Gusto kong gumawa ng blog post pero wala akong maisip kung anong dapat na laman.
Pero kung tutuusin, marami akong pending blog posts. :p Wala pa lang talaga akong time at drive na magsimulang mag-recall ng mga bagay-bagay. Ang bagal-bagal ko pa magisip kung anong ilalagay sa post. O kung minsan naman sobrang dami ko nasasabi at tumatagal ako kakahanap at kakaedit ng angkop na picture para sa post na 'yun. :p
[Nov. 30, 2012 UPDATE: Wala pa rin akong nagagawang bagong blog post. Obviously. :p]
Sana matapos ko na silang lahat. Maguupdate pa ngapala ako ng planner. Katatapos lang ng aming Ilocos Sur trip at bukod sa nadagdagan ang aking pending blog posts, kailangang maupdate rin ang planner ko. 'Yung planner ko kasi, imbes na mga schedules or future plans ang mga nakalagay, pati mga nangyari sa akin nirerecord ko. Nakakaasar na rin minsan ang kaartehan ko sa pagupdate niya kasi minsan, nagkakaroon ng time na hindi na ako maka-keep up. :p Kailangan kasi makulay, may stickers, may mga nakadikit na memorabilia, doodles, etc. Kaya nananaba ang planner ko eh.
[Nov. 30, 2012 UPDATE: Okay naman ang planner. One week delayed na naman. Haha. Later na lang uli siguro. :p]
Tapos bukas, maguupdate naman ako ng dummy user interface code ng current project namin kasi nagkaroon ng medyo major design change sa back end ng application - magiiba ang structure ng return values na ibabalik. Kailangang baguhin ang return value manipulations na natapos na sana. Oh well, sana madali lang kahit marami-rami. Bukas ko pa lang din malalaman ang bagong return structure.
[Nov. 30, 2012 UPDATE: Success naman ang updates ko sa dummy UI ng project namin. Nagkaroon lang ng konting kumplikasyon kasi may something sa threading at httpexception. Somehow depressing, kasi kahit alam kong ginawa lang ang UI na 'yun para may pantest ng talaga naming project (dahil may sariling UI daw ang customer), sa akin pa rin attributed ang bug/s.]
Tapos, kailangan ko rin ngapalang i-update ang listahan ko ng mga gastos. 'Yung nasa Google drive ko. Naisulat ko naman na sila sa papel, so hopefully kokopyahin ko na lang. Kinailangan ko kasi ang listahan na 'yun para makontrol ang gastos ko buwan-buwan. Kapag parang maabot ko na ang limit ng gastos for the month ('yung limit ay naseset depende sa pakiramdam ko kapag nakita ko na ang total na gastos ko so far for that month.. usually around PHP5000 to PHP6000. :p), pinipilit ko na magtipid.
[Nov. 30, 2012 UPDATE: Okay na. v ^_^]
Tapos, kailangan ko ring mapanood na ang latest episode ng Sword Art Online. Nadownload ko na ang latest episode, pero for some reason, hindi ko pa mapanood. :)) Para kasing wala masyadong aksyon lately ang season 2. >.< Hindi na ako mahook-hook sa kanya, hindi katulad ng ginawa sa akin ng season 1 episodes.
[Nov. 30, 2012 UPDATE: Napanood ko na! :D At okay siya kasi may action. Pero may bago na namang episode at wala pa akong kopya kasi ang bagal much ng net connection. Maybe laters.]
Then, hindi pa rin tapos magupload ang mga Ilocos pictures ko sa Dropbox. -.- Ang bagal kasi ng net connection ko. Napuputul-putol pa minsan ang upload. Sa kasalukuyan, 54 minutes left daw bago matapos ang upload.
[Nov. 30, 2012 UPDATE: Okay na rin ito. v^_^ Super laki lang talaga ng resolution ng pictures ko kaya uber bagal ng upload. :p]
Sana matapos ko silang lahat. :p -.-
No comments:
Post a Comment