Omni Aviation Complex, Clark Freeport Zone, Pampanga.
Nag-avail ako ng package deal from YATS International Leisure Philippines as advised ng Clark Philippines site. Package C ang kinuha ko - Round Trip Package including the ticket fee for the event, PHP850 per person (Acknowledgement receipt only. PHP952 per person kapag official receipt ang gusto mong ibigay sa'yo).
HAB Fiesta 2013 tickets |
Lunch lang ang nadagdag pero ang laki ng difference. o_O Pero ang sabi ng kausap ko, "Reasonable nmn po ang rate .. Hndi po kayo madidismaya sa food ng Resto po nmin.. :))" |
And then, muntik pa kaming hindi matuloy dahil tutol si mama sa meet-up time namin. Ang departure time kasi ay exactly 5AM daw. Since we're coming from Las PiƱas, Marikina and Montalban we had to meet-up way earlier para sa buffer ng waiting time for each other, waiting time for taxi, preparation time, at siyempre travel time to pickup point in Tektite, Ortigas. That means, makikipagmeet ako by around 3:30AM. Ayaw ni mama dahil delikado raw. At siyempre, tamaditis ang tatay ko na ihatid ako ng ganong oras at pagbalik niya rin, magcocommute rin siya sa alanganing oras. At this point, naiiyak na talaga ako. Nakakafrustrate na excited ka kanina, tapos ngayon disappointed ka at walang magawa.
Buti na lang pumayag na ang papa ni Margot na sila na ang pupunta sa bahay at si Edmund naman, puntahan na lang din daw ako para sunduin. At least makikita ni mama na may kasamang adults at lalake. It came to a point na nagtext pa si Margot kay mama, kakahiya. -___-
Anyway, nakarating naman kaming lahat nang matiwasay. At on-time. Only, hindi on-time ang departure namin. After all the frustrations, hindi naman pala on-time aalis. Anxious na ako na bakit hindi pa rin umaalis, sakto na dapat sa flight ng mga balloons kung sakaling sakto talagang 5AM ang alis at makikisama ang mga daan. Pero way past 5AM kami nakaalis. Can't remember ang exact time. As a result,
Ayan, nasa bus pa rin kami, lumilipad na sila. Ang camera ko, hiningal sa mega adjustment ko ng zoom level. |
Pagpasok din namin, may mga paragliders. :) |
May natira pang isang cute balloon, buti na lang. |
Ang cool lang nito. Kasi ang feel ay parang nasa battle ka. Haha. |
Nakakita rin kami ng mga photobooth stalls. :D Yay! PHP50 per copy. :)
After much ikot-ikot under the sun, napagdesisyunan namin na magpalamig naman muna at magfreshen-up sa SM Clark. One jeepney ride away lang siya. :)
Pagbalik namin, inabangan namin ang banner lifting show. :) At medyo nabawasan na rin ang mga tao, kaya nasa unahan kami ng railings at malapit ang pagkakakuha ko ng video. :)
Matapos 'yun, nagpahinga kami some more sa isang place. Buti may dala akong picnic mat. At tolerable naman ang init by that time. Namili na rin ako ng pasalubong. Hot Air Balloon ref magnet. :D May nadiscover din na masarap ng coffee stall si Edmund. Sarap ng Java Chip! :9 Parang D+C Coffee daw yata ang pangalan.
Pinagtripan na lang din namin ang hot air balloon toy na nabibili sa mga souvenir stalls. :)) Sa sobrang frustration na makakita ng HAB na lumilipad. :p |
Then, ang sabi, maghintay lang daw kami dahil darating na raw ang HAB na lumipad kaninang umaga. Pabalik na raw sila ngayon at dadaan talaga exactly sa ground na kinatatayuan namin. Pinabababa na rin nga mga kites eh. So in anticipation, halos lahat kami, maya't mayang nakatingala at tumatanaw. Pero, ang dilim-dilim na, wala namang dumating. Hindi na sa amin naibigay ang dahilan. Nag-attempt na rin silang simulan ang Hot Air Balloon Night Glow. Dito na lang kami actually umaasa na makakita ng malalaki ang magagandang balloons. Ngunit, nakatapos na kaming lahat magdinner, hindi pa rin sila tapos sa pagaattempt na palobohin ang mga balloons. :(