Kung ang Baler trip namin ay sandali lang naplano at nasakatuparan, itong Pangasinan trip naman, inabot ng ilang buwan. Haha. Marami kasing pagrereschedule na nangyari. Hindi kami nagkasundu-sundo kaagad kung saan pupunta talaga at kung kailan. In the end, kumuha kami ng voucher sa Metrodeal para rito. For six persons ang voucher na kinuha namin, pero lima lang kami na nakapunta. Biglang hindi pwede ‘yung isa naming kasama.
.Travel.
Nagpanic pa ako sa start kasi parang mali ang schedule ng Victory Liner bus na nakita ko. Kaya tuloy, around 12mn ay sumugod kami ni Edmund sa mga bus stations. Ayun mali nga, 3 am ang alam kong schedule, pero 4am ang sinasabi nila sa Cubao terminal.
Napunta nalang kami sa Five Star terminal. Kaso, kailangan naman dito ay magaabang kang mabuti. Kasi, every 45 mins daw ang dating ng bus. Minsan pa, sa may kalye lang sila sa EDSA hihinto, hindi papasok sa station. Pero ang galing, ang nakuha naming bus ay nasa station nakatambay. Tapos sakto na 3am umalis.
Good choice na rin na nag-ordinary bus kami. Kasi sa madaling araw ang byahe. Kahit sarado pa mga bintana, sobrang lamig pa rin.
Hindi pa rin kami umabot sa 9am na call time sana sa Villa Antolin. Haha. Nagutom na kasi kami pagdating sa Alaminos around 830am. Kaya naghanap muna kami ng kakainan.
Pagbaba palang namin ng bus, meron ng mga tricycle drivers na super persistent. As in. Merong isa, sinusundan kami kahit saan kami magpunta. Ang kulit. Sinabi na nga naming kakain lang muna kami.
After namin kumain, paglabas namin sa kainan, grabe, nandyan na siya agad. Hinintay niya talaga kaming makatapos kumain. :| Nakabuntot much talaga si kuya kahit tumawid-tawid na kami ng kalye.
Nagbunga naman ang kanyang pagka-persistent. Sa kanya rin kami sumakay. Napagkasya kaming lima sa tricycle. Tatlo sa loob, dalawang naka-backride.
Friendly ng sumalubong sa amin. As in. 'Yung pakiramdam na matagal mo na sila kakilala. Haha! Ganon kasi napansin kong pakikipagusap nila kay Reyna, 'yung pinsan ko na main contact nila. :)) Akala mo close friends agad. :D Pero ayos naman na rin ang ganon. :D
Room Inclusions:
2 double bed, 2 extra bed
Cable TV, air con, hot and cold shower
Cabinets and hangers, simple table
Food and drinks from outside are allowed
Pinahiram din kami ng extension, haha.
And eating utensils (mula plates to bowl to pitcher) nang magdala kami ng food namin for dinner. :D
And okay lang din sa kanila na mag-igib kami ng tubig mula sa dispenser nila. Hihi.
Picture muna while prepping for island hopping. :D |
Una kaming nagpunta sa Governor Island. Para siyang may rest house sa tuktok. Tapos may balcony style overlooking pa, ang sakit ngalang sa balat ng araw. Haha, arte. :))
.Marcos Island.
Against The Light |
May mini-cave rin sa bandang kanan ng island. |
Meron ditong super short trek paakyat sa isang overlooking at cave kung saan pwede kang tumalon at lumangoy-langoy.
Dito na rin kami inabutan ng lunch time. :) Pumili lang kami ng medyo lilim na part. Pinahiram din kami ni kuya bangkero ng plywood para magkaroon kami ng hapag na patag. Tandaan lang dapat na huwag magiiwan ng basura.
Snorkeling
Busog. :D |
Mas matapang ako ngayon magsnorkel kasi andiyan sina Edmund at Erlie. Alam kong hindi ako iiwan at may kakapitan ako kahit anong mangyari. Haha. Hindi pa ako mahihiyang maging burden sa kanila. :))
Pero, mas naging matapang ako nang malaman ko na may tali kaming kakapitan sa gitna ng katubigan! Wee. :D
Nang nasa kalagitnaan na ngalang kami ng tali, biglang may nagsting sa aking right binti. Akala ko, may matulis lang na bagay na tumutusok sa'kin from laylayan ng shorts ni Edmund. Baka may something sa velcro ng bulsa ng shorts niya tapos tumatama sa akin. Pero kapag kinakapa ko ang shorts niya, hindi naman masakit.
Sayang ngalang, sina Ate Dada at Reyna ay hindi sumama. :| Hindi nila nakita lahat mga nakita namin - giant clams na parang ayaw mo lapitan kasi baka lamunin ka, corals na colorful, fishes na hyper. May mga inaabot akong fish kaso ayaw lumapit. Haha.
(Gusto ko na ng underwater camera. T___T Pagipunan ko siguro, para next year meron na. :D Or underwater camera case kaya. Meron daw for Canon point and shoot cameras eh.)
.Quezon Island.
Tanaw-tanaw lang kami sa island na ito dahil hindi siya pwedeng puntahan sa ngayon. May mga ginagawa raw kasi. Maintenance things?
After namin magsnorkel, naghanap naman kami ng island na pwede kaming tumambay lang.
Scout Island ang nakita namin. Akala ko walang ibang tao, pero nagtataka ako kung bakit may bangka. Meron palang foreignor couple sa lilim.
Nakatingin sa pagdating namin, pakiramdam yata nila naiistorbo sila. :p Noong una, wala lang sa amin, dumiretso pa rin kami.
Kalaunan, hindi na rin masaya kasi nasa kanila talaga 'yung lilim. Mga takot kasi kami sa araw. :)) Nagtampisaw na lang kami malapit sa bangka.
Nagsuot ako ng life vest para makalayo nang onti. Hihi.
Ewan ko anong peg dito ni Reyna. Haha. |
.Children's Island.
Last island na aming pinagstaya-an. Mababaw ang tubig. Ang layo mo na sa pampang, hanggang bewang pa rin. Kaya yata "Children's" island ito. Hahahaha. Joke.
Dito yata pinakamaraming tao na nagtatampisaw, namamahinga, at kumakain. Malilim din kasi, hindi mainit.
As a result, parang dito rin pinakamakalat. :(
Dito yata pinakamaraming tao na nagtatampisaw, namamahinga, at kumakain. Malilim din kasi, hindi mainit.
As a result, parang dito rin pinakamakalat. :(
Against the light uli. Hehe, |
.Free Breakfast.
The next day, time to claim the free breakfast! :D Dahil anim ang binayaran naming vouchers, for six din ang breakfast namin. Pinagshare-an namin 'yung sixth, kinuha namin 'yung longganisa ng Pangasinan.
Okay naman, wala masyadong bawang taste kaya approve na rin sa akin. Kaso, mas maalat siya kesa sa normal na longganisa. :p
.Pasalubong Buying.
Hindi na kami masyadong lumayo para rito. May kalapit kasing souvenir shop ang Villa Antolin. Marami ka na pagpipilian. Mostly ang napamili namin ay tshirts, ref magnets at keychains. Pero bukod doon, meron pang ibang mga tinda - ukelele, mirrors, coin purse, decorations, summer dresses, etc.
Sa may centro naman, pinuntahan namin ang supplier ng longganisa ng Villa Antolin. May kaalatan siya kesa sa normal na mga longganisa. Gusto ko lang ipatikim kay mama. Haha. At least hindi tadtad ng ayaw na ayaw naming mga bawang. Haha.
(Sinabayan na lang namin ni mama ng kamatis para malessen 'yung kaalatan niya. :D)
After nito, nagpunta na kami sa Victory Liner terminal at sumakay ng bus pauwi. :)
Sa may centro naman, pinuntahan namin ang supplier ng longganisa ng Villa Antolin. May kaalatan siya kesa sa normal na mga longganisa. Gusto ko lang ipatikim kay mama. Haha. At least hindi tadtad ng ayaw na ayaw naming mga bawang. Haha.
(Sinabayan na lang namin ni mama ng kamatis para malessen 'yung kaalatan niya. :D)
After nito, nagpunta na kami sa Victory Liner terminal at sumakay ng bus pauwi. :)
As usual, sasabihin ko na naman na gusto ko pang bumalik. Haha. Paano kasi hindi namin napuntahan ang Quezon Island kasi sarado. May maintenance something yatang ginagawa. Mukhang malaki pa naman.
Atsaka, hindi talaga namin naranasan na magstay sa isang island para makapagswim-swim nang matagal. Karaniwan kasi marami na tao o wala na spot na maganda para makapagstay kami nang matagal (where spot na maganda means - hindi masyadong mataas ang tirik ng araw, clear waters, wala masyadong tao).
Pero konti pa yata ang mga tao noong nagpunta kami. Kasi hindi naman peak season.
---------------------------------
.EXPENSES.
Hundred Islands Getaway:2-Days/1-Night with Hotel, Breakfasts & Island Hopping starting at P1068 instead of P2280
- P1068 per person instead of P2280 (minimum of 6 persons)
- Inclusive of a 4-Hour Island-Hopping Tour of the Children’s Island, Governors Island and Quezon Island
Non-Aircon Bus Fare
From Five Star Cubao Station to Alaminos, Pangasinan: PHP300.00/pax
Aircon Bus Fare
From Alaminos, Pangasinan Victory Liner Station to Cubao Station: PHP393.00/pax
Tricycle from Centro to Villa Antolin (vice-versa): PHP70.00 to PHP75.00
(Note: May mandurugas na walang panukli kuno. PHP80.00 tuloy ang binayad yata namin.)
Additional for Island Hopping: PHP800.00 (Originally kasi, 3 islands lang nasa itinerary)
Islands Entrance Fee (one time only, i.e. already includes all islands to be visited): PHP20.00/pax
Snorkeling gears: PHP150.00/pax
Food Expenses for Lunch bought at Villa Antolin Restaurant (all of them are for sharing already):
Pancit Canton - PHP185.00
Lechon Kawali - PHP175.00
Fried Lapu-lapu - PHP300.00
2 Plain Rice - PHP120.00
---------------------------------