Sunday, August 12, 2012

CORON: Patungo at Pauwi

At para sa taong ito (2012), sa halos kaparehong araw ng aming Caramoan getaway, napagpasiyahan naman namin na magtungo sa Coron, Palawan. :D At masaya pa rito, nadagdagan kami. Siyam kaming lahat - Au, Al, Kyle, Guillard, Jomai, Mich, Ate Cere, Ate Ana.

Salamat na magmuli sa Cebu Pacific Seat Sale for making this trip happen. *thumbs up*

.=.PATUNGO.=.
Sinundo ako sa bahay at hinatid ako sa airport ni Edmund. <3 Grabe wala na naman siyang tulog. At siya pa nagbuhat ng mabigat kong bagahe. :p

Sa byahe naming dalawa, narealize kong naiwan ko ang Monopoly Deal. -.- Nakakaiyak lang. Naeexcite pa man din akong huwag matulog sa unang gabi dahil maglalaro kami. Tapos, narealize ko rin na nalimutan kong dumaan sa 7-eleven sa kanto namin para bumili ng toothbrush.

Nagkita-kita kami nila Au, Al, Ate Cere, at Ate Ana sa NAIA Terminal 3. Pinaspasan namin ang pagkain ng lunch sa Kenny's at super sakto sa boarding time ang pagdating namin sa Waiting Area. Nang makita na namin ang sasakyan naming eroplano, medyo nag-alala ang mga kasama ko. Masyado raw kasing maliit at mat propeller pa sa magkabilang pakpak. Magiging rough daw ang ride. Ako naman, hindi ko masyadong iniisip, siguro kasi, wala naman akong nasakyang ibang eroplano pa na uber smooth ang take-off at landing. So akala ko, ganoon talaga. :p

Wala ako sa window seat, stranger ang katabi ko. Sina Au at Al, nasa kabilang kanang side. Magkatabi. Okay lang namang matabi sa ibang tao, basta nasa window sana. :)) Gusto ko kasing magpicture-picture ng mga clouds at bumuo nga mga kwento sa mga makikita kong hugis nila. Wala ring magazine sa pouch sa harapan ko, tanging ang safety precautions manual ang nandun. Muntik ko na makabisa ang mga emergency exits ng mga eroplano dahil sobrang walang mabasa. :)) Hindi ko kasi naisip agad na pwede ngapala akong magbasa ng e-Book sa cellphone ko.
Ang paghihirap na pagkasyahin ang mga sarili sa picture.
Ewan ko anong iniisip ng katabi ko, hindi ko alam kung may kasama rin siya at napahiwalay rin siya. :p Maya-maya tahimik na lang siyang natulog. :p At that moment, gusto kong iattempt na dumungaw sa bintana. Kaso baka magising eh, nakakahiya.

Tapos merong babae sa bandang harap na nakatinginan ko for 3 seconds siguro. Creepy. Siguro may kamukha na naman ako, tapos iniisip niya kung talagang kakilala niya ako na matagal na niyang hindi nakita o talagang kamukha ko lang. :p

Nakakatawa 'yung part na maglalanding na kami. :)) Kasi naman, nagkukuwento ako nun kina Al at Au eh. Biglang hindi na sila nakikinig, nakakapit na lang sila sa mga armrest ng upuan nila for dear life. :p Tapos nakapikit pa. Ang panget kasi sa feeling ng parang matatanggal na 'yung kaluluwa mo habang bumababa ang eroplano. Siguro dahil tatlong beses na akong sumakay sa Anchor's Away at nasubukan ko na rin ang EKstreme Tower Ride sa Enchanted Kingdom kaya kaya ko na tiisin ang pag-landing ng eroplano namin.  :))


.=.PAUWI.=.
Palaging nagiging mas mabigat ang mga bitbitin kapag pauwi na galing sa isang bakasyon. Added weight na kasi ang tubig mula sa mga damit na hindi natuyo. Pasalamat na lang ako kasi hindi kinailangang mabasa ang tuwalya ko dahil bawat isa sa amin sa kwarto ng Coron Reef Pension House ay provided ng towel na panligo.

Nang nasa kalagitnaan (hindi nga kalagitnaan eh, parang 10% na lang ng daan ang ibabyahe namin eh) na kami ng byahe sa shuttle na pabalik sa airport, nagtanong si Kuya driver kung may nakaiwan ba ng bagahe - malaking bag na kulay itim. Medyo sakto sa description 'yung bag ko, pero yakap-yakap ko ng mga sandaling iyon 'yung bag ko kaya malamang hindi sa akin 'yun. Hanggang sa marealize ni Jomai na sa kanya 'yung tinutukoy na bag. Grabe lang 'yung pamumutla ni Jomai. Katabi ko siya kaya kitang-kita ko talaga na nawalan ng kulay ang mukha at labi niya nang marealize niya na naiwan niya ang napakalaking bag niya. Mabuti na lamang at pinagbigyan siya ng mga airport attendant na hintayin ang bagahe niya bago mag-take off ang eroplano. Isang oras halos ang byahe bago pa maihatid ang bagahe niya. At parang 30 minutes na lang yata eh kailangan na namin mag-checkin ng mga bagahe sa airport. Mabuti na lang at maagap si Kuya JayJay, 'yung driver namin. Tumawag siya sa kakilala niya para pakiusapan na ihatid 'yung bag ni Jomai. Buti na lang din at medyo delayed ang flight namin. :)

Masaya ako sa flight na ito kasi sa window seat ako. Yipeee~! Ang dami kong pictures ng clouds na maraming hugis. At sa wakas, naenjoy ko rin ang paggawa ng mga kwento-kwento tungkol sa mga nakikita kong hugis sa kalangitan. :D Biniyayaan din kami ng tanawin ng isang bahaghari. :D



Paglapag sa NAIA, ito ang sumalubong sa akin. <3



Eto nga pala ang eroplano na sinakyan namin:





No comments:

Post a Comment