Ito na ang pinakasiksik na trip ko dahil sa dami ng inikutan namin sa loob lang ng dalawang araw. Gabi kasi ng Thursday ang flight namin [ang cool ngapala, kasi 'yung plane namin ngayon ay walang mga elesi. :))] at almost 12mn na kami nakarating sa bahay na tinuluyan namin. Nakakapagod at nakakaubos ng energy ang mataas na tirik ng araw habang nagiikot kami pero buti na lang may sasakyan kami at hindi nagcocommute at sulit ang bawat mga napuntahan namin. v^___^
|
Currimao Rock Formation |
Ito ang una naming pinuntahan matapos ang masarap at nakakabusog na agahan. Hindi ko alam kung anong ieexpect so hindi ko alam kung anong tamang reaksyon nang makita ko na ang lugar. Haha. Ni imagination nga sa magiging itsura ng lugar ay hindi ko nagawa. So parang tinanggap ko na lang ang nakita ko. 'Yung rock formation, ang galing, in intervals na parang mga malalaking harang na katulad ng makikita sa tuktok ng tower. Amazing din na kahit nagsusumigaw si haring araw eh may malamig na hangin na umiihip kapag pumasok ka sa singit-singit ng mga bato. :D Sumilong nga kami for a while sa ilalim ng isang bato. :p Nagtampisaw rin kami nang kaunti pero hindi kami nakalayo dahil ang rough din ng mga bato at mahirap mangapa ng tatapakan mo para hindi ka matalisod at masugatan.
|
Paoay Church |
And then, pakiramdam ko natransport ako sa ibang bansa pagdating namin sa Paoay Church. :O Ang ganda kasi, parang may well-maintained grassland + flowers sa harapan nito na sa entrances lang ng mga castles ko naiimagine na makita. Courtyard-looking ba. Ordinaryong mga puting bougainvillea lang ang mga 'yan na hindi ko naman binibigyan ng masyadong paghanga at pansin talaga. Pero parang ibang species ng bulaklak na sila nang pagsama-samahin na sa ganiyang arrangement at sakto pa na blooming silang lahat kaya nakuha nila ang attention ko. :D Sayang ngalang at sarado ang simbahan kaya hindi kami nakapasok. Basking in the sun tuloy ang drama namin habang nagpipicture-picture sa labas. :D
Next, we headed sa place kung saan ilan sa mga alaala ni former president Ferdinand Marcos ay nakalagak, including his preserved remains. Ipinagbabawal ang pagkuha ng litrato sa loob ng mausoleum niya.
Overwhelming na nakita ko na ng personal si Marcos. Sa mga kwento lang ng mga magulang at sa libro ko lang siya nakilala. Sa mga lumang videos sa TV ko lang din siya nakitang may buhay.
Nakasummarize sa museum ang pamumuno niya bilang presidente ng Pilipinas, pati actually ang soft side niya ay nakadisplay. Sweet din naman pala siyang kasintahan at asawa kay Imelda.
|
Sample ng ka-sweetan ni Marcos. :D |
Wala pa namang lunch pero pagkatapos ng paglibot sa Marcos Museum, napagsyahan namin na kumain muna. Empanada at miki ng Batac. :D
Noon lang ako nakakain ng empanada ng Ilocos. May mga choices ng filling, pero karaniwan na may gulay siya. Pwedeng ketchup o suka ang ilagay sa kanya. Bilang nasa Ilocos kami, sukang Iloko ang meron sila. Hindi ako sanay sa lasa ng suka at naalala ko, may nagbigay sa amin ng ganoon dati at hindi siya masyadong popular sa bahay. Haha. Laking Datu Puti suka talaga ako. XD Okay naman ang lasa ng empanada, pero dahil yata sa sobrang init niya nang una kong kagatin kaya hindi ko masyadong naappreciate. At nabanggit din kasi sa akin na mas masarap daw ang empanada ng Vigan.
Pero wala akong masabing masama tungkol sa miki. :9 Super sarap at malasa siya. Thick ang sabaw. Nakakabusog at hindi nakakaumay ung matatabang noodles. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakakain ako ng miki, pero karaniwan napipilitan akong ubusin na lang ang mga kinakain ko kasi nauumay na ako sa noodles. Pero ito, ewan ko lang kung gutom na rin kasi ako, eh naubos ko talaga hanggang sa huling patak. Ang dami ng serving din niya para sa halagang PHP25.00. :D Hindi ko alam kung paano uli ako makakain nito rito sa Manila. >.<
|
Sinking Bell Tower |
Matapos mabusog, idinaan naman kaming sunod sa Sinking Bell Tower. Centuries old na siya kasi ipinagawa siya ng mga paring Agustino noong 1612. It stood tall at 45 meters, pero ngayon, kailangan mo na mag-stoop kung sakaling tatangkain mong pasukin ang loob nito.
|
Ilang Exhibit Items sa Museum na Hindi ko Maalala ang Pangalan. :p |
Tapos, wala naman talaga sa plano namin pero dahil natatandaan ni Au kung nasaan, shinare na rin niya sa amin ang museum na minsan na niyang napuntahan. Parang mga props sa isang Spanish period Philippines movie ang mga gamit na nakalagay roon. Hindi ko alam paano sila talaga lahat nabuhay during that time. Lahat manual - pagluluto, paglalaba, pananahi, pamamalantsa, pagligo, paglilinis ng bahay, etc. Tapos, ang dami na ngang automatic sa panahon ngayon, pero napakarami pa ring tamad. Well, guilty ako roon. :p
|
Fort Ilocandia |
Next, nagtungo kami sa Fort Ilocandia. :D Uber ganda rin ng place. Hindi ko nga akalaing papayagan kaming mag-roam around at magpicture-picture kahit na hindi naman kami uupa ng kwarto. :)) Talagang tumambay pa kami sa mga hallway at naupo sa mga sofa nila. :D Restricted kami sa pwedeng mga puntahan pero at least napasok namin at nagkaroon kami ng place para makapagpahinga. :) One day, parang ang sarap magstay rito. Pero hindi talaga ako fan ng mamahaling kwarto kapag may trips dahil malamang naman na lalagyan lang siya ng gamit sa umaga kasi nagiikot ka, tapos tutulugan mo lang sa gabi. XD Pero why not kung marami ka namang pang-splurge. :D
|
Malacañang of the North |
|
Sa Loob ng Malacañang of the North |
Muntik na naming katamarang ang pagpunta sa Malacañang of the North. Pero buti na lang tumuloy talaga kami. Sobrang napagod lang talaga kami at parang ang sarap na lang humilata sana sa sofa ng Fort Ilocandia. Pero nabuhayan uli kami nang makapasok na kami sa uber spacious Malacañang of the North. :D Kay Marcos pala ito. Meron siyang grand staircase, typical sa mayayamang pamilya kung saan maiimagine mong bumababa ang babaeng ipapakila sa mga guests sa isang pagtitipon. Ang luwag-luwag niya super, may ballroom pa. May creepy bathroom din na may malaking bath tub at dressing room. Pati dining table, engrande. Parang setting ng El Filibusterismo ang drama. Nakikita kong nagrereklamo si Padre Damaso over his tinolang manok sa pagtitipon na ginanap para sa pagbabalik ni Simoun. :p
|
Highlight of the Day: Paoay Sand Dunes |
Finally! Paoay Sand Dunes! :D Literal na "Sand. Sand everywhere.." ang masasabi mo pagkakita mo sa lugar. Haha. Pakiramdam ko mas malawak pa sa dagat 'yung sand. :)) Dito ang setting ng pelikulang Temptation Island. :)
Sumakay kami sa 4x4, kinakabahan pa ako noong una kasi nakatayo lang dapat at walang safety items na nakakabit sa'yo. Tapos nang nasa may mga paglusong na kami sa mula sa mataas na bahagi ng sand, nawala 'yung thrill. :)) Ang bagal lang naman kasi. Akala ko mabilis na pagbulusok ang gagawin ng nagdadrive. XD Pero, nang pabalik na kami, napagtripan ni kuya driver na ibigay ang hinahanap namin. Sa isang mala-valley na parte ng sand, nagmala-rollercoaster ride kami. Super bulusok pababa at walang kapreno-prenong ini-akyat uli ni kuya driver ang sasakyan! Sobrang hindi kami prepared at napaupo na lang kami mula sa mga kinatatayuan namin. Alam ninyo 'yung graph ng waves?
Parang ganito:
Isang wavelength lang ang dinaanan namin pero super taas ng magkabilang crests. :))
Pero bago namin naranasan 'yan, nag-sandboarding muna kami. :D Takot ako sa mga rides at matataas na lugar. Kailangan pa akong pilitin kung sakaling may gagawing activity involving rides at heights. Pero this time, hindi ko alam saan ko nakuha ang tapang na magkusang sumubok sa kanya. Nakakatuwa na nakakachallenge na nakakapagod siya. :D
Nagawa naman namin na mag-sandboard gracefully after several attempts. :D Hindi masakit o nakakasugat ang sand kung sakaling sesemplang ka sa kanya [well, ewan ko lang kung anong feeling kung pasubsob kang bumagsak at 'yung mukha mo ay lumagapak sa sand :))))]. I would've done this over and over again within the allotted time kung hindi lang limited ang sandboard at kung hindi lang excruciating para sa aking walang exercise na katawan ang pagpanhik muli pagkatapos mong bumaba. :p
Finally, naabutan namin ang sunset. :D Naka-schedule talaga sa hapon ang sandboarding namin para maabangan namin ang magandang sunset. :D
|
Ito na so far ang pinaka-breathtaking na shot ko sa sunset. :D Ang ganda ng gradient ng mga colors sa sky. :3 At kapag nandoon ka sa mismong lugar, mapapatitig ka na lang sa kanya kahit nasisilaw ka. Haha. [Walang edits akong ginawa diyan bukod sa paglalagay ng watermark. :)] |
Pagbalik namin sa bahay, naghilamos at nag-freshen up muna kami. Pagkatapos ng dinner na ubod na naman sa pagka-satisfying at sarap, amazing na may energy pa kami para mag-Heritage Village. :D Iniangkas lang kami sa mga motor. Sayang ngalang at madilim na sa lugar at wala ng battery ang camera ko. :p Ang cool, kasi para siyang living museum. Pero sarado na ang karamihan sa mga bahay-bahay/establishments dahil nga gabi na. May mangilan-ngilan lang na pasalubong store na bukas so namili na rin kami. May isang restaurant din sa bungad na bukas pa rin kasi mukhang hinintay talaga nila si Gov. Chavit Singson dahil pagbalik namin, nakita na namin siyang nakaupo sa kabisera ng isang mahabang table at nagdidnner. Naaliw rin ako sa daanan kasi brickroad. Tapos nakakatawa lang kapag may mga signages na modern, ang out of place lang nila. Haha. :D
The following day, ang last day namin, gumising kami muli nang maaga para maexperience ang dagat kahit sa loob lang ng isang oras. Buti na lang sobrang lapit lang niya sa bahay na tinuluyan namin. :D
Parang napaka-kalmado niya sa kuha ko pero sa katotohanan, nanghahampas talaga 'yung mga alon niya. Similar sa artificial waves na ginagawa sa mga resorts like Club Manila East. :p Matatangay ka talaga papuntang pampang. :p Natuto na rin ako sa wakas mag-float, salamat sa matyagang pagtuturo ni Edmund. Pero still, hindi ko pa rin kaya ang walang hawakan o 'yung hindi ako hinahawakan. :p
At ang aming last stop bago magpaalam nang tuluyan sa Ilocos - Baluarte. Ito ay napakalaking zoo na pagmamay-ari ni Gov.Chavit Singson. Ayokong nagpupunta sa zoo talaga kasi nalulungkot ako kapag nakikita kong naka-cage ang mga hayop. Pero buti na lang hindi masyadong marami ang cages/kulungan dito. May mga hayop pa ngang malayang nakakagala.
Ang cool din sa butterfly house. Nakakita kami ng live na paglabas ng butterfly mula sa cocoon niya. :D Kapag pala bagong labas sila, mahina pa pala sila. Nagpapahinga muna. Paunti-unting step muna. Ang mga pakpak nila, lukut-lukot pa. Mga ilang minuto bago pa sila makakalipad talaga bilang mga paruparo. Mali pala 'yung mga nasa cartoons na pagkalabas sa cocoon eh nagsspread na agad ng wings tapos lumilipad na agad. Haha.
|
Dick. The Misunderstood Tiger. :)) |
Pinaka-nagtagal kami sa mga tigers na sina Dick at Kiara. Hindi sila visible actually sa karamihan ng mga visitors ng Baluarte kasi nasa tuktok sila ng lugar at nakatago ang kulungan nila. I guess nagpapahinga sila. Ang sarap nila sanang yakapin kung wala lang sanang danger na baka kainin ka nila. XD Puno nga ng tensyon ang pagcapture sa picture na ito. Pero nang dumating si kuya na isa sa mga nagaalaga sa kanila, sinubukan niya kaming pakalmahin at pahawakin sa kanila. Ang kyot ni Dick kapag nanlalambing siya kay kuya. Pero kahit mukha na siyang maamo, with trembling hands pa rin akong sumubok na hawakan siya. Actually, fingertip ko nga lang ang pinaghawak ko sa kanya. Haha. Gusto ko ng tiger. XD
|
Pasalubong from Marsha's Delicacies |
On the way sa airport, idinaan muna kami sa Marsha's Delicacies. :) Dito ako namili ng karagdagang pasalubong for officemates and family. Sampung packs ng chichacorn at isang small box ng bibingka. :D Masaya ako kasi maraming natira sa bahay na chichacorn. Bwahaha. Paborito ko kasi sila. At 'yung bibingka, talagang tinipid-tipid pa namin kasi ang sarap din niya. :D Sana pala 'yung malaking box na ang binili ko. :p Hindi na kami nakapaglunch kasi tulog na tulog kami sa sasakyan habang papunta sa airport. Hindi na kami ginising siguro. :p
Parang ang bilis ng mga pangyayari sa bakasyong ito. Pero masaya naman kasi ang daming nasuyod. Maswerte pa kami dahil may tinuluyan kaming bahay at talagang ipinagluluto kami ng agahan, tanghalian, at hapunan. Super maraming salamat po! :D Sa uulitin. Hihi.
|
Table of Expenses for Ilocos Tour. Hindi ko na maalala kung magkano ang baggage fee sa Cebu Pacific. :p |
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteEto na yung comment ko na naremove dahil akala ko nadoble:
ReplyDeleteCongrats! Naalala mo yung pangalan nung isang kasama ni Dick =P Nakalimutan ko kasi hahaha
Hahaha! :)
ReplyDeleteAng kulet, 'yan pala 'yun. At doble na naman siya. :D
Weird ni blogger ah. :p