Sunday, August 18, 2013

Kada Meow's 11th Year Part II: Udderly Delicious Milkshakes and Desserts

A decade and a year of friendship. :)
Nag-celebrate kami ng 11th year at Forget Me Not Cafe and Udderly Delicious.

Nagmeet kami ng 1130am. Akala ko, kami lang ni Margot ang sabay na pupunta, maya-maya, sumabay pala si Dawn kay Margot. At si Anika, nagattempt na isurprise ako sa bahay. HAHA. Ang ending, nagkita-kita kami malapit sa bahay. At sabay-sabay kaming nagpunta sa Lilac St.

Transpo courtesy of Kuya Marlon and his awesome tricycle. HAHA. Feeling ko, kasama na dapat siya sa celebration ng anniv namin, ano kaya iniisip niya, grabe, nakita niya kaming lahat na nag-grow mula high school. :))

After Forget Me Not Cafe, nag-milkshake kami sa Udderly Delicious. :)

Ang aming mga milkshakes. :9
Ako, Dawn: Premium Ice Cream base, Avocado flavor, No toppings.
Anika: Yogurt base, Mixed Berries flavor, No toppings.
Margot: Soft Serve Ice Cream base, Butter Pecan flavor, Milky Way topping.
Obvious naman siguro sa picture kung alin-alin sila diyan. HAHA.

Price: PHP105.00 each

Pangatlong beses ko na sa milkshake shop na ito, at parating uber busog ako after makaubos ng isang order. Sobrang rich and thick kasi niya. :) Pero sila, nagpangalawang order pa after a while. Amaziingg. Gusto ko pa naman sana uli ng yogurt base na strawberry. >.< Next time na lang. :)

Katulad ng dati, napagusapan na naman namin ang HS moments, mga updates sa aming buhay, at mga bago naming gustong gawin o maranasan. :)

Nakakatuwa rin na nakisama ang panahon noong pauwi na kami kasi, naglakad lang kami mula Lilac St. hanggang Meralco sa Bayan-bayanan Avenue. Walang masakit sa balat na araw o madugyot na effect ng ulan. d(^__^)b

Letter from Margot. We each got one from her. :D
SWEETNESS. Mangiyak-ngiyak ako sa contents.
At sa fact na ngayon na lang ako uli nakatanggap ng love letter mula sa taong gusto ko. Wahaha.
Oo, love letter 'yan. :))

I am so proud of us. :) Thanks for staying and keeping in touch.


Udderly Delicious Milkshakes and Desserts
60-D Lilac St. Hacienda Heights Subd. Concepcion 2 1811 Marikina City
Mon - Fri: 11:00 - 23:00
Sat - Sun: 11:00 - 00:00
https://www.facebook.com/UdderlyDeliciousMilkshakesAndDesserts

Kada Meow's 11th Year Part I: Forget Me Not Cafe
Kada Meow's 11th Year Part II: Udderly Delicious Milkshakes and Desserts

2 comments:

  1. "SWEETNESS. Mangiyak-ngiyak ako sa contents.
    At sa fact na ngayon na lang ako uli nakatanggap ng love letter mula sa taong gusto ko. Wahaha.
    Oo, love letter 'yan. :))"

    >>this still makes me laugh.

    Udderly Delicious indeed have such utterly delicious shakes... if only i can go there weekly. -.-

    ReplyDelete
  2. Haha. Benta pa rin sa'yo. :D

    Grabe, weekly talaga? :))

    ReplyDelete