Sunday, August 12, 2012

CORON: Akyat Sa Mt. Tapyas

Bilang unang adventure sa Coron, inakyat namin ang 700 steps ng Mt. Tapyas. Sa totoo lang I have been dreading this part of the trip ever since sinabi sa akin. :p Kasi naman, naranasan ko kung gaano kalakas manginig ang mga binti ko nang mag-fire drill kami dati noong nasa AUB pa ako. Gawd, ang hirap tumayo pagkatapos. Nag-hagdan lang kami mula 31st floor, at actually dapat pa akong magpasalamat dahil walang 13th at 4th floor sa building na 'yun. Nagpapanggap na lang akong maayos ang lahat. Pero sa totoo lang para akong tinamaan ng Jelly-Legs Curse (Locomotor Wibbly). -.- At ang tagal ng effect niya ah, isang linggo mahigit din yata 'yun. Ako na ang walang exercise. -.-

Pero, wala na akong magagawa. Nagtiwala na lang ako na lilipas din ang lahat. At kung nagawa kong magpanggap na maayos lang lahat dati, kakayanin ko rin dito. :)) Saka naisip ko pwede namang magpahinga, hindi naman nila ako iiwan. :))


Tapos, akala ko noong una ay lupa-lupa ang lalakaran. Alam mo 'yun, bundok talaga at magte-trekking talaga kami. Hindi pala. Hihi. May hagdan, sementado. May railings at mga pahingahan spot pa. :p



May sumama sa aming bata, si Brando, nagtitinda ng mga tubig at energy drinks. Kasama rin 'yung aso niyang si Brownie. :D Sagot niya rin ang kwento at pagkuha ng mga pictures sa amin. Halos araw-araw niya raw ginagawa ang pagpanhik-panaog sa Mt. Tapyas para makapagtinda ng mga inumin sa mga turistang umaakyat dito. Ginagawa niya ito pagkatapos ng klase niya. Ang galing lang eh, ang bigat na nga ng bitbit niya pero sobrang lakas niya at parang hindi napapagod. Oh well, nasanay na rin naman kasi siguro siya. Kumbaga na-train na nang husto ang katawan niya sa ganoong trabaho. Nakakainggit. Dami nagiinarte sa Manila sa mga lakad-lakad at kahit sa kabilang kanto lang, magtataxi pa. :p
Jomai: Peace!! :D
Si Brando 'yung batang nasa kaliwa ni Jomai. :))

Tinuro rin sa amin ni Brando 'yung Sleeping Giant. :D Cool! Isang tumpok ng kalupaan na naghugis higante at nakahiga.
Kita ninyo ba si Mr. Sleeping Giant? :D
Habang papataas kami nang papataas, parami nang parami ang pahinga namin. :)) Can't resist din naman kasi ang pagpicture sa magagandang view. :3 Sayang nga lang kasi, paubos na battery ng camera ko. :p Nakakatawa rin kami kapag nagpoposisyon sa hagdan para magpapicture. Ayaw namin maipwesto sa mababa lalo na kung nasa mataas-taas na step na. Sayang kasi ang steps! :))
Four hundredth step. v(=^__^=)
At yey! Narating din namin ang summit! :) Naiintindihan ko na si Manny Pacquiao nang sinabi niya na dapat proud ka sa sakit ng katawan mo. :)) Ako, pati sa pawis na tumagaktak sa mula sa akin, proud ako. :)) (At tulad nga ng inaasahan ko, parang na-Jelly-Legs Curse na naman ako after naming makababa. :p )
Ang kintab ko oh! Buti na lang talaga hindi kainitan noong umakyat kami.
Whew! I conquered Mt. Tapyas. Tanggal yata isang inch ng tyan ko rito. :)) Si Brando rin ang nag-take ng picture ko na iyan. Parang pro lang eh, siya nagko-command kung saan ako pupwesto, pati paghilig ng ulo ipapagawa niya sa'yo. :) Kaya naman nang manghingi siya ng tip, hindi naman tumangging magbigay. :)

At kahit nananakit na ang mga binti, sige, talon pa rin nang talon! :D
Kay Kyle nga pala ang larawang ito. :)






  • ~CORON: Patungo at Pauwi
  • ~CORON: Akyat sa Mt. Tapyas
  • ~CORON: Maquinit Hotspring
  • ~CORON: Mga Lawa at Isla
  • ~CORON: Mga Pagkain! :9
  • ~CORON: Paglilibot sa Bayan
  • ~CORON: Kung Anu-anong Mga Bagay
  • 2 comments:

    1. ang dami pang nakapila sayo. haha!

      at hindi sya (Brando) humingi ng tip. nagusap lang kami ni au na bigyan sya.

      ReplyDelete
      Replies
      1. :O matapos ang isang buwan ngayon ko lang nalaman na pakana ninyo lang ni au ang lahat?? :)) paano ako ngayon makasisiguro na nakarating nga kay Brando ang tip?? :))

        Delete