Sunday, August 26, 2012

CORON: Maquinit Hotspring

Matapos ang aming super sweat-inducing at muscle-aching activity na pagpanhik panaog sa Mt. Tapyas, nagpahatid kami sa tricycle patungo sa Maquinit Hotspring. :) Sabi ni Brando ('yung batang naging photographer namin sa Mt.Tapyas) mapapawi raw ang mga sakit ng katawan namin sa hotspring na 'yun. True enough, nawala nga talaga ang sakit ng mga binti ko. *thumbs up*

Habang nasa tricycle, napansin namin na minsan napaka-lubak ng kalye. Hindi kasi lahat sementado pa. Nagkwento 'yung tricycle driver namin tungkol dito. Sa naalala ko, ang sabi niya, gusto sana na pasementuhan talaga ng gobyerno (local siguro) 'yung kalye na papunta sa Maquinit Hotspring. Pero magbabayad ang Maquinit Hotspring ng parte sa pagpapasemento ng kalye tutal sila rin naman kasi ang makikinabang. Mas mapapadali na ang pagpunta ng mga guests sa lugar nila. Kaya nga lang, ang gusto ng management ng Maquinit Hotspring na sila ang bayaran kasi parang right of way raw nila 'yung kalye, so parang sila ang nate-trespass or something. XD Kung may mali man sa sinabi ko, sorry na lang. Parang ganoon lang kasi 'yun naalala ko sa kwento ni kuya tricycle driver. Isa pa, medyo hindi ko marinig lahat ng detalye sa mga sinasabi niya dahil siyempre, medyo maingay ang motor habang nasa byahe.

Pagdating sa hotspring, nagpalit kami ng mga damit at lumusong na sa kumukulong tubig. Pramis, mga pagbula na lang ang kulang at magiging kapanipaniwala na talaga ang description kong "kumukulo" ang tubig.


Ayan kami sa gilid habang hinihintay na mag-adjust ang body temperature namin sa init ng tubig.
Akala ko mataas ang tolerance ko sa maiinit na bagay, pero hindi rin pala. XD Ang tagal bago nailubog ang buong katawan ko sa tubig ng hotspring na 'yun! Una, paa muna. Tapos tampisaw-tampisaw. Tapos binti... tapos hita.. tapos waist.. then tyan.. (sobrang sakit sa tyan.. XD ), then dibdib.. tapos leeg.. kasabay na rin mga braso. Pero grabe, parang parusa habang palubog nang palubog. Mahapdi na masakit. >.< Mga limang minuto for each sector ng katawan ko. So naiwan na ako ng mga kasama ko, kasi sila nakapaglubluob na agad. :( Nang medyo nakakalakad na ako sa malayu-layong parte, sinubukan ilubog ang ulo ko. SHEMAX lang talaga. Hindi ko na inulit. XD




Ang creepy ng picture na ito.
Parang may lumulutang na ulo sa bandang kanan, sa pagitan nila Alyssa at Jomai.

Nagpunta rin kami sa parang falls na parte ng hotspring. Napaka-misty. Sarap sa likod ng bagsak ng mainit na tubig. :D 
Unfortunately, habang nagrerelax kami sa falls na 'yun, biglang umulan. Medyo malakas na ambon. Kaya ang sakit sa ulo bigla. Kasi biglang may malamig na tubig na bumabagsak sa mga ulo namin. Tsk. Kaya mayamaya lang, tutal gabi na rin naman, nagdecide na kaming umahon at maghapunan. :)



*Ang lahat ng larawan sa post na ito ay kinuha ko mula kay Alyssa. Hehe. Salamat! :D






  • ~CORON: Patungo at Pauwi
  • ~CORON: Akyat sa Mt. Tapyas
  • ~CORON: Maquinit Hotspring
  • ~CORON: Mga Lawa at Isla
  • ~CORON: Mga Pagkain! :9
  • ~CORON: Paglilibot sa Bayan
  • ~CORON: Kung Anu-anong Mga Bagay
  • 2 comments:

    1. Kelan ka kaya matatapos sa posts mo? Haha. Baka abutan ka pa ng ilocos trip natin.

      ReplyDelete
      Replies
      1. Wala man lang kinalaman sa post ko 'yung comment mo. :p

        Bahala na. Hehe.

        Delete