Sunday, June 13, 2010

Pizza Crust

I just had my 'sweldo-kasi-kaya-bibili-ako-ng-pasalubong' feeling. :) Buti na lang, tatlo lang kami sa bahay. (Apat, kung isasama si Muning. =p ) Kaya hindi kailangang maraming pagkain ang bilhin ko. So, I decided na isang family sized Pizza Hut ang iuwi ko. Super Supreme. :)

Bilang isang batang mahilig magmasid at matulala sa paligid, hindi naman ako nainip sa paghihintay ng order ko.  Naaamuse pa nga ako sa mga nakikita ko.  Nakakatuwa na katabi ko ay isang tatay na nagbabantay sa baby niya.  Inaayusan niya ng diaper, pinupusan ng luha kapag umiiyak.  Tinuturuan niya ng tama at mali.  Hinampas kasi ako bigla, kaya nagsorry sa akin at sinabi sa bata na masama 'yun. Naisip ko lang, bakit hindi lahat ng tatay ganun.

Tapos, dumating na ang isa pa niyang anak, galing na rin yata sa pagiikot sa mall.  Dumating na rin 'yung nanay, galing sa pagwiwithdraw.  Tinanong niya 'yung anak kung nilibre daw ba niya sa Starbucks 'yung kasama niya. Sabi nung anak, hindi raw. One thousand na lang daw kasi 'yung pera niya. Woww. Naramdaman kong lumuwa 'yung mga mata ko sa gulat. When I was her age, never kong nasabi 'yun. By the time siguro na college na siya, ang allowance na niya ay katumbas na ng half-month regular salary ko. Exag. =p Oh well.

Seven-thirty na pala. Tumayo na ako at tinanong si ate sa counter. Andun na pala 'yung order ko, medyo matagal na. Haha. So ayun, pinack na niya.  Ang pleasant, pleasant ng mukha niya kahit nahihirapan na siya sa pagputol ng tali gamit ang kanyang kamay.  Kasi naman, bakit walang gunting. After nun sinabihan niya pa akong i-enjoy ko raw ang pizza at bumalik ako uli.  Kung babalik ako, pramis, magdadala akong gunting, ibibigay ko sa'yo, ate.

Pag-uwi ko. Nagulat si mama sa bitbit ko. :))

Pagkuha ko ng isang slice, I reminded myself na magsimulang kumain mula sa crust hanggang sa tip ng pizza slice.  Lagi kong ginagawa 'yun kapag kumakain ng pizza. Kasi kung sisimulan ko sa tip, pagdating ko sa crust, baka ayawan ko na, wala na kasing lasa at puro mantika.  Sayang naman.  Nakakita na rin ako ng mga pizza crust na hindi kinakaen, at nakatambak lang sila sa sulok ng pizza box o sa ibabaw ng tissue.  Sayang.  Pero hindi naman ako against sa mga taong gumagawa nun.  Hindi lang talaga ako ganun, kasi pakiramdam ko, bawat piso dapat sulitin ko, hindi araw-araw kayang bumili ng pizza ng mga taong tulad ko.

Naiisip ko rin kasi, parang life ko ang isang slice ng pizza na kinakain mula sa crust.  Magsisimula sa crust na walang-wala pero bandang huli, magkakalaman at sasagana sa toppings.  :)  Kailangan, pagtyagaan muna ang parte ng buhay na walang makain, walang gamit, wala nang maisuot, etc.  Tapos, saka palang mararanasan at therefore, mas maeenjoy sa future ang pinaghirapang masaganang buhay. :)


Yes.. narealize ko lang, pwede nang pam-Pizza Hut commercial.  Ate, don't worry, naenjoy ko ang pizza, naenjoy ko ang life. :)

No comments:

Post a Comment