At sa pagpapatuloy ng aking loooong overdue Coron posts, nais ko namang i-share ang mga memorable na pagkain na aming pinagsaluhan. :D
Para sa aming dinner matapos ang
pag-akyat sa Mt. Tapyas at
paglublob sa Maquinit hotspring, hinatid kami ng inupahan naming tricycle sa Macario's. :)
Adobong pusit ang ipinalit namin sa kini-crave naming grilled squid. :9
Naghahati-hati kaming siyam sa apat na pirasong buttered shrimp. :))
At nalunod sa napakaraming sabaw ng bulalo. Super laki rin 'nung buto niya. :O
Nag-offer sa amin ang Macario's ng free delivery para sa aming breakfast kinabukasan kaya sinamantala na namin. Danggitsilog ang kinuha ko, siyempre, para masubukan ko na ang danggit sa Coron. Grabe, sarap ng breakfast ko. :D Ang daming danggit, bitin sa kanin. :9
Isang masaganang tanghalian ang inihanda para sa amin sa Malcapuya Island. :D
Nalimutan ko na ang pangalan ng dalawang grilled fish. -.- Uber enjoy ang pagtatalop ng crab. Mayroon palang proseso ang pagkain noon according kay Au. :o Ang ginagawa ko lang kasi ay pinupukpok, kinakagat-kagat hanggang makuha ko ang laman. Hehe.
Para sa aming veggies, isang bandehadong eggplant salad. -.- Hindi ako mahilig sa eggplant; kinakain ko lang ang eggplant kapag pinirito. So sadly, hindi ako kumain nito. Pero ang galing, noon ko lang nalaman na may eggplant salad pala, ngayon lang ako nakakita ng ganiyang klaseng luto sa eggplant.
Then, biglang may fried chicken. Haha. Ang out of place niya talaga. Inuna ko nga siyang kainin kasi parang kakaiba na sa pakiramdam kapag sa kalagitnaan. Kapag naman sa huli kinain, maiiwan sa panlasa 'yung lasa ng fried chicken. :p Wala lang din, parang nasa isla kasi ako, so, parang mas okay na seafood ang mga kinakain. :))
'Yung saging kinain nalang namin nung meryenda na. :)
Kahit wala pa rin ang aming inaasam-asam na grilled squid, masarap pa rin naman and enjoy much ang pagkain. Sobrang laking ng setup ng lunch namin from last year. Ngayon kasi, may matino na kaming hapag-kainan. Last year, sa may bangka lang kami at isang medyo malapad na plywood lang ang table namin. Wala pang utensils. :))