Monday, October 28, 2013

Mogu Tree Noodle House

October 15, 2013.

Another food escapade with Margot. :D Muntik pang hindi matuloy dahil sa bagyong Santi, which caused everything in her schedule to get adjusted a day later. Pero nagkasya naman ako sa schedule niya. Parang long overdue na rin kasi ang pagkikita namin kaya kailangan talagang matuloy. Haha. :))

This time, being a noodle-lover that she is, kailangang matry namin together ang new noodle house sa Lilac Street. :D Mogu Tree! Sa kainitan ng panahon, nakuha pa naming mag-noodles eh. Haha. Pero may aircon naman sa store so keri. :D

Pagdating sa place, mega decide naman kami sa sasabihin naming order kay ate sa may cashier. Sabay kami pala mismo ang kukuha ng mga pinili namin para ilagay sa basket. :D Mala-Breadtalk style ba.

Una sa lahat, kailangang pumili ng klase ng noodle soup. And for that, merong dalawang uri - plain at laksa noodle soup. Margot chose plain. Ako naman, laksa. :) Hindi ko alam kung ano 'yun, pero since nagsusubok naman kami ng bago na naman, kaya gow lang ako. :D

Margot.
Busy but happily making choices for the contents of her plain noodle soup. :)
Noodle type choices. :D
Next, pipili ng dalawa or tatlong klase ng toppings. Tig-dalawa ang kukunin for each topping na mapipili. Nakakaaliw silang tingnan, ang colorful. Karamihan sa kanila ay seafoods. From shrimps, crabs, lobsters. Meron ding mushrooms at tofu.
We both decided to have two toppings. Nakalimutan ko kung anong pinili ni Margot. Ako, crab rolls at lobster balls. :D Naisip ko kasi, magiging maganda tingnan sa noodles 'yung kulay. v^_^




Sana lang, merong signs para mas mabilis maidentify ng customers ang mga pagpipilian. Tanong kasi ako nang tanong kay ate eh. Hindi ko tuloy nalaman din lahat ng uri ng meron. Pati sa noodle types. Hindi ko alam kung ano 'yung napili ko, mukha lang kasing marami ang itsura niya kaya napili ko siya. :)) Pero si Margot, naitanong niya kung anong noodles na nakuha niya. Carrot noodles daw. :p

Ito ang buong view ng counter. :D
Drinks. Toppings na nakapatong sa crushed ice. Noodles. Baskets.
Our personal steaming bowl of noodles.
Served hot in a medyo heavy bowl na nakapatong sa kahoy.
My personal soup. :D Yey for the colors. :))
PHP145.00
Margot's creation. :D
PHP 135.00 (?)
Akala ko, wala na talagang ibang ilalagay kundi sabaw at 'yung napiling toppings.
So naaliw naman ako na may malaking petchay pa palang kasama. :D More colors! :))

Plus, dagdag sa variety ng texture. And nagbibigay ng feeling na healthy ang kinakain mo. HAHA.
Hinati rin sa dalawa 'yung bawat topping na napili;
It gives the impression na ang daming laman ng soup.
At kahit mukhang kaunti 'yung isang bundle ng noodles na kinuha ko kanina, aba,
compact lang pala kasi so marami rin pala siya.

Super filled ako after finishing the bowl. Mabuti na kahit seafoods siya ay hindi maalat. Medyo maanghang ang sa akin kasi nga laksa soup. Pero hindi naman 'yung tipong mala-jjampong na papawisan ka, tamang-tama lang talaga.

Gusto ko pang bumalik uli. :9


MOGU TREE NOODLE HOUSE
60-E Lilac Street (Beside ChinaBank)
Hacienda Heights, Marikina City
Tel. No.: (02) 738-6833
https://www.facebook.com/mogutreenoodlehouse