Salamat sa sale ng Cebu Pacific nakapag-book kami ng flight papuntang CamSur last March 17, 2011. :D Sobrang excited ko dahil unang beses kong sasakay sa eroplano. =)) Abot langit ang mga hiling namin na sana hindi bumagyo sa araw ng flight namin. Paano ba naman kasi, July 14-16 ang nakuha naming schedule. Ayaw naman naming mauwi lang ang bakasyon namin sa panonood ng Harry Potter sa SM Naga. :p
Maswerte ako dahil pinayagan akong mag-leave. Pero pumasok pa rin ako ng halfday noong July 14 kasi sa hapon naman ang flight. =)) Muntik pa akong hindi makaalis agad sa opisina dahil may inaayos kaming error sa system. Buti na lang sabi ng team leader ko, go na ako, sila na bahala tutal hindi naman parte ng deployment ko ang error. v^^
Sayang nga lang dahil dapat anim kami. Ang isa kasi sa amin ay hindi pinayagan kasi deployment ng project niya sa mismong schedule namin. So sad.
Isinama ko na rin si Mama. Para naman makabakasyon din siya. Pero iniwan ko siya sa Tita ko. Hehe. =))
Paglabas namin ng opisina, weeee~ Kalayaan! Super long weekend! =))
Mula Ortigas, sumakay kami ng MRT papuntang Taft station. Nag-McDo sandali para sa lunch, at sumakay ng shuttle papuntang NAIA 3 Terminal. =))
Sa telenovela ko lang dati nakikita ang loob ng airport. Ang funny ng feeling pagkalampas ng no-non-passengers-beyond-this-point line, haha, para bang may sisigaw ng pangalan ko anytime para pigilan ako. :p
|
Heto kami bago sumakay sa eroplano. :D |
|