. =)) Tawang-tawa siya pagbalik niya sa kwarto namin. XD


Si Kuya Ramir ang naghatid sa amin hanggang sa pagsakay namin sa tricycle. Nagpasalamat kami sa kanila at namaalam na. Mas mahirap ang byahe namin hanggang centro kasi kailangan namin bumaba sa tricycle at maglakad nang mas madalas. At puro paakyat ang mga nilakad namin. So naging exercise siya sa umaga.

Upon reaching centro, nagbayad na si Al sa may-ari ng Rex Inn. Medyo may issue kami rito, dahil pinagsabihan pala niya ang mababait naming mga bangkero. Kaya sa pagbabalik namin, maghahanap na kami ng ibang matutuluyan. :p Marami ng mga tao na nakasakay sa first trip ng ferry pagdating namin sa Guijalo port. At buti naman hindi na namin kailangang magsisikan dito.


Mas mahaba ang naging byahe namin. Dahil matagal-tagal din kaming natigil sa pagtakbo kasi nawalan yata kami ng gas... or nasira ang motor?
So picture-picture muna. :)
May mga kumakausap kay Guillard. Ang intindi namin, nanghihingi ng pagkain. Ang dinig kasi namin, 'May pagkaen kayo?' Kaya sobrang takang-taka kami sa sagot ni Guillard, 'Meron po, pero kaya na po namin.' o.O Hindi namin nagets. Naisip ko pa bakit ayaw mamigay ni Guillard. XD 'Yun pala, bagahe, hindi pagkaen. XD


Salamat sa pagdating ng isa pang ferry, nakarating din kami malapit sa pampang. Hinila na lang kami. Para makatuntong sa lupa, mayroon silang mala-balsang may hawakan na tinutulak from ferry to pampang (and vice versa) kapag sapat na 'yung dami ng tao na nakasakay.


Masyadong excited ang mga porters dito. Sigaw ng sigaw sa kung kanino, 'Ate, kuya, may bagahe kayo???'. Paulit-ulit. XD


Pagtapak mo sa lupa, automatic may maniningil ng sampung piso. :D


Then, sumakay kami ng van hanggang SM Naga. Naglunch sa Biggs at namili ng pasalubong. :)
Restaurant din yata ito. Pero parang fast food chain kasi pipila ka sa counter para umorder. Pero may menu naman sila. So pwede ka munang umupo at pumili ng bibilhin mo bago ka pumila.
Most of our pasalubongs were bought from J.Emmanuel Pastries. Andaming choices dito (bicol express with different flavors (tuna at pork daw ang bestseller) na nasa jar, pili nuts na nasa jar or pouch - honey, roasted or garlic, mazapan na masarap daw sabi ni Au, brownies with pili on top, pili tarts na according sa officemates namin ay addicting talaga). At hindi ko akalaing affordable. Kasi di ba nasa mall siya, so feeling ko, mas mahal nang bongga.


Then, nagtaxi kami pabalik ng airport. Doon na namin mineet si mama. Pagdating manual inspection ng mga gamit namin, nahold ang mga liquids namin ni Al na nasa mga 100ml na mga lalagyan at ang payong ni Kyle. Kailangan daw naka-checkin. Sa sobrang panic ko, nanghingi na lang ako ng mga supot at nilipat ko lahat ng liquids ko roon. Ganoon din si Al. Pinaghilamos niya kami ng toner niya dahil hindi niya masimot. Si Kyle naman, sinira na lang ang payong niya para walang ibang makinabang pa.


Weird lang kasi nakalampas nga kami sa NAIA na bitbit ang mga iyon eh. At 'yung lalagyan daw ang issue. Pero weirder kasi pinapasok nila ang 100ml din na energy drink ni Guillard. Tapos nagbebenta pa ng drinks sa loob ng airplane. Metal din 'yung ibang souvenirs na binebenta rin sa loob ng airplane.


Tinanong ni Al 'yung reason kung bakit, kasi nakalampas nga kami sa NAIA. Ang sabi lang sa kanya, basta sumunod na lang.  Pero seriously, ano ba talaga ang rule/s? XD


Finally, nakabalik na kami sa Manila. :D


We are currently plannning on going back to Caramoan next year. Andami pa naming hindi napuntahan eh. :D


So for now, thank you sa napakasayang experience!


Accounting Entries Day 3:

Rex Inn Room - 1400Php/5 =  280Php
Tricycle to Guijalo port -  250Php/5 =  50Php
Terminal Fee - 5Php
Ferry -  120Php
Portable bridge - 10Php
Van to SM Naga - 100Php
Lunch at Biggs - 204Php
Caramoan TShirt - 170Php
Pasalubong 1 (2 packs ng Pili tarts) - (100Php*2)/3 = 66.7Php
Pasalubong 2 (1 pack ng brownies with pili on top) - 35Php
Pasalubong 3 (3 pouches ng honey flavored pili nuts) - 55Php*3 = 165Php
Pasalubong 4 (1 piece ng pili key chain) - 10Php
Taxi to Airport -  300Php/5 = 60Php
Terminal Fee - 20Php
Shuttle to MRT - 20Php

5 comments:

  1. weird.. hindi pinanghihilamos ang toner.. >.<

    ReplyDelete
  2. sige na. ikaw na nagtotoner. wala naman kaya kasing bulak. kaya nagmukha siyang panghilamos nang ginamit natin.

    ReplyDelete
  3. Eto na ang ERRATUM. :D

    Facial mask pala talaga ang pinanghilamos namin sa Naga Airport. Iba pa pala ang toner na binabanggit ni Al. :D

    ReplyDelete
  4. am sure babalik pa kayo dun! or maybe sa ibang place naman...like sa mindanao area! hehehe, maganda din dun! :)

    oo nga, mas strict sa provincial airports...dati pinatanggal ba naman ung batteries sa point and shoot camera ko (cagayan de oro airport)! pero may nagbebenta naman ng batteries dun sa loob! epic fail...LOL

    sana iba na ngayon... :D

    ReplyDelete
  5. thanks, maiylah. :)

    yup, magiipon muna uli ng pocket money! :D haha.

    tama ka, epic fail nga. ang gulo ng rules eh. XD kapag tinanong mo naman hindi nila maexplain. XD

    ReplyDelete