Saturday, April 30, 2011

Pili Nut: Not-So-Simple-to-Eat Nut

My cousin from Bicol just finished her undergraduate studies and now seeks for opportunities here in Manila.  She brought us pasalubongs, one of which is the famous pili nuts.  Not those ones already processed into sweets, but those ones which were all in their just-picked-from-the-tree (plus 8 hours travel) glory.

We seldom visit our relatives in the province; heck, we even never have family vacations in years so it was my first time to see pili nuts wrapped inside big, black teardrop-shaped shells instead of caramelized sugar coatings which I, and almost everyone else, was used to. =)

My mother taught me how to cook them.  Here’s what I learned. =)

First, put the nuts in a pot of water and let them boil.  This is to make the first shell softer and a lot easier to break or cut.

And because I was too excited, I cannot wait to for the nuts to cool down on their own.  So I washed them repeatedly with cold tap water.



Using a knife, I opened each nut by cutting in the middle and around the nut.  Inside each nut is another smaller, flesh-to-brown colored teardrop-shaped shell.


The meat inside the outer shell could already be eaten.  You just have to put salt unless you can tolerate a somewhat sweet plus bitter taste combination.

Now, to get rid of the second shell, you have to use a hammer or something really heavy you can use for pounding.  Because the shells were really hard and tough, opening them is not as simple as pinching them with your thumb and index finger, or cracking them with your teeth!  I knew it because I tried the teeth method and I thought I was going to lose one of my molars. >.<


My mother said that there was a saying in their neighborhood back then that goes ‘If you can break the second pili nut shell evenly in just one hammer pound, then you are a true Bicolano/Bicolana’.  Haha.  So I got challenged and tried hammering each nut once.  I was able to break one evenly. =)  All the others, I have to hammer them twice or thrice or more to finally get the actual small pili nuts which are still covered by thin, brown skin like those of peanuts.

The skin is easy to peel off, of course. And TADAA! Finally, the white pili nut! :D


Yum, yum. :D

I admire those people behind the making of each packaged pili nuts that tourists buy at souvenir shops.  It really is hard to get the white pili nut out from its shells whole and unbroken.

Parang tao lang eh.  Lahat ng tao ay may kabaitan.  Kahit pa ang ipinapamalas nila o ang nakikita sa kanila ay puro kasamaan.  Sa kaloob-looban nila, mayroon at mayroong nananahimik na kabaitan.  Kailangan lang minsan na tulungan natin silang makita iyon. Huwag tayong patatalo sa impluwensiya ng kasamaan sa paligid. :D

Sunday, April 17, 2011

UP Diliman Graduation Batch 2011

At sumapit din ang araw ng graduation.

Actually, wala na talaga akong gana na magpunta dahil hindi naman binigay sa’kin ang cum laude ko. >.<
Kung hindi ko lang naiisip na si Jomai ang nagasikaso ng lahat para makapag-martsa ako, hindi na talaga ako tutuloy. :D

Wala nga akong sariling pictures eh.  Pero naisip ko, baka hindi ko rin deserve kasi, hindi ko nga nabilang nang maayos ang units ko diba, tapos magla-laude ako.

Pero lumubag ang loob ko dahil may mas malala pa palang sitwasyon kesa sa’kin.

Isang dapat ay magna cum laude.

Pero hindi niya rin nakuha sapagkat underload.

Nakwento lang sa’kin ni mama kasi tsinitsika raw sa kanya ng katabi niya sa upuan sa loob ng UP Theater.
Ate siya ng isang magtatapos rin na estudyante.  Mas nakakahinayang siya kasi magna cum laude siya eh.  Sa tanda ni mama, ang general weighted average daw yata ay nasa 1.295. Tsk.  Ang hirap kaya abutin nun.  Lalo na kung umeffort ka talaga nang bongga.

Naaawa raw ‘yung ate niya na ‘yun kasi isang linggo na raw halos umiiyak palagi ‘yung kapatid niya.  At kung hindi niya pa raw pinilit, hindi na raw talaga magmamartsa.  Hindi na nga raw rin pinauwi ang mga magulang nila kasi, bukod sa busy, wala rin naman gagawin. Uupo lang sa likod. Manonood.  Medyo nadama ko ‘yung nadama niya, pero hindi naman ako umiyak.  Kasi nakakapagtrabaho na ako eh.  Parang okay na rin, nakakapagbalik na ako ng mga naibigay ni mama para makapag-aral ako.

Pero nakakaawa pa rin ang estudyante na ‘yun.  Siguro naiisip niya, kung ako ang nasa stage, ipapasabit ko ang dalawang medalya na ‘yun sa nanay at tatay ko imbes na sa akin.

Ganoon talaga minsan. Kapag ordinaryong estudyante ka, kailangan mong sumunod sa mas mahihigpit na batas. XD  *Oo, may bahid ng bitterness. Hehe*

Buti na lang, inspiring ang message ng valedictory speech ng kauna-unahang summa cum laude sa department ng Mechanical Engineering.  Sabi niya (more or less), natatakot siya paglabas niya sa tunay na mundo.  Kasi ang mga grades ay numbers lang naman talaga. :D

Happiness pa rin naman kasi pag-uwi ko, dumating si Guillard.  May dalang gitara. Nangharana.


Joke. v^^  Regalo niya raw sa’kin.  Bongga di ba. =))  Talagang mapapaaral na ako mag-gitara nito! :D *excited*

At may dalang three white roses ang isa kong manliligaw.


Joke uli. v^^ Pinsan kong babae ang may dala. :D

Ayon, kaso Lucky Me! Pancit Canton lang naipakain ko sa kanila. Haha. =p

Unang Hirit with John Gabriel Pelias

Sa pangalawang pagkakataon, kinulit na naman kami ng Unang Hirit staff na magparticipate sa program nila.  Guest daw pero hindi naman kami lumabas.  Well, sa introduction, kalahati daw ng mukha namin ang nakita.  Hindi namin alam ano bang meron sa thesis namin at ipapakita na naman nila.  Pero this time, lalaruin siya ng record breaker Summa Cum Laude ng UP Diliman Batch 2011, si John Gabriel Pelias.  Una naming naisip, good luck naman sa kanya.  :D

Nakailang tanggi rin kami sa invitation nila dahil hassle talaga at uber biglaan.  Tatawag ba naman ng hapon ng Monday, tapos gusto mag-‘guest’ na kami kinabukasan. @_@

Pero dahil nakakaawa rin naman si ate na tawag nang tawag sa amin with a panic stricken voice, napapayag din kami sa bandang huli at inenjoy na lang ang mga sumunod na pangyayari.

330am. Ganiyan kaaga ang call time namin dahil magiinstall pa kami.  Baka magkaroon ng aberya, maganda na ang maaga.  Pero grabe, ibig sabihin, 2-230am pa lang nakabangon na dapat kami.  Cool naman kasi susunduin kami sa kanya-kanya naming mga bahay. In fairness naman sa driver na si Kuya Romy, super aga niya.  Nagpapatuyo pa lang ako ng buhok, nagtetext na sa akin na andiyan na siya.  Sanay na sanay na talaga siya.

Urvan. Plate No. ZTN 322.  Yan ang sasakyan na ginamit para sunduin ako. Ang laki-laki kahit magisa lang ako. v^^ Naisip ko pa nga, parang akin talaga kasi birthday ko ‘yung 322, March 22. Hehe.

Tapos, ang laki ng problema ko kasi hindi ako marunong magdescribe ng mukha or itsura ng mga tao.  Paano kung hindi naman pala sa GMA 7 ako bitbitin nitong si Kuya Romy. Paano kung hindi naman pala siya si Kuya Romy, nagpapanggap na lang.  Kinakausap niya ako. Nagtatanung-tanong.  Kung madalas daw ba kami magguest, kung ano tinake kong course, kung ano ba meron bakit kami guest that time.  Gustuhin ko mang umiglip muna, hindi ko magawa dahil buhay na buhay ang diwa ko katitingin sa mga kalye na hindi na pamilyar sa’kin.  Haha. Ang praning ko talaga.  Sobrang premeditated na pangingidnap ang naiisip ko.  Kasi parang wala naman talagang mangingidnap ng ganoong oras, hassle rin yata sa kidnapper.  Isa pa, hindi naman kami mayaman.

Ngunit, payapa naman akong nakarating sa GMA 7.  Andun na agad si Au, nauna siyang makarating kesa sa’kin.  At sa wakas, nakita ko na sa personal si Ate Meliza.  Ang tawag nang tawag sa’min. :D


Kitang-kita at damang-dama na namin ang ka-busyhan niya at pagpapanic dahil hindi pa masyadong ayos ang lahat.  Pero kahit ganoon, hanga ako sa kanya, inaasikaso niya pa rin kami.  Pinakain niya kami ng breakfast.  May choice pa nga kami ng drinks eh - juice or kape.  Kung kape, tatanungin ka pa kung anong klase. Kung juice, tatanungin ka pa kung anong flavor.  Nauwi kami sa C2 Lemon. At masarap talaga ‘yung chicken ah. :D

Habang naghihintay, paminsan-minsan kinukumbinsi namin ang sarili namin na totoo talaga. Unang Hirit talaga ng GMA 7.  Naisip ko, baka kasi Wow Mali! (although, channel 5) or Bitoy’s Funniest Videos (although, matagal na na wala ‘yun) pala napuntahan namin. :p

Pagpasok namin sa studio, hanglamig!!! :D  




Ang daming camera, ang daming cords, ang daming ilaw, ang daming TV monitor.  Tapos nasa gilid ‘yung computer na pagiinstallan namin.  Nainstall naman nang tama, napatakbo namin nang matiwasay. Na-amaze rin ang mga tao.
Pero abut-abot langit ang pagaalala namin (o ako lang?) habang nagshoshow na kasi baka madisconnect bigla ang Wii Remote. XD  At masama kapag nagkaganun dahil kailangan namin mag-restart ng PC.  Napaka-sensitive kasi ng thesis namin, spoiled brat.  Maraming requirements.  Tapos, hindi pa namin alam ano na nangyayari sa screen dahil ang currently naka-project sa monitor ay ang logo ng Unang Hirit. Haha.

Ayon, matiwasay naman na nakapagpraktis si John bago ang actual na appearance nila ni Mr. Frog sa national TV nang live. Haha.  Ang nilaro niya ay ‘yung Frogtor. ‘Yun ang pinalaro namin dahil ‘yun ang pinaka-established sa lahat ng mga mini-games na nandun sa thesis namin.  So, less prone sa bugs. Hehe.  In fairness sa kanya, ang bilis niya mag-adapt sa paggamit ng Wii remote.  Relaxed na relaxed pa siya.  Either wala talaga siyang panic mode o hindi lang kita sa expression niya.  Thumbs up ako sa kanya. d^^b




At thumbs up din ako sa amin ni Au sapagkat nagawa naming gumising nang pagkaaga-aga, manalangin na wala sanang mangyaring masama, makipag-friends kay John Gabriel Pelias, at makapagpa-picture sa mga hosts nang paulit-ulit. :D

Saturday, April 9, 2011

Saturday Gala

After so many years, nagkaroon kami ng gala ng mga college friends ko.

Meeting time and place:  April 9, 2011. 10am. Sunken Garden. =)

Initially, ang plano lang talaga ay pupunta sina Guillard at Jomai sa bahay para kumain ng pancit canton na may repolyo - specialty ni mama na paborito namin. =)

Kaso, nagyaya si Kyle sa UP kaya nagkaroon ng change of plans. So long pancit canton with repolyo. Next time na lang. =)

Nag-lunch kami sa Rodics. Tapsilog, ano pa nga ba. =) At ang bilis kong kumain. Nakakahiya. Nauna pa ako kina Kyle at Jomai. Parang hindi ako babae. Haha. =)

Nagdala si Kyle ng pinagmamalaki niyang Lava Cake. Hindi nga lang nag-lava dahil wala naman kaming magagamit na microwave. So as is namin siyang kinain. Ok naman. Hindi masyadong matamis. <3 

At kami ay nagplano na mag-bike sa QC circle. Ngunit paglabas namin ng SC, umuulan. T.T Kay lakas atang manalangin ni Guillard na sana magkaroon ng aberya. Kulang kasi ang childhood niya - hindi siya marunong magbisikleta kaya kinakabahan siya sa plano namin. Kaya nagpasya kaming magtungo na lamang sa SM North. =)

On the way, napansin namin na hindi pa namumukadkad ang mga sunflowers along University Avenue. We wondered kung aabot sila come graduation time.

Sa wakas, nakabili na ako ng lalagyan ng cellphone ko. Naiwala ko na kasi sa Bulacan ‘yung lalagyan ko ng phone.  Tapos, clueless kaming naglakad-lakad sa mall. Nakita namin ang Yamaha.  Ang cool ng mga gitara, violin at piano.  Gusto ko na talagang matutong maggitara. Gagayahin ko ‘yung Scandal o kaya K-On! Haha.  At naalala ko ang pangarap kong musical instrument - violin. Sabi ko noon sa sulat kay papa na nasa Saudi ‘nung bata pa ako, uwian niya ako ng violin. Ngunit ang inuwi niya sa’kin ay laruang robot. Akala niya lalaki ako. =) Ayan, hanggang ngayon nakatabi ang robot na ‘yun.  Pero seriously, gusto ko matuto maggitara. Para naman magka-talent na ako at may maipresent sa mga talent shows. Hihi.

Tapos, natanaw namin sa labas ng mall na tumila na ang ulan. Nagpasya kaming bumalik at magtungo na ng QC Circle. Umulan ‘nung naglalakad na kami from Philcoa to Circle. Pero pag-emerge namin from underpass to Circle, wala ng ulan. Yipee! Natuloy ang pagba-bike namin. =)





Ang funny ni Guillard. Pero naka-isang pedal naman yata siya. *clap*clap* Sayang, akala ko makikita ko siyang sesemplang. Haha.

Pinagpawisan kami nang bongga. Namahinga muna kami at nagasaran. Nagkaka-ungkatan din ng mga nakaraan. Pero hindi namin maintindihan ni Guillard ang mga snide remarks nila Kyle at Jomai sa isa’t isa.  Kaya nakikitawa na lang kami ni Guillard. At nang mapunta kay Guillard ang topic, siyempre, naka-relate na ako nang bongga.  Memorable talaga ang ka-emohan niya sa Sunken Garden nung UP Fair three years ago yata.  Kung kailan hindi siya sinipot ng nililigawan niya. Balak niya pa man din ibigay ang pinagipunan at pinangutang pa nga yatang kwintas.  Sanhi rin ‘yun ng ilang araw niyang kagutuman.  At siyempre kagutuman na rin namin ni Jomai dahil hindi niya kami mailibre.

Nakapwesto na lamang siya sa parte na ito ng Sunken.



Nakaupo. Hawak-hawak ang chain ng kwintas sa kanang kamay. Nakataas sa level ng mata niya ‘yung pendant ah.  Mga ilang minuto siyang ganoon.  Siyempre ngayon, tinatawanan na lang namin, pero dati, pramis, dinamayan naman namin siya. =p

May dalawang Christian Jehovah’s witnesses nga rin pala na kumausap sa amin.  Sorry, hindi ako nakinig. >.<

After nun, nagtungo naman kami sa Technohub.  Timezone! Ang galing ni Kyle sa basketball. Umabot sila ni Jomai sa Stage 4! Pero may daya talaga eh. Hindi kasi gumagalaw ‘yung basket nila. ‘Yung pinaglaruan ko gumagalaw, Stage 2 pa lang. At ang tangkad niya kaya. Haha. Hindi matanggap ang pagkatalo. v^^

At siyempre, amidst my masakit na lalamunan at ubo, videoke! :D  Dito na naglabasan ang sigaw ng mga damdamin.




Hindi ko na kabisado ang pagkakasunud- sunod pero eto ang ilan sa lineup ng songs na kinanta namin:

        Halaga by Parokya Ni Edgar
Ironic by Alanis Morissette
Buses and Trains by Bachelor Girl
Why by Avril Lavigne
Tonight by FM Static
Cool Off by Yeng Constantino
Stay by Lisa Loeb (yata)
Let Me Be The One by Jimmy Bondoc
Pangarap Ko Ang Ibigin Ka by Ogie Alcasid
Silvertoes by Parokya ni Edgar
Ako’y Iyo at Ika’y Akin Lamang by
Ikaw Lamang by Silent Sanctuary
Bakit Nga Ba Mahal Kita by Roselle Nava
Out Of My League by Stephen Speaks


5pm. Nagdecide na kaming umuwi kasi aalis na si Jomai para sa practice nila sa church. Actually, 430pm niya binalak umalis kaso panay ang extend niya dahil pinakakanta namin nang pinakakanta. Tumatawad din si Kyle nang tumatawad sa oras. Buti na lang pagkarating daw niya sa church niya, sakto lang siya. Hindi siya late. =)

At sa akin naiwan ang mga natitirang Lava cakes. =)

Binalak nga rin pala namin na mag-Splash Island one of these days para sa summer outing.  Sana matuloy. = )