Sunday, August 18, 2013

Kada Meow's 11th Year Part I: Forget Me Not Cafe

A decade and a year of friendship. :)
Nag-celebrate kami ng 11th year at Forget Me Not Cafe and Udderly Delicious.

Nagmeet kami ng 1130am. Akala ko, kami lang ni Margot ang sabay na pupunta, maya-maya, sumabay pala si Dawn kay Margot. At si Anika, nagattempt na isurprise ako sa bahay. HAHA. Ang ending, nagkita-kita kami malapit sa bahay. At sabay-sabay kaming nagpunta sa Lilac St.

Transpo courtesy of Kuya Marlon and his awesome tricycle. HAHA. Feeling ko, kasama na dapat siya sa celebration ng anniv namin, ano kaya iniisip niya, grabe, nakita niya kaming lahat na nag-grow mula high school. :))

Note: All prices indicated below are VAT EXCLUSIVE.

LUNCH @ FORGET ME NOT CAFE

Fish and FriesAppetizer. Sinimot talaga namin ito.
Buti saktong four pieces ang fish sticks. d(^__^)b
Price: PHP138.39
Pesto with Tuyo Flakes. Order namin ni Anika. :) SARAPP.
Naamuse kaming lahat sa "antenna" niya. HAHA.
Hindi ko masyadong napansin kung meron man ngang tuyo, hindi rin maalat kasi.
'Di ba maalat ang tuyo? :p
Hindi siya nagsasabaw sa mantika. Good job! 
d(^__^)b
Price: PHP111.61
Lasagna. Margot's order. Hindi ko natikman, biglang naglaho eh. :))
Price: PHP102.68
Penne Arabiata. Dawn's order. Meron din siyang amusing "antenna". :))
Medyo hindi trip ni Dawn dahil dry raw. Same sila ng opinyon ni Margot.
Nasarapan naman ako, pero tikim lang kasi ang ginawa ko so kaunti lang.
O adik lang talaga ako sa pasta at hindi ko naramdaman ang dryness niya. :p
Pero looking at the picture, mukha nga siyang dry. :p
Price: PHP111.61
Choco Lava. Sweet ending. :)
Masarap siya, perfect naman ang kumbinasyon ng mga bagay-bagay.
Ngunit hindi ko inasahan na walang paglalava na magaganap. HAHA.
Either kulang sa init ang choco syrup sa loob o sobrang lamig ng ice cream sa ibabaw. :p
Sabagay, mas malinis naman kainin. :)
Price: PHP120.54
Ang tanging picture sa camera ko kung saan, lahat kaming apat ay magkakasama. :p
We looked like na pinagusapan namin ang style ng isusuot naming footwear. :D
I am so proud of us. :) Thanks for staying and keeping in touch.

After Forget Me Not Cafe, nag-milkshake kami sa Udderly Delicious. :)



Forget Me Not Cafe
41 Lilac St., Marikina City
Mon - Sun: 10:00 - 22:00
cafeforgetmenot@yahoo.com
http://twitter.com/ForgetMeNotCafe
https://www.facebook.com/CafeForgetMeNot

Kada Meow's 11th Year Part I: Forget Me Not Cafe
Kada Meow's 11th Year Part II: Udderly Delicious Milkshakes and Desserts

2 comments:

  1. i want to go on a food trip again~

    ReplyDelete
    Replies
    1. Why not. Maybe on our Higantes Festival escapade? Or on you and Anika's birthday? :D

      Delete