Hindi ko maintindihan kung bakit kapag wala akong pera, marami akong gustong bilhin.
Kapag naman nagkapera na, hindi ko na mabili ang mga gusto kong bilhin. Nagi-guilty kasi ako na bumili ng mga bagay para sa akin. Bigla kong naiisip na may mga mas importanteng bagay pa na dapat paglaanan ng kinita kong salapi. Haha. So kailan ko pa kaya mabibili ang mga gusto kong bilhin? Ang hirap naman kapag laging gipit. Laging nagtitipid. >.<
Pero kung iisipin, maswerte pa rin kasi nakakapagbayad kami ng mga utang. At ang bahay namin ay gawa sa semento. Hindi katulad ng mga nasasalubong kong nanlilimos at nakikita kong mga bahay na tagpi-tagpi. Ayoko talaga silang makita. Nakakapunit ng puso. >.< Kasi, pagkatapos ko silang makita, masasalubong at makakasalamuha ko rin ang mga taong laging may pera. At makikita ko rin ang mga bahay nilang mansyon sa laki at itsura. Ang dami pang kotse sa garahe. >.< Tinatanong ko tuloy bakit ganun.
Pero, paano ba nagkakaroon ng mayaman kung walang mahirap 'di ba? Hindi mo naman malalaman na mayaman ka kapag wala kang konsepto ng mahirap. Haha. Basta magulo. Basta, parang ang sagot sa tanong na bakit ganun ay, kasi ganun talaga.
"the weak ones are there to justify the strong" - ika nga ni marilyn manson sa kanta niyang 'The Beautiful People' ... malungkot pero totoo. =)
ReplyDelete