Saturday, January 19, 2013

Kada Meow At Giant Lantern Festival 2012

Due to Margot's intense desire to explore and experience various Philippine festivals with us, our first destination place came to be Pampanga's Giant Lantern Festival. Incidentally, this was also our barkada's first get together that's overnight. :D

I booked a room at Otel Apartelle. This was my first time to scour through the intimidating lists of possible places to stay at a particular place. During trips with my other set of friends, I just wait for the organizer to get the itinerary done. Then, I just pay the amount required from me. :p Therefore, I was really anxious on how I could find the best and the most affordable place to stay at. :p One big factor to consider is the proximity of the place from the event. I am expecting that the festival would last until very late at night and I wouldn't want us to stay too long outside just because we are still travelling back to our place. Luckily, Otel Apartelle is just one jeepney ride away from the venue of the festival. There's a jeepney terminal in front of SM Pampanga with a "Dolores" sign that goes to St. Jude Village. From the entrance of the village, Otel Apartelle is just a 5-8 minute walk away. d(^___^)b

We boarded the Victory Liner bus at Cubao terminal at past 11am. We arrived at SM Pampanga around 1pm, very hungry and looking for a place to eat our late lunch. Then, we checked-in at Otel Apartelle at 2pm and I was very happy to find that the room we got satisfied my barkada. :p While I was unlocking the door, I was seriously hoping that everything is just what they wanted the place to be. :p
Otel Apartelle
Our room's window is directly above the Otel Apartelle sign. Haha. :D

Sunday, January 6, 2013

Random: Pieces of Me

Pieces of me are scattered anywhere.. or anywho? Haha.
Ang ibig ko lang naman sabihin, narealize ko na ang buong ako ay nakakalat sa kung kani-kaninong tao depende sa kung anong alam nila tungkol sa akin. Walang isang taong nakakaalam ng buong kwento ng buhay ko. I guess true naman para sa lahat ng tao ito.


Una, andaming kwento ng mga magulang mo tungkol sa iyong childhood clumsiness, cuteness, ignorance, first schooling experiences, etc., etc.

Tapos paglaki mo, magkakaroon ka ng mga kaibigan. Marami kayong mga magiging kalokohan na tipong ililihim mo sa mga magulang mo. Nasagasaan ako ng motorsiklo noon. Buti na lang hindi malala pero nagkagalos ako sa siko. Ang sabi ko na lang sa mga kasama ko, sikreto lang. Hahahaha. At ang explanation ko sa mama ko, nabundol ako ng mga kalalakihang high school students at napasadsad sa may pader sa tabi ko 'yung braso ko. :)) Mapapagalitan kasi ako dahil naggagala pa ako imbes na umuwi na, ayan, nasagasaan tuloy. Buti hindi talaga grabe. So ayon, natuto tayong magsinungaling at magtago ng mga impormasyon sa mga magulang. Tapos, hanggang sa tumanda nang tumanda.

Nakabuo ka ng circle of friends noong elementary. May tatawagin ka pa ngang bestfriend eh. Andami-dami ninyong secrets pero pagdating ng high school malilimutan na minsan. Tapos may bagong mangyayari sa'yo sa high school na 'yung bagong set of friends mo lang din ang nakakaalam. Tapos ganon din mangyayari sa college. Mga kahihiyan, masasayang katatawanan, kadramahan, paghihirap, masasamang karanasan, kalihiman, etc.

Minsan sa bawat stage, may iba-iba kang image na gustong gawin. O hindi mo sinasadyang gawin, basta nabuo na lang 'yung image mo na 'yun. Na sa case ko, madalas, kailangan ko na lang panindigan. Na nagiging mahalaga na lang sa akin na at least may konting circle of people na nakakaalam ng iba pang forms ni Angelica Salvo Gomez. :))


In the end, pwedeng hindi mo na kilala kung sino ka talaga. Kakatago mo ng mga bagay-bagay. Dapat siya lang may alam, dapat sila lang may alam. O nagkataon sila lang talaga nakakaalam.

So ayun, parang watak-watak ka. :)) Parang para maging buo ka, lahat ng mga taong naka-engkwentro mo ay kailangang magsalaysay ng mga nalalaman nila tungkol sa'yo na hindi alam ng iba.


Pero what if I wanted to be whole? Kahit sa isang tao lang. Kasi parang it's really worth it.
Paano mo kaya sasabihin sa kanya ang lahat? 


credits to http://archive.foolz.us/a/thread/57801205/ for the image

Sunday, December 30, 2012

The Year 2012: Where The Magic Happened

And dahil wala akong kasipagan para magkwento pa, pinicture-an ko na lang ang mga pages sa planner-turned-diary ko. :D





Taylor Swift: Everything Has Changed

~All I know is you held the door
You'll be mine and I'll be yours
All I know since yesterday is everything has changed~ ♥
Everything Has Changed, Taylor Swift

Friday, December 28, 2012

Thinking What To Write


I realized I haven't been writing poems that much this year.



credits to http://myanimelist.net/forum/?topicid=288082&show=80 for the picture.

Thursday, December 20, 2012

Mockingjay by Suzanne Collins

Mockingjay (The Hunger Games, #3)Mockingjay by Suzanne Collins
My rating: 5 of 5 stars

Done reading The Hunger Games series for the second time. :)

I was reminded why Katniss chose Peeta.
I prefer Gale but I think, I can understand her better now. :p




That what I need to survive is not Gale's fire, kindled with rage and hatred. 
I have plenty of that myself.
What I need is the DANDELION IN THE SPRING.
The bright yellow that means REBIRTH instead of destruction.
THE PROMISE THAT LIFE CAN GO ON, NO MATTER HOW BAD OUR LOSSES.
THAT IT CAN BE GOOD AGAIN.
And only Peeta can give me that.

So after, when he whispers, 'You love me. Real or not real?'

I tell him, 'Real.'


View all my reviews

Saturday, December 1, 2012

Breezing Through Ilocos Region

Ito na ang pinakasiksik na trip ko dahil sa dami ng inikutan namin sa loob lang ng dalawang araw. Gabi kasi ng Thursday ang flight namin [ang cool ngapala, kasi 'yung plane namin ngayon ay walang mga elesi. :))] at almost 12mn na kami nakarating sa bahay na tinuluyan namin. Nakakapagod at nakakaubos ng energy ang mataas na tirik ng araw habang nagiikot kami pero buti na lang may sasakyan kami at hindi nagcocommute at sulit ang bawat mga napuntahan namin. v^___^
Currimao Rock Formation
Ito ang una naming pinuntahan matapos ang masarap at nakakabusog na agahan. Hindi ko alam kung anong ieexpect so hindi ko alam kung anong tamang reaksyon nang makita ko na ang lugar. Haha. Ni imagination nga sa magiging itsura ng lugar ay hindi ko nagawa. So parang tinanggap ko na lang ang nakita ko. 'Yung rock formation, ang galing, in intervals na parang mga malalaking harang na katulad ng makikita sa tuktok ng tower. Amazing din na kahit nagsusumigaw si haring araw eh may malamig na hangin na umiihip kapag pumasok ka sa singit-singit ng mga bato. :D Sumilong nga kami for a while sa ilalim ng isang bato. :p Nagtampisaw rin kami nang kaunti pero hindi kami nakalayo dahil ang rough din ng mga bato at mahirap mangapa ng tatapakan mo para hindi ka matalisod at masugatan.
Paoay Church
And then, pakiramdam ko natransport ako sa ibang bansa pagdating namin sa Paoay Church. :O Ang ganda kasi, parang may well-maintained grassland + flowers sa harapan nito na sa entrances lang ng mga castles ko naiimagine na makita. Courtyard-looking ba. Ordinaryong mga puting bougainvillea lang ang mga 'yan na hindi ko naman binibigyan ng masyadong paghanga at pansin talaga. Pero parang ibang species ng bulaklak na sila nang pagsama-samahin na sa ganiyang arrangement at sakto pa na blooming silang lahat kaya nakuha nila ang attention ko. :D Sayang ngalang at sarado ang simbahan kaya hindi kami nakapasok. Basking in the sun tuloy ang drama namin habang nagpipicture-picture sa labas. :D


Next, we headed sa place kung saan ilan sa mga alaala ni former president Ferdinand Marcos ay nakalagak, including his preserved remains. Ipinagbabawal ang pagkuha ng litrato sa loob ng mausoleum niya.

Overwhelming na nakita ko na ng personal si Marcos. Sa mga kwento lang ng mga magulang at sa libro ko lang siya nakilala. Sa mga lumang videos sa TV ko lang din siya nakitang may buhay.

Nakasummarize sa museum ang pamumuno niya bilang presidente ng Pilipinas, pati actually ang soft side niya ay nakadisplay. Sweet din naman pala siyang kasintahan at asawa kay Imelda.



Sample ng ka-sweetan ni Marcos. :D
Wala pa namang lunch pero pagkatapos ng paglibot sa Marcos Museum, napagsyahan namin na kumain muna. Empanada at miki ng Batac. :D 
Noon lang ako nakakain ng empanada ng Ilocos. May mga choices ng filling, pero karaniwan na may gulay siya. Pwedeng ketchup o suka ang ilagay sa kanya. Bilang nasa Ilocos kami, sukang Iloko ang meron sila. Hindi ako sanay sa lasa ng suka at naalala ko, may nagbigay sa amin ng ganoon dati at hindi siya masyadong popular sa bahay. Haha. Laking Datu Puti suka talaga ako. XD Okay naman ang lasa ng empanada, pero dahil yata sa sobrang init niya nang una kong kagatin kaya hindi ko masyadong naappreciate. At nabanggit din kasi sa akin na mas masarap daw ang empanada ng Vigan.

Pero wala akong masabing masama tungkol sa miki. :9 Super sarap at malasa siya. Thick ang sabaw. Nakakabusog at hindi nakakaumay ung matatabang noodles. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakakain ako ng miki, pero karaniwan napipilitan akong ubusin na lang ang mga kinakain ko kasi nauumay na ako sa noodles. Pero ito, ewan ko lang kung gutom na rin kasi ako, eh naubos ko talaga hanggang sa huling patak. Ang dami ng serving din niya para sa halagang PHP25.00. :D Hindi ko alam kung paano uli ako makakain nito rito sa Manila. >.<