Sunday, January 29, 2012

At UP Diliman: Reminiscing and Making New Memories

Para sa aming ikatlong official Saturdate nagpunta kami sa UP Diliman. :D [Tapos biglang napunta sa TechnoHub at GateWay Mall. :D]


Late sundo. Nag-double pa kasi sa Bourne Legacy shooting sa Taft. :)) Rodic's. :9 Umulan. :) Sa maliit na dress shop/bookstore malapit sa waiting shed sa likod ng Consumer's Cooperative. Dolores Claiborne by Stephen King. Hindi ko binili. Lutong Bahay at Lutong Kapitbahay. Track Oval. Vanguard. Major in... folk dance? Basketball? College of Human Kinetics. =)) Tambay sa tabi ng gym, sa may parang playground na mala-obstacle course ang set-up. ~I can show you the world...~ National College of Public Administration and Governance. Turo nang turo, pasaway. Deduction na may nabangga na sa malaking STOP sign sa University Ave. Ano 'yung bato na 'yun? Upuan? =)) Pinaghahandaan na pala ang pagtatanim ng mga sunflowers. Acad Oval. Lagoon. Hindi ba may tubig sa lagoon? Oo, meron yan, nasa gitna. Ano yan eh, mountain. =)) Vargas Museum. Super enjoy sa SANDATAAng ganda ng frame. =)) Parang lahat ng painting niya, natutulog? Scary room. :| KURYENTE. :) Tubig, Gatorade. Payong. :) [Hirap kapag programmer ang kausap. :))] Pati 'yung 'Palma Hall'  mirror image? =))) Sunken Garden. Mauupo sa sanga?? =))
College of Business Administration. The Kuya Doc Story. Hindi pa.=)) The "Ex". :)) College of Music - next time, tanong na natin kung may short courses. :) Kinder. Higschool. College. Family. :) TechnoHub. Akala ko tatambay kami sa footbridge. :D Fail surprise boo ko while naghihintay ka sa'kin. Cafe Briton. Hamburcrepe. Banana-Mango-Apple Stew with Whip Cream, Choco Syrup and Almonds Crepe. :9 Bus ride to Aurora. Gateway Mall. Chinese Horoscope. :D Addicting Guitar Freaks! :)) Lagi na lang akong talo sa'yo. :)) Long FX ride to Concepcion. Siomai House. Dinner at home. :) Good night. :)

Sunday, January 22, 2012

Freedom

Nothing feels newer
Nothing feels lighter
Nothing feels stronger
Nothing feels grander

Than this freedom I'm feeling at this moment in my life. :)

[Late Post] Fireworks Snapshots

Thanks to our well-to-do neighbors for providing us a night-sky filled with colorful fireworks this 2012 New Year celebration. :)






Tuesday, January 10, 2012

Random


busy imagining things
brought by staring at this pdf file i am meant to read
and by these tutorials i am meant to learn
(information overload + sleepy + bored + wondering what you're doing right now)


and probably by the bliss and panic you make me feel.


Sunday, January 8, 2012

If It's Ka It'll Come Like A Wind...

"...and your plans will stand before it no more than a barn before a cyclone.” 



Maaari ngang tama ka.
Nang sinabi mong wala pa lang kasing dumarating na... :)





It's Still A Beautiful Day

With all the raindrops and fog
Take my hand if you need to
We'll walk this through
And remember to smile along the way
Because it's still a beautiful day

:)



Saturday, December 31, 2011

2011 Recollections: Jampacked (with little spaces sa corners), Colorful, Assorted, Roller Coaster, Mash-ups

Bago ko ito isulat, tiningnan ko muna ang year end blog ko for 2010.
Aba, written in English! Napressure tuloy akong mag-English din this year.
Pero hanggang pressure lang 'yun, mas masarap pa ring magsulat in Taglish. :p


Nahirapan din akong bigyan ng isang magandang title ang 2011 ko. Sobrang dami kasing nangyari, roller coaster talaga. Kung baga sa kanta, medley or mash-ups. Kung baga sa isang pack ng kendi, assorted. :) Parang walang theme na matino. Pero narealize ko, ganoon naman talaga ang buhay. Hindi lang naman ako ang may ganoong pakiramdam. :p Hindi siya annual event na pwedeng magpalit ng theme every year. Every day ang buhay natin ay event itself. Pwedeng may magkakasunod na araw na parepareho lang ang theme, pwedeng iba-iba sa loob lang ng isang araw. :)) And sometimes, ang theme sa particular event sa buhay mo ay kung paano mo tingnan ang sitwasyon.


Anyway, here goes. :)


~January 2011~
::Nag-celebrate kami ni mama at ng pinsan kong si Reyna ng New Year sa Bicol. Unang beses ito sa buong buhay ko. Ang saya sa neighborhood ng tita ko. Ang dami kasing bata. Tapos 'yung tita ko, saktong 12mn, nagpapasabog ng maraming barya sa maraming bata na nakaabang na sa doorstep ng bahay niya. Pati si mama kasali. =))


::Bought my first camera phone! Ang saya-saya ko nun kasi sobrang ito 'yung gusto ko at last stock na siya. :) Alam kong hindi siya mamahalin pero gusto ko na siya at kuntento na talaga ako sa kanya. :) Unang-una sa lahat, nakakapag-FB mobile ako kahit walang wi-fi at walang load. Secondly, nakakapagbasa ako ng ebooks. v^^ Thirdly, napapakikinggan ko anytime ang mga paborito kong mga kanta. Lastly, nakanood na rin ako rito ng anime episodes habang nasa byahe. :))


::'Life is not measured by the number of breaths we take but by the number of moments that take our breath away.'  - wizard


~Seven years have passed so quickly
And it seems like yesterday
...
I don't forget the promise we made
Still the same star shines above us~ New Years Day, Ellegarden. :)

Friday, December 30, 2011

Hmmm. :S

Narito na naman ang panahon na natatakot akong masanay sa isang bagay kasi pakiramdam ko, mawawala rin naman.
Parang ang lahat ay simula lamang.
Kasalanan ko ba?
Hindi ko rin naman alam kung kailangan kong bigyan ng effort upang huwag na lamang itong mawala.
Sana sa lalong madaling panahon, ito ay magwakas na.

Sunday, December 25, 2011

UP After Lantern Parade :)

Wala kasi akong naabutang pumaparadang lantern. Kahit 'yung tipong mga nagaayos, nagliligpit, etc. As in wala. Haha. Sobrang busy kasi sa office. Hindi rin ako nakapag-halfday dahil nakakahiya naman sa team lead ko. :p Tapos OT pa nang onti dahil may pahabol pang support. Kawawa naman si Guillard, nag-leave siya para sa event na 'to. -.-


At nang finally pupunta na kami ni Guillard sa UP, wala kami agad nasakyang taxi. Nag-bus na lang kami eh. And then nilakad from Philcoa to UP. :)
Ang star sa likod ni Oble
Buti na lang sabi ng napagtanungan ni Guillard ay hindi pa nagsisimula ang fireworks. :D
So lakad-lakad muna kami. Hanggang isa-isa naming nakita ang mga batchmates. :) Nag-ala Santa Claus lang naman si Guillard habang nagdidistribute ng mga regalo niya mula sa isang malaking supot ng SM. As for me, tunay na pagkakaibigan at presensya ko na lang muna ang regalo ko. Hehe.


Nakakapagod ding maglakad-lakad at maghintay at lumilingon-lingon kahahanap sa kanila. Dagdag mo pa ang kahirapan na ma-contact sila dahil minsan nawawalan ng signal.
Finally, the fireworks! :)
Nang makita namin ang unang liwanag ng fireworks, lumapit na agad kami. Hirap na hirap akong kunan sila ng pictures dahil hindi pa pala ayos ang settings ng camera ko. Obvious naman sa shot ko sa taas. Hehe. Kaya vinideo ko na lang. :) Pagpasensyahan na ang kaguluhan ng shot ko, kasi naglalakad ako niyan. Tapos mukha pang giyera 'yung sound. XD


Medyo maraming puno pero keri lang. Napansin ko lang na mas mabilis matapos 'yung fireworks ngayon kesa noong mga nakaraang taon. Hindi kasi ako nagkaroon ng stiff neck this year eh. =)) 

Thursday, December 15, 2011

Dreams

And I curled up on bed
Finding warmth from soft dreams
Playing sweetly in my head