Sunday, August 26, 2012

CORON: Maquinit Hotspring

Matapos ang aming super sweat-inducing at muscle-aching activity na pagpanhik panaog sa Mt. Tapyas, nagpahatid kami sa tricycle patungo sa Maquinit Hotspring. :) Sabi ni Brando ('yung batang naging photographer namin sa Mt.Tapyas) mapapawi raw ang mga sakit ng katawan namin sa hotspring na 'yun. True enough, nawala nga talaga ang sakit ng mga binti ko. *thumbs up*

Habang nasa tricycle, napansin namin na minsan napaka-lubak ng kalye. Hindi kasi lahat sementado pa. Nagkwento 'yung tricycle driver namin tungkol dito. Sa naalala ko, ang sabi niya, gusto sana na pasementuhan talaga ng gobyerno (local siguro) 'yung kalye na papunta sa Maquinit Hotspring. Pero magbabayad ang Maquinit Hotspring ng parte sa pagpapasemento ng kalye tutal sila rin naman kasi ang makikinabang. Mas mapapadali na ang pagpunta ng mga guests sa lugar nila. Kaya nga lang, ang gusto ng management ng Maquinit Hotspring na sila ang bayaran kasi parang right of way raw nila 'yung kalye, so parang sila ang nate-trespass or something. XD Kung may mali man sa sinabi ko, sorry na lang. Parang ganoon lang kasi 'yun naalala ko sa kwento ni kuya tricycle driver. Isa pa, medyo hindi ko marinig lahat ng detalye sa mga sinasabi niya dahil siyempre, medyo maingay ang motor habang nasa byahe.

Pagdating sa hotspring, nagpalit kami ng mga damit at lumusong na sa kumukulong tubig. Pramis, mga pagbula na lang ang kulang at magiging kapanipaniwala na talaga ang description kong "kumukulo" ang tubig.


Ayan kami sa gilid habang hinihintay na mag-adjust ang body temperature namin sa init ng tubig.
Akala ko mataas ang tolerance ko sa maiinit na bagay, pero hindi rin pala. XD Ang tagal bago nailubog ang buong katawan ko sa tubig ng hotspring na 'yun! Una, paa muna. Tapos tampisaw-tampisaw. Tapos binti... tapos hita.. tapos waist.. then tyan.. (sobrang sakit sa tyan.. XD ), then dibdib.. tapos leeg.. kasabay na rin mga braso. Pero grabe, parang parusa habang palubog nang palubog. Mahapdi na masakit. >.< Mga limang minuto for each sector ng katawan ko. So naiwan na ako ng mga kasama ko, kasi sila nakapaglubluob na agad. :( Nang medyo nakakalakad na ako sa malayu-layong parte, sinubukan ilubog ang ulo ko. SHEMAX lang talaga. Hindi ko na inulit. XD


Monday, August 20, 2012

Cravings :9


I am currently craving for Mochiko's Strawberry Mochi, Tokyo Cafe's Banana Almond Crepe, and Starbucks' Oreo Cheesecake. :9



*Mochiko photo taken from Mochiko Facebook page
Iniisip ko minsan bakit may mga magulang na naging magulang.
Kung wala naman silang kakayahan para maging magulang.
Ano kayang iniisip nila bago pa sila naging magulang.
Anong kayang gusto nilang maachieve at naisipan nilang maging ama at ina.
At nang naging tatay at nanay na sila,
Bakit hindi man lang sila nagbago habang lumalaki ang mga anak nila.
Tapos wala man lang kalaban-laban mga anak nila.
Malay ba naman nilang isisilang sila.
Pwede ba silang tanungin kung gusto nilang isilang sa mundo na ang tatay at nanay ay tulad nila?
Hindi naman. 'di ba?
Tapos ngayon kailangan nilang tanggapin na lang.
Makinig sa mga nagsasabing
'Kahit pagbali-baligtarin mo ang mundo, sila pa rin ang mga magulang mo.'
At palubagin ang mga sarili nila sa pagiisip na
'Mas maraming may mas mabigat na problema kaysa sa'kin.'
Bakit ganoon..

Sunday, August 19, 2012

Mega Food Sale at Gotti's Ristorante



Mega Food Sale 2012! :D
Edmund and I went to Gotti's Ristorante for their 50% off on all To Share Pasta. Ordered Seafood Pasta (it's included in their Most Wanted list) with a regular price of 300Php - so 150Php na lang. Yey! :D Super sarap at okay rin ang dami ng serving kaya super sulit! (thumbs up!) Wasn't able to take a picture, though. >.< Ang dami niyang shrimps at may limang tahong. :9

For dessert, we tried Tartufo Nero. :9 Dark chocolate gelato with brandied cherry and nut in the middle and served with chocolate syrup. Saraap din! :9

Sunday, August 12, 2012

CORON: Akyat Sa Mt. Tapyas

Bilang unang adventure sa Coron, inakyat namin ang 700 steps ng Mt. Tapyas. Sa totoo lang I have been dreading this part of the trip ever since sinabi sa akin. :p Kasi naman, naranasan ko kung gaano kalakas manginig ang mga binti ko nang mag-fire drill kami dati noong nasa AUB pa ako. Gawd, ang hirap tumayo pagkatapos. Nag-hagdan lang kami mula 31st floor, at actually dapat pa akong magpasalamat dahil walang 13th at 4th floor sa building na 'yun. Nagpapanggap na lang akong maayos ang lahat. Pero sa totoo lang para akong tinamaan ng Jelly-Legs Curse (Locomotor Wibbly). -.- At ang tagal ng effect niya ah, isang linggo mahigit din yata 'yun. Ako na ang walang exercise. -.-

Pero, wala na akong magagawa. Nagtiwala na lang ako na lilipas din ang lahat. At kung nagawa kong magpanggap na maayos lang lahat dati, kakayanin ko rin dito. :)) Saka naisip ko pwede namang magpahinga, hindi naman nila ako iiwan. :))


Tapos, akala ko noong una ay lupa-lupa ang lalakaran. Alam mo 'yun, bundok talaga at magte-trekking talaga kami. Hindi pala. Hihi. May hagdan, sementado. May railings at mga pahingahan spot pa. :p



May sumama sa aming bata, si Brando, nagtitinda ng mga tubig at energy drinks. Kasama rin 'yung aso niyang si Brownie. :D Sagot niya rin ang kwento at pagkuha ng mga pictures sa amin. Halos araw-araw niya raw ginagawa ang pagpanhik-panaog sa Mt. Tapyas para makapagtinda ng mga inumin sa mga turistang umaakyat dito. Ginagawa niya ito pagkatapos ng klase niya. Ang galing lang eh, ang bigat na nga ng bitbit niya pero sobrang lakas niya at parang hindi napapagod. Oh well, nasanay na rin naman kasi siguro siya. Kumbaga na-train na nang husto ang katawan niya sa ganoong trabaho. Nakakainggit. Dami nagiinarte sa Manila sa mga lakad-lakad at kahit sa kabilang kanto lang, magtataxi pa. :p
Jomai: Peace!! :D
Si Brando 'yung batang nasa kaliwa ni Jomai. :))

CORON: Patungo at Pauwi

At para sa taong ito (2012), sa halos kaparehong araw ng aming Caramoan getaway, napagpasiyahan naman namin na magtungo sa Coron, Palawan. :D At masaya pa rito, nadagdagan kami. Siyam kaming lahat - Au, Al, Kyle, Guillard, Jomai, Mich, Ate Cere, Ate Ana.

Salamat na magmuli sa Cebu Pacific Seat Sale for making this trip happen. *thumbs up*

.=.PATUNGO.=.
Sinundo ako sa bahay at hinatid ako sa airport ni Edmund. <3 Grabe wala na naman siyang tulog. At siya pa nagbuhat ng mabigat kong bagahe. :p

Sa byahe naming dalawa, narealize kong naiwan ko ang Monopoly Deal. -.- Nakakaiyak lang. Naeexcite pa man din akong huwag matulog sa unang gabi dahil maglalaro kami. Tapos, narealize ko rin na nalimutan kong dumaan sa 7-eleven sa kanto namin para bumili ng toothbrush.

Nagkita-kita kami nila Au, Al, Ate Cere, at Ate Ana sa NAIA Terminal 3. Pinaspasan namin ang pagkain ng lunch sa Kenny's at super sakto sa boarding time ang pagdating namin sa Waiting Area. Nang makita na namin ang sasakyan naming eroplano, medyo nag-alala ang mga kasama ko. Masyado raw kasing maliit at mat propeller pa sa magkabilang pakpak. Magiging rough daw ang ride. Ako naman, hindi ko masyadong iniisip, siguro kasi, wala naman akong nasakyang ibang eroplano pa na uber smooth ang take-off at landing. So akala ko, ganoon talaga. :p

Wala ako sa window seat, stranger ang katabi ko. Sina Au at Al, nasa kabilang kanang side. Magkatabi. Okay lang namang matabi sa ibang tao, basta nasa window sana. :)) Gusto ko kasing magpicture-picture ng mga clouds at bumuo nga mga kwento sa mga makikita kong hugis nila. Wala ring magazine sa pouch sa harapan ko, tanging ang safety precautions manual ang nandun. Muntik ko na makabisa ang mga emergency exits ng mga eroplano dahil sobrang walang mabasa. :)) Hindi ko kasi naisip agad na pwede ngapala akong magbasa ng e-Book sa cellphone ko.
Ang paghihirap na pagkasyahin ang mga sarili sa picture.
Ewan ko anong iniisip ng katabi ko, hindi ko alam kung may kasama rin siya at napahiwalay rin siya. :p Maya-maya tahimik na lang siyang natulog. :p At that moment, gusto kong iattempt na dumungaw sa bintana. Kaso baka magising eh, nakakahiya.

Tapos merong babae sa bandang harap na nakatinginan ko for 3 seconds siguro. Creepy. Siguro may kamukha na naman ako, tapos iniisip niya kung talagang kakilala niya ako na matagal na niyang hindi nakita o talagang kamukha ko lang. :p

Nakakatawa 'yung part na maglalanding na kami. :)) Kasi naman, nagkukuwento ako nun kina Al at Au eh. Biglang hindi na sila nakikinig, nakakapit na lang sila sa mga armrest ng upuan nila for dear life. :p Tapos nakapikit pa. Ang panget kasi sa feeling ng parang matatanggal na 'yung kaluluwa mo habang bumababa ang eroplano. Siguro dahil tatlong beses na akong sumakay sa Anchor's Away at nasubukan ko na rin ang EKstreme Tower Ride sa Enchanted Kingdom kaya kaya ko na tiisin ang pag-landing ng eroplano namin.  :))

Sunday, August 5, 2012

Paglipad


Ako ngayon ay lumilipad
Tumatagos sa malalambot na ulap
Tanaw ang sulok ng ating kalawakan
Kasabay ng mga ibong
Humuhuni ng pagsulong
Tungo sa bagong lugar na kanilang titirhan.
Pumapaimbabaw sa bahaghari
At nagpapadulas sa kabilang bahagi
Hinahamon ang pitong kulay
Pagkat kahit maging walo pa sila
Isang libo't higit pa ang tinataglay ng aking buhay.


Nagpapatangay sa hangin
Mula sa kung saan ay umiihip
Nakikinig sa ibinubulong nitong
Halakhak ng maraming tao
At sinasagot ko ito ng isang malaking ngiti
Sapagkat hindi kayang dalhin ng hangin
Ang sarili kong halakhak na ubod ng dami.