Aba, written in English! Napressure tuloy akong mag-English din this year.
Pero hanggang pressure lang 'yun, mas masarap pa ring magsulat in Taglish. :p
Nahirapan din akong bigyan ng isang magandang title ang 2011 ko. Sobrang dami kasing nangyari, roller coaster talaga. Kung baga sa kanta, medley or mash-ups. Kung baga sa isang pack ng kendi, assorted. :) Parang walang theme na matino. Pero narealize ko, ganoon naman talaga ang buhay. Hindi lang naman ako ang may ganoong pakiramdam. :p Hindi siya annual event na pwedeng magpalit ng theme every year. Every day ang buhay natin ay event itself. Pwedeng may magkakasunod na araw na parepareho lang ang theme, pwedeng iba-iba sa loob lang ng isang araw. :)) And sometimes, ang theme sa particular event sa buhay mo ay kung paano mo tingnan ang sitwasyon.
Anyway, here goes. :)
~January 2011~
::Nag-celebrate kami ni mama at ng pinsan kong si Reyna ng New Year sa Bicol. Unang beses ito sa buong buhay ko. Ang saya sa neighborhood ng tita ko. Ang dami kasing bata. Tapos 'yung tita ko, saktong 12mn, nagpapasabog ng maraming barya sa maraming bata na nakaabang na sa doorstep ng bahay niya. Pati si mama kasali. =))::Bought my first camera phone! Ang saya-saya ko nun kasi sobrang ito 'yung gusto ko at last stock na siya. :) Alam kong hindi siya mamahalin pero gusto ko na siya at kuntento na talaga ako sa kanya. :) Unang-una sa lahat, nakakapag-FB mobile ako kahit walang wi-fi at walang load. Secondly, nakakapagbasa ako ng ebooks. v^^ Thirdly, napapakikinggan ko anytime ang mga paborito kong mga kanta. Lastly, nakanood na rin ako rito ng anime episodes habang nasa byahe. :))
::'Life is not measured by the number of breaths we take but by the number of moments that take our breath away.' - wizard
~Seven years have passed so quickly
And it seems like yesterday
...
I don't forget the promise we made
Still the same star shines above us~ New Years Day, Ellegarden. :)